Secret

15 3 2
                                    

Bata pa lamang ay matalik na kaming magkaibigan ni Princess. Naging close kami dahil marami kaming similarities. Hindi lang kami magkapareha ng ugali ngunit magkahawig din pati sa mukha. Minsan nga akala ng iba pinsan o magkapatid kami.


Palagi kaming magkasama araw-araw, nagkakaunawaan sa lahat ng bagay, magkaramay sa mga problema at magkapatid na ang turing sa isa't-isa.


Ngunit umabot sa puntong naging masekreto ako sa kanya. Nilihim ko ang pagkakaroon ng malubhang sakit.


Hanggang sa na-ospital na ako dahil lumalala ito bawat araw. Sinabi ko kela Mama na huwag ipaalam sa kanya para hindi na siya masaktan at alam ko namang gagaling ako pag nagkaroon ng therapy.


Ganun nga ang nangyari, na-confine ako ng mahigit dalawang buwan at ang buong akala niya ay binisita namin ang Lola ko na may malubhang sakit sa Probinsiya. Pero kahit ganoon ay araw-araw naman kaming nagtatawagan at palagi kong pinapakita sa kanya na masaya ako at walang iniindang sakit kaya hindi siya nakakapag-isip ng ibang bagay.



Isang araw, sinabi ng Doktor na lumalala na ang kalagayan ko at mas nakabubuting sa ibang bansa nalang ako magpagamot dahil mas kompleto at mapapadali ang pagaling ko doon. Nagdadalawang isip ako. Paano kung matagalan ako doon? Paano ang maiiwan ko dito sa Pinas? Paano na ang bestfriend ko? Sino ang magtatanggol sa kanya tuwing minamaltrato siya ng tatay niya? Pero naisip ko rin na kung tutuloy ako doon ay mapapadali ang pag-uwi ko dito dahil gagaling ako agad.


Tumuloy nga kami sa Amerika. Na-ospital ako ng mahigit limang buwan. Oo gumaling ako sa tulong ng tito kong Doktor. Nag-stay muna kami ng isang buwan doon at sa mga araw na nasa Amerika ako ay hindi ako pinagamit ng gadget para daw sa recovery.


Pagbalik namin ng Pinas ay agad akong niyakap nina Tita at Lola. Parang may gustong sabihin ngunit pinipigilan dahil nangibabaw ang iyak at pagpapasalamat dahil ayos na ako. Binigay ni Tita sa akin ang Cellphone ko. Tumakbo ako sa kwarto at binuksan iyon. Walang preno ang pagdating ng mga mensahe. Binasa ko ang lahat ng iyon.



Unti-unting bumalik sa akin  ang masasaya at malulungkot na pinagdaanan namin, naisip ko rin ang mga paghihirap na pinagdaanan niya habang wala ako, kung ano ang nangyari sa kanya sa mga panahong iyon at itong sekreto ko na nagpadagdag sa problema niya. Lumabas ako ng kwarto na puno ng luha ang mga mata.




Tinakbo ko ang pagitan namin ni Tita sabay tanong ng, "'Ta, san po siya inilibing?" at humagulgol.

SecretWhere stories live. Discover now