Chapter 35

8K 271 25
                                    

Cloud Marasigan on the media ^___^

Hi Readers! Sorry kung ngayon lang ako nag UD. Busy po kasi ako. Buhay estudyante. Sana po maintindihan niyo na marami po talagang ginagawa ang mga estudyante at malapit na po ang finals kaya hindi po ako kaagad nakakapag-UD. Thank you po sa patuloy na paghihintay sa UD ko. Alam ko pong nakakasawang maghintay pero naghihintay pa rin kayo. Nakakatuwa po kasi binabasa niyo parin yung story ko kahit hindi ako professional na author. Thank you rin po sa nagcocomment at nagvovote.

Comment lang po kayo kung maganda itong story ko at mas gaganahan po ako sa pagu-UD.
God Bless! Lovelots!

Read. Vote. Comment

-cutelittletiger18

Winter's P.O.V

Ngayong araw ang end of the world. End of the world talaga kasi sigurado akong wala kaming maaayos para sa aquaintance party. Dahil siguradong siguradong siguradong siguradong at isa pang sigurado akong puro bangayan at awayan lang ang mangyayari. Ang malas lang namin dahil sila pa ang makakasama namin sa pago-organize ng party. Kami na yata ang pinakamalas sa buong mundo.

"Ang malas natin guys!" Rinig kong reklamo ni Rain.

Yeah right. Sobrang malas.

"Bakit sila pa? Pwede namang tayo nalang eh! Kaya naman nating mag-organize na tayong walo lang. No 'the RIP grammar girls' and no Blake and Dwight. We can do it without them!" Inis na sambit ni Snow

Oo nga! Kayang kaya namin na wala sila. We don't need them!

"Aba! Wag niyong ibuhos ang galit at inis niyo dito. Harapin natin sila! Kung hindi lang talaga tayo nasa canteen non baka binali ko na mga buto nila at ginamit ko na ang karate skills ko!" Galit na sabi ko.

"Winter you know we can't do that." Autumn.

Yeah right. It is all because of that fvcking promise that we made a year ago.

"Autumn kailangang na nating gamitin ang mga skills natin! Nung nakidnap tayo, hindi tayo lumaban dahil don sa pangakong iyon! Napahamak na tayo!" Rain

Nakakainis naman kasi ehh! Bakit kailangan pa naming mangako na kahit kailan ay hindi na namin gagamitin ang mga skill na yon!

Bata palang kami ay natrain na kami. Karate, judo, taekwando at kung ano ano pang pwedeng maging self defense na magagamit namin. Pero hindi na namin sila ginagamit.

"Girls kapag ginamit natin ang mga yon sigurado akong mauulit lahat ng nangyari dati. And I don't want that to happen ever again! Muntik na tayong makapa---"

Naputol ang dapat sabihin ni Autumn dahil sa biglaang pagpasok ng boys. Ghad! Muntik na nilang malaman!

"Girls! Tara na sa SB. Doon daw tayo magmi-meeting." Panget.

Oh diba? Ang aarte talaga ng mga babaitang yon! Pwede namang dito nalang sa school magmeeting! Classmates naman namin sila! Nakakainis talaga yung mga trying hard mag english na mga babaeng yon! Mga bruha talaga!

"Ehem! Tara! Alis na tayo." Autumn

Tinignan niya ako at umiwas ako ng tingin. Dahil sa pagpupumilit namin ni Rain ay muntik ng malaman ng boys ang sikretong hindi dapat nilang malaman. Mukhang wala naman silang narinig dahil hindi naman sila nagtanong.

"May idea na ba kayo para sa party?" Rinig kong tanong ni Storm.

"Meron na." Sagot ni Snow.

Princesses In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon