Chapter 28

1.4K 45 1
                                    

YRRAH

Matapos ang pag-uusap namin na yun ni Xian ay hindi na niya ako pinilit na lumabas at kumain.

Kaya naman nakatulog ako na hindi kumain.

Ayoko ng lumala pa ang sitwasyon namin na ito. Sa oras na malaman ng fiancee ni Xian ang tungkol sa ginawa ni Xian ay alam kong malaking eskandalo ito.

At ang maipit sa gulo nila ang ayaw kong mangyari lalo na kung alam ko naman na ako din ang matatalo sa bandang huli.

Pagkagising ko kinabukasan ay nadatnan ko na lang na may nakahapag ng pagkain sa side table dito sa loob ng kwarto ko. Kailan pa nailagay ni Xian ang pagkain? Hinawakan ko ang pagkain at narandaman ko na mainit init pa ito, ibig sabihin ay kakalagay lang nito dito.

Mabilis na kumain ako at hindi ko na inintindi kung galing ito kay Xian. Ayokong mamatay dahil sa gutom.

Dumating ang hapon na walang Xian na nagpakita sakin. Galit ba siya? I'm now bothered because of Xian.

Dahil hindi ako mapakali ay pinili ko na lang na lumabas at tignan ang dagat. Naupo ako sa buhangin habang dinadama ang sariwang simoy ng dagat.

Habang nakaupo ako ay inaalala ko ang nakaraan. Ang nakaraan namin ni Xian sa LEU. Si Xian na isang Hari at ako na isang hamak na prinsesa lang. Kung paano ako mas pinili ng Hari kaysa sa Reyna.

Hindi ko maitatanggi na isa si Xian sa magandang alaala na meron ako. Masarap alalahanin kahit na masakit ang katapusan.

Hiniling ko dati na sana magbago siya, na darating ang araw na isang bagong Xian ang babalik, isang Xian na handang lunukin ang napakataas na pride para lang sakin. Pero sino nga ba ako para maghangad ng isang pagbabago kung sarili ko mismo ay alam kong hindi ko din mabago?

After our breakup i realized that maybe it is also my fault. Because as a girlfriend i also have to understand him. His priority in life is not just me. Siguro dahil masyado pa akong bata noon kaya naman naging padalos-dalos din ang mga desisyon ko.

Ngayon ko na realize na hindi dapat pilitin ang pagbabago. Na hindi mo kailangan maghanap ng taong kayang magbago para lang sayo, dahil ang tunay na nagmamahal ay ang taong marunong umintindi at kayang tanggapin kung anong  pagkakamali at pagkukulang ng taong minamahal mo.

Niyakap ko ang sarili ko ng umihip ang malamig na hangin. Tumingin ako sa paligid at wala talaga akong nakikitang ibang tao dito sa isla. Gaano ba kayaman ang pamilya ni Xian na maging ang isang isla ay nagawa nilang bilhin?

"It's cold. Let's go inside" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Xian sa likod ko habang may dalang kulay puting blanket na isinuot niya sa balikat ko.

"I thought you already left"

"As if i can leave you here" tugon ni Xian habang nakatingin sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin at itinuon sa dagat ang paningin ko.

"If you want, i can leave Faye"

"What about your parents?"

"My parents have nothing to do with this. Marrying Faye is not their decision at all"

"So, you really did love Faye? That's why you decided to marry her"

"You are the only girl i loved" diretso nitong sabi na nagpakunot sa noo ko.

"Naglolokohan ba tayo dito Xian?" Naiinis kong tanong sa kanya. Paano niya nasasabi ang bagay na ito gayong engage na siya sa iba.

"Hindi ako nakikipag lokohan sayo. Faye is simply a part of the business, marrying her is not my intention"

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Xian. Ano ang tingin niya sa kasal? Laro na pwedeng basta na lang itigil kung kailan niya gusto? Na kapag may nakita siyang bago ay basta na lang niya iiwan?

"You are impossible Xian" naiiling kong sabi sa kanya.

"Call me a jerk Yrrah. Pero kung ang hiwalayan si Faye ang siyang tanging paraan para bumalik ka sakin ay gagawin ko. Ang hayaan kang makawala ulit sakin ang huli kong gagawin. I wont let you leave again. I will trap you in this island until you accept me again, love me again Yrrah. Please love me again" sa huling salita ni Xian ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinala ito sa magkabilang pisngi niya.

This time I admit, i lost in his words. Nanlalambot na naman ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. At alam kong konting konti na lang ay bibigay na ako. Malapit na akong bumigay kay Xian.

Marahan akong umiling kay Xian habang dinadama ng mga palad ko ang maiinit na pisngi ni Xian. Kaya ko ba talagang tanggapin ulit siya? Ngunit may pangako ako sa kanya. Iyon ay ang muling tanggapin siya sa oras na dumating ang araw na magkikita ulit kami na mahal pa namin ang isa't-isa ay tatanggapin ko ulit siya.

"Let's go inside. I will cook for our dinner" biglang sabi ni Xian. Ibinaba na niya ang mga kamay ko ngunit hindi niya binitawan ang isa at magkawak kamay kaming pumasok sa bahay.

Pagdating sa loob ay pinaupo ako ni Xian sa  isang upuan na nasa kusina at hinayaan niya akong panoorin siya habang nagluluto.

"You can cook?"

"Of course. This is my long time dream, to make a food just for you" ani Xian habang abala sa paghihiwa ng mga sangkap.

"I can not forget that time when you look at me with full of disappointment when you discover that i can't cook" natatawa pang sabi ni Xian.

Hindi ako makapagsalita. Naalala niya pa ang bagay na yun?

Habang nagluluto siya ay hindi na ulit ako nagsalita. Hinayaan ko na lang ang mata ko na sundan ang bawat kilos ni Xian sa kusina. Mukhang gamay na gamay ito sa pagluluto dahil sa bilis ng mga kamay nito sa paghihiwa ng mga sangkap. Maging ang suot nitong kulay asul na apron na may nakasulat na 'X.L' sa baba ay hindi din nakaligtas sa mata ko. May costumize apron pa ito.

Ilang minuto lang ang tumagal ay inilapag na ni Xian sa harap ko ang pagkain. Pati ang pagsandok ng kanin ay siya ang gumawa.

"Let's eat" ngiting sabi ni Xian at hinintay ako na tikman ang luto niya.

"It's good " sabi ko at hindi ko napigilan na mapa thumbs up dahil masarap naman talaga.

"Im glad you like it" masayang tugon ni Xian habang nakangiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganito. He is happy. And knowing that I am the reason of his smile makes my heart flutter.

"Xian" tawag ko sa pangalan niya.

I have made my decision.

"Papayag na ako. Habang nandito pa tayo sa isla, subukin ulit natin. Let's see if we can work this out. I'll give you another chance to prove yourself. Because im still in love with you Xian" I lost. Sino bang mag aakala na susuko ako sa laban dahil lang sa masarap na luto ni Xian?

"Yrrah" hindi makapaniwalang sambit ni Xian sa pangalan ko habang ang hawak nitong kutsara at tinidor ay basta na lang nitong binitawan.

At ang sunod niyang ginawa ay hindi ko lubos na inasahan at napaghandaan.

Xian Laxamana is now holding my cheek while gently kissing my lips.

**

-Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon