Prologue

4 3 0
                                    


Mary Jane's POV


"Hoy!! bata ka gising na malalate ka na sa first day ng klase mo.".

narinig ko ang boses ni mama at bigla akong nagising at ayon hinampas na ko.

"Aray!! Tama na po, tatayo na po ako".

"Aba'y anung oras na first day ng klase mo ngayon ah.".

Ay oo nga pala first day ng pasok ngayon bilang isang ganap na kolehiyala. Hindi pwedeng malate ako.

Tumayo na ako sa kama at dumaretso sa bathroom ko . buti na lang pala ginising ako ni mama.

after kung maligo nag bihis na ako at nag ayos ng mabilis at nagmamadali na akong bumababa ng hagdan.

"Oh! Jane kumain ka na muna dito." sabi ni mama habang pababa ako ng hagdan.

"Mama hindi na po ako kakain malalate na ako!! Babawi na lang ako ng kain mamaya sa school."

Papalabas na ako ng gate ng bahay ng may naalala ako.

"Wait!! My lucky charm bracelet!" Gusto ko kasi talaga dalhin yun sabi kasi ni papa suotin ko lagi yun. Pampaswerte at para kunwari kasama ko siya lagi kagaya ng bracelet na naka kapit sa wrist ko isipin ko daw na kamay niya yun nalaging nakaalalay sa akin. Sweet ng papa ko nuh!!

Miss Ko na nga si papa kasi lagi na lang siyang nasa ibang bansa para asikasuhin ang business namin,

Ang tagal na nga ring hindi umuuwi si papa Pero iniintindi ko na lang kasi para rin naman sa amin yun, para sa pangangailangan namin at sa future namin.

"Bakit bumalik ka pang bata ka malalate ka na."

Si mama talaga!! Ang lakas ng bungangaXD

"May naiwan lang po."

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.

"ayon!" Buti nakita ko agad sa may study table ko..

Sinuot ko agad ang lucky charm bracelet ko at bumaba na..

"Ito!! na talaga paalis na po ako"

"Ah sige anak ingat ka, check mo nga yang gamit mo at baka bumalik ka na naman."

"Hindi ok na po, ingat din po kayo bye!!"



                ******



Papasok na ako ng gate ng school . Hindi ko maiwasang na ma amaze, ang ganda dito ang laki ng ground. may anim na palapag ang bawat building. Napaka dami ding estudyante, tiningnan ko ang orasan ko.

"hala! 8:10 na". napalakas ang pag sabi ko. Biglang nag tinginan ang ibang estudyante sa akin.. napangiwi na lang ako sa hiya.

"Ay Sorry po." binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Nang may nakabangga ako.

"Aray!!" Dinig kung sabi niya.

"Sorry po!!"

Naglakad na ulit ako ng mabilis.. pero infairness ang bango niya . Sayang hindi ko nakita ang mukha nya, nag mamadali na kasi ako.

Hinanap ko na ang room 117 dun kasi ang first subject ko, BSIT(bachelor of science in information technology) ang course na kinuha ko. Mahilig kasi ako sa computer kaya related sa computer ang kinuha ko at sabi nila madami daw opportunities at indemand din daw, kaya kinuha ko na.

Love me like you doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon