Chapter 30: Decision

8.1K 331 2
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid.

Iginala ko ang paningin at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. Tahimik akong tumayo sa kamang kinaroonan at nagtungo sa pinakamalapit na bintana sa akin. Hinawi ko ang kurtinang nasa harapanan at natigilan noong makitang madilim na ang buong paligid. Mabilis naman akong napahugot ng isang malalim na hininga noong mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Nasa secret mansion pa rin ako ni Lady Lou.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na inalala ang mga nangyari. What am I doing here? Paano ako napunta sa silid na ito? Nakatulog ba ako kanina dahil sa pagod? Damn! I don't remember! Ang huling malinaw lamang sa aking alaala ay iyong nag-uusap kami ni Timothy sa labas ng mansyon!

"You're scaring me, Shanaya." Natiglan ako noong biglang maalala ang mga katagang binitawan ni Timothy kanina. I felt guilty because of that! He wanted me to tell him everything, but hell, I can't! Dahil sa oras na sabihin ko sa kanya lahat, pareho kaming magdudusa! Ayos lang sa akin na ako lang ang nahihirapan ngayon. Marami na itong naitulong sa akin kaya naman ay ayaw ko na itong mag-alala pa sa kondisyong mayroon ako ngayon!

Dahan-dahan akong bumalik sa kama at tahimik na naupo roon. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid. I bit my lower lip when I felt nothing. Hindi normal ito para sa akin. My senses are always active, but now, tila nawala lahat ng kakayahang mayroon ako. I feel... empty.

Slowly, I opened my eyes. "What wrong with you, Shanaya?" Halos walang tinig na tanong ko sa sarili.

The truth is, simula noong nakabalik ako rito sa Xiernia ay biglang nawala ang sakit na naramdaman ko noong nasa Tereshle pa ako. Ang buong akala ko'y magiging maayos na ulit ang lagay ko. But I was wrong. Noong nawala ang sakit sa dibdib ko, tila unti-unti namang hinihigop palabas ng katawan ko ang kapangyarihang mayroon ako. I can feel it. Kung ikukumpara sa kung ano ang mayroon ako ngayon at noong bago mangyari ang kaguluhan dito sa Xiernia, malaking porsiyento ng kapangyarihan ko ang nawala na sa akin!

At hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. I'm a royal of Xiernia! The current Queen of this kingdom! But... Why the hell I suddenly feel weak and powerless? Ngayong nagbalik na ako, bakit tila mas lumala pa ang kondisyon ko?

Mabilis kong inalis ang luhang nag-uunahang umagos mula sa mga mata. Napatingala ako at pilit na ikinalma ang sarili. Hindi ako maaaring umiyak na lamang. Ang pag-iyak ay isang kahinaan din! Damn it!

Agad akong natigil sa pagluha noong may mga kumatok sa nakasarang pinto ng silid na kinaroroonan ngayon. Pinakalma ko ang sarili at pinahid ang mga luha sa mata at pisngi. Hindi maaring makita nila akong ganito. My weakness is our downfall! At hindi ko hahayaang mangyari iyon!

"My Queen." Napaayos ako nang pagkakaupo noong makita si Lady Lou. Nasa may pinto na ito ngayon at noong makita gising na ago, agad itong pumasok sa silid at lumapit sa akin. "You're awake! Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya habang pinagmamasdan ako nang mabuti.

Napatikhim ako at hinawakan ang basang pinsgi. Tahimik kong inalis ang bakas ng luhang naroon. "I'm fine now, Lady Lou," sambit ko sa kanya sabay tayo sa kinauupuan. Naglakad ako patungo sa bintana kung saan ako tumayo kanina.

I heard her sighed. "You're not fine," aniya at sumunod sa akin. Tumayo ito sa tabi ko. "What's wrong?" marahang tanong niya.

Malungkot akong tumitig sa madilim na tanawin sa labas ng bintana. "You tell me, Lady Lou. Alam kong may alam ka." I sighed and faced at her. "What's wrong with me?"

"Shanaya." Natigilan ako noong tawagin niya ako sa pangalan ko. Simula noong naging reyna ako ng Xiernia, madalang na niya akong tawagan sa totoong pangalan ko. Lady Lou is a powerful Xier. Alam kong may ideya ito sa kung anong nangyayari sa akin ngayon. "I can't read your mind," sambit niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "You're like a blank slate now, My Queen."

What? Blank slate? "W-What do you mean by that?" I asked her, more confused about my condition.

"Nabanggit ko na ito sa'yo noon, Shanaya. Tayong mga Xier ay hindi maaaring magtungo sa Tereshle. We can't leave this place, Shanaya. At kung mangyari man iyon, hindi tayo maaaring magtagal doon." Nanlalamig na ngayon ang buong katawan ko. Alam ko kung ano ang mga susunod na sasabihin ni Lady Lou sa akin ngunit nanatili akong tahimik at walang imik. She taught me everything before I became a Queen! Alam ko ang lahat ng mga sinasambit nito ngayon ngunit ayaw ko lang tanggapin ito!

"Shanaya, My Queen, leaving Xiernia means our own death."

Napapikit ako at muling humarap sa may bintana. Mariing kong ikinuyom ang mga kamao at humugot ng isang malalim na hininga. "Where's my mother?" Nanghihinang tanong ko sa kanya.

"Shanaya-"

"I need to talk to her, Lady Lou." Napabuntonghininga ako. "Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa Tereshle!" Agad akong napatingala noong nagbabadya na naman ang mga luha ko. This is not happening to me! Hindi maaaring mawalan ako ng kapangyarihan ngayon! Marami pa akong dapat gawin dito sa Xiernia! I still need my power to save my kingdom! "I need to know her reasons."

"And when you find out her reasons? May magbabago ba?" tanong nito sa akin na siya ikinatigil kong muli. Napamulat ako at wala sa sariling napatitig sa madaling na tanawin sa labas ng mansyon.

Mayroon ba? May magbabago pa ba? Wala na, hindi ba? Hindi ko na maibabalik ang kapangyarihang nawala sa akin dahil sa pananatili ko sa Lynus! Hindi ko na maibabalik ang kung anong mayroon ako noon!

Napalunok ako at napayuko na lamang. This is all my fault. Kung naging mas malakas lang sana ako, dapat ay hindi ko hinayaang gawin ito ng aking ina. Dapat ay naglakas loob akong bumalik agad dito sa Xiernia! Kahit na hindi kasama si Timothy o ang magkakapatid na Alvarez, dapat ay bumalik na ako rito kahit na mag-isa pa! "I'm going to die," walang lakas na wika ko.

"No," seryosong wika ni Lady Lou sa tabi ko. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa'yo, Shanaya."

Napailing ako sa kanya. "But without my power, I can't fight against our enemies! Ano pang silbi ko kung ganoon?"

"You have us, My Queen. Kasama mo rin ang mga kaibigan mo mula sa Tereshle. They can help us and win this fight!"

Binalingan kong muli si Lady Lou at seryosong tiningnan ito. "No. I'll send them home. Babalik na sila sa Tereshle," sambit ko na siyang ikinataka niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling nagsalita. "Kailangan na nilang makabalik sa mundong pinanggalingan nila. They can't here and risk their lives for us. They already helped me return here in Xiernia safely. Tama na iyong nagawa nila para sa akin. They need to stop and return to their own kingdom." Malungkot akong tumitig sa kausap. "Joining me here was really a bad idea."

Tama nga ang ina ni Timothy. Maling-mali na pumayag ito sa naging pabor naming dalawa.

"But in our current situation, My Queen, we need their help! Those Tereshlians are powerful, you know that! And their attributes are enough to fight an entire army! Malaking tulong ito sa atin, Shanaya!"

"But I can't risk their lives!" No. Hindi ko ipapahamak ang mga taong tumulong at itinuring akong kaibigan! "Hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari! I'm dying, Lady Lou! Wala na akong sapat na kapangyarihan para protektahan ang mga taong mahalaga sa akin! Mas mabuting bumalik na sila sa Tereshle bago pa lumala nang tuluyan ang sitwasyon natin ngayon!"

"My Queen," mahinahong sambit ni Lady Lou sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. She sighed and looked at me intently. Hindi ito nagsalita at tiningnan ako nang mabuti. Tila ba'y tinitimbang nito kung ano ang dapat na sabihin sa akin para kumalma ako.

But my decision is final! Kahit na anong sabihin nito, hindi na magbabago iyon! Babalik sila Timothy at ang magkakapatid na Alvarez sa Tereshle!

Mayamaya lang ay napabuntonghininga si Lady Lou. Umaayos ito nang pagkakatayo at binitawan ang balikat ko. "Whatever you want, My Queen." She carefully said to me. "We'll send them off tomorrow morning." She sighed again and started to walk towards the door. "Come on, My Queen. The former Queen Alexandria is waiting for you," dagdag pa nito at binuksan ang pinto ng silid. Nauna itong lumabas at naiwan akong tulala sa kinatatayuan.

Marami na akong naging maling desisyon noon kaya naman kailangan ko nang mag-ingat ngayon. Hindi ko maaaring hayaang mapahamak sila Timothy at ang mga kaibigan nito.

This is my kingdom, my own problem and battle. Kung may magsasakripisyo man para sa Xiernia, ako dapat iyon at hindi ang mga taong mahal ko at malapit sa akin.

Shanaya: Queen of the FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon