STORY PROLOGUE
ҳ
"Buksan mo na, hutaena ka Theodore!" hiyaw ni Wein na nagbabantay sa baba. Ikaw kaya ang mag-bukas nito? Leche ka. Kung bakit sumama-sama pa ako sayo, ako ang mas mapapahamak dito!
"Hoy, mag hintay ka nga!" pabalik ko namang isinigaw. Kaunti nalang Theodore, mabubuksan mo na rin ito. Kailangan mabuksan ko ito, kung hindi patay ako kay Lola Merla. "Theo, leche andyan na siya!"
Boom, nabuksan narin.
Nagmauna na akong pumasok sa bahay at agad-agad na hinanap ang libro na iniingat ingatan ni Lola Merla. "Bakit ba mahal na mahal ito? Libro lang naman to at wala namang laman yung mga pahina." Agad kong nilagay ang libro sa loob ng bag ko at nagmadali sa pagbaba.
"Bilisan mo! Tara na!"
Pagkalabas ng bahay, si Wein na ang nagsara ng pinto at tuluyan na kaming umalis. Pumunta kami sa malapit na pahingahan. "Pakita nga nung libro, baka naman mali ang kinuha mo." ani ni Wein.
"Malay ko ba? Halos lahat na nga ng mga libro na may 'maroon' na cover kinuha ko na."
Huminga ako ng malalim, napagod ako dun ha. "Ito na nga, salamat." habang pinunasan naman ni Wein yung mga pawis niya.
"Ano bang halaga niyang libro na yan kay Lola Merla?" Finally tinanong ko na si Wein, hindi ko alam kung bakit ko siya tinulungan. Well, honestly speaking tinulungan ko lang siya dahil bestfriend ko siya.
"Bakit kailangan mo pang malaman?" Pabalik naman niyang tanong.
"Malamang itatanong ko 'yun. Eh halos magpakapagod ako jan sa libro na yan."
Binatukan nalang ako ni Wein at tumayo, "Nandito kasi lahat nakasulat kung paano ka makikipag-usap sa mga mortems o kung paano ka makakapunta sa mundo nila." Tumayo narin ako at sinundan siya.
"Mortems? Ano 'yun? Fancy word sa multo?"
"Andami mong tanong at dada. Tara na lang sa bahay namin at magtanong ka kay Lola."
"Libre ba pagkain? Masarap kakanin sa bahay niyo." Biro ko, hinampas ako ni Wein at tumakbo. "Bagal mo, Theo. Tara na!"
"Hoy bumalik ka dito, Wein Perez! Hahapasin rin kita!"
ҳ
Names used in the story such as the kingdom name, language, etc. are fictional!
First time ko pong gumawa ng Filipino Fanfiction. Sana magustuhan niyo ito at patuloy na suportahan! Maraming salamat!
© 2017 by pastellicity
BINABASA MO ANG
[ Eduryn Kingdom || ]
Fantasy❝Ayaw ko nang bumalik, wala naman na akong babalikan pa. Nandito naman na ang buhay at mundo ko.❞ ▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐▐ © 2017 by pastellicity