YRRAH
Nanatili ako sa silid na ito hanggang sumapit na ang gabi.
Iniisip ko si kuya Yohan, dahil for sure ay sobrang magagalit yun oras na malaman niyang umalis ako ng walang paalam.
Ngayon ang araw na dapat at babalik na ako sa Hong Kong at madami na akong pending na trabaho na hinihintay ako.
Maging si Jared ay ngayon ang araw na alam niyang babalik ako. Hindi man lang ako makatawag para masabi sa kanila kung nasaan ako, kahit si Kyle lang sana ang matawagan ko.
But im trapped in this island with Xian Laxamana.
Ano ba ang pumasok sa isip niya?
Habang nakahiga ako sa kama ay nadinig kong kumatok si Xian.
"Yrrah" he softly called my name.
Hindi ako sumagot.
"Yrrah, please come out" I didn't respond.
"Yrrah.."
Bakit ang kalma nang boses niya? Bakit may bahid ng paglalambing ang boses niya? Wag mo akong daanin sa ganyan mo Xian.
Huminga ako ng malalim at pinilit kong hindi magsalita kahit parang naaakit na ang bibig kong magsalita.
"Gising ka pa ba? Please lumabas kana para makakain"
Nang hindi ako sumagot ay nadinig ko na lang ang mga yabag niya palayo. Ni hindi man lang marunong mamilit.
Napa hawak ako sa tiyan ko ng makarandam ako ng gutom. Ang huli kong kinain ay kaninang umaga pa at isang sandwich lang yun. Kung alam ko lang na mapupunta pala ako sa ganitong sitwasyon ay nagbaon na pala dapat ako ng pagkain.
Hinila ko ang kumot at tinakpan ko ang buong katawan ko. Itutulog ko na lang ito.
Pero hindi ko pa man napipikit ang mata ko ay nadinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto kaya't mabilis akong napabalikwas ng upo mula sa kama.
"Paano ka nakapasok dito?" Malakas kong sigaw pagkakita ko kay Xian na nakatayo na sa loob ng kwarto ko.
Itinaas naman nito ang dala nitong susi.
"Eh bakit ka pumasok? Hindi mo ba alam ang salitang privacy ha?" Sigaw ko ulit.
Lumapit siya sakin at inabot niya ang kamay niya sakin.
"Siguro nga galit ka sa ginawa ko. Kaya sorry, but please let me explain first." Ani Xian
Naiiyak na itinulak ko siya.
"Kahit na ano pa yang explanation na ibibigay mo ay mali parin tong ginawa mo!" Sigaw ko habang pinupunasan ko ang luha kong nagsisimula ng tumulo.
"Yrrah, I have my reason"
"Reason? Anong reason ha?"
Hindi siya nagsalita. Bakit? Wala ba siyang masabing excuse sa kabaliwan niya?
"See? Ni hindi mo man lang masabi ang reason na tinutukoy mo!?"
Bumaba ako mula sa kama at tumayo sa harap niya.
"Xian may girlfriend ka. Ano na lang ang iisipin niya pag nalaman niya to ha?" Diretso kong sabi. May fiancee na siya, at ano ako sa istorya nilang dalawa? Kabit?
"Wala akong pake sa kanya"
Lalo akong nainis dahil sa sagot niya.
"Ganyan ka ba talaga? Wala ka ba talagang pake sa mga taong nasa paligid mo kung nasasaktan mo na sila? Wala ka pa ding pagbabago"
"Oo wala akong pake! Oo at hindi pa din ako nagbabago! Walang pagbabago Yrrah, ako pa din ang Xian na baliw na baliw sayo" Bigla niyang sigaw.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kanang kamay ko.
"You made a promise to me. And you should do what you've promised"
Nakagat ko ang labi ko at pinilit na hinila ang kamay ko na hawak niya pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ko ito makuha.
"Yes i made a promise, yun yung tatanggapin kita sa oras na magkita ulit tayo na mahal parin natin ang isat-isa. Pero sa nakikita ko ay hindi na ako ang babaeng mahal mo. May Faye kana Xian" diin ko at kaagad kong pinunasan ang luhang biglang tumulo sa mata ko.
Bakit nasasaktan ako sa posibilidad na hindi na talaga niya ko mahal? Sa posibilidad na baka pinaglalaruan lang niya ko.
"Tell me if you still love me, and i will tell you the real reason behind this bullshit!" Anito
Tinignan ko siya sa mata. Seryoso siya.
At habang nakatingin ako sa mata niya ay nasabi ko ang bagay na akala ko ay hindi ko kailanman na masasabi sa kanya.
"I don't love you anymore Xian"
I have to protect my heart. Ayokong pumasok sa sitwasyon kung saan sa huli ay ako din ang mahihirapan.
"Stop lying Yrrah" nagtiim bagang si Xian dahil sa sagot ko na hindi nito matanggap. Hindi ako sumagot.
"I am not lying"
"Nag promise ka sakin Yrrah"
"Pero may Faye kana! Ano pa ba ang gusto mo?!" Galit kong sigaw.
"Hindi ko mahal si Faye!"
"Pero papakasalan mo siya"
Dito na tuluyan na natahimik si Xian at basta na lang lumabas ng kwarto habang galit."I love you" mahina kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa likod ni Xian na malayo na.
Alam ko na parehas lang kaming masasaktan sa oras na pakinggan ko ang nasa puso ko. Magiging kumplikado lang ang lahat. Lalo na si Xian na nakatali na sa pangakong papakasalan niya si Faye.
**
BRIANA
"WHERE IS XIAN?" Galit na tanong ni Faye pagkalapit niya sa amin
We are here in a party, birthday party actually nitong girlfriend ni Xian.
Pinigilan ko ang sarili kong tumawa habang nakatingin ako kay Faye.
Sina Lance naman, Scott at Evans ay nagkibit balikat lang sa tanong ni Faye sa kanila. Kaya lalong nainis si Faye at nag walk-out.
Tss.. Wala ang boyfriend niya na pinagmamalaki niya sa lahat. I know that she is just using Xian for popularity, and i think Xian also sense that.
"Bitch!" Naiiling na sabi ni Scott.
"Nasaan ang dalawa?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"In a private island" sagot ni Evans
"Really? So how is the deal?" Ngiting tanong ko sa tatlo.
The four of us have a deal. Kapag tinulingan ko silang tatlo para magkabalikan sina Xian at Yrrah ay papayag sila na magiging model ko silang tatlo para sa nalalapit kong fashion show.
"Oo na, tuloy ang deal" ani Lance
"Whatever" ani Evans
Psh.. Arte eh
**
Hazlyn Styles
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Teen FictionYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...