Epilogue

6 2 0
                                    

"Ma'am, kayo po ba yung tumawag samin nong araw na yun?" Tanong ni Namjoon sa isang di naman ganun katandang babae.

"Namjoon, anak." Sabi nung babae sabay yapos sa binata.

"Anak?" Naguguluhang tanong ni Namjoon.

"Anak, ako 'to. Ang Mama nyo." Sabi nung babae kay Namjoon sabay tingin kina Jimin at Yoongi.

"Mama?" Nagulat silang tatlo sa rebelasyong nangyari. Simula ng mga bata palang sila, wala na silang nakasamang ina. Paglipas ng ilang linggo ibinigay sila sa simbahan kung saan sila lumaki at inaalagaan.

Walang umakong ina sa kanila kaya nawalan na si Namjoon ng pag-asa na hindi na nila mararanasan ang pagmamahal ng isang nanay.

"Bakit.. Ngayon lang kayo, Mama?" Umiiyak si Namjoon habang yakap yung babae.

"Anong pangalan nyo, Mama?" Naiiyak na tanong ni Yoongi.

"Raebin. Ang pangalan ko ay Raebin." Sabi nya tsaka umiiyak na niyakap sina Jimin at Yoongi.

"Mama.." Banggit nilang dalawa atsaka niyakap pabalik ang Mama nila.

Yumakap si Namjoon sa tatlo kaya hindi na nila nakita ang palihim na ngisi ng babae.

                                     * * *
[CHOI JI WOO]

"Ji Woo, baka naman nagkamali ka lang ng dinig." Tangina naman, Hoseok eh! Rinig na rinig ko kaya! E-879 daw.

Ngumawa ako kasi sobrang sikip na talaga ng dibdib ko.

"E-879 nga daw kasi!" humikbi ako. "E-879! Kitang-kita ko sa headline! Rinig na rinig ko!"

"Si Taehyung.. Yung Taehyung ko.." Umiiyak kong niyakap yung phone ko na may picture namin ni Taehyung.

"Bakit mo ko iniwan? Walang hiya ka, sana naman nagpropose ka muna bago ka namatay di ba?!" Humagulhol ako ng humagulhol. Yung buong mundo ko, gumuguho. Lahat ng mga pangarap ko, wala na, bumagsak na lahat.

"Hindi nya ako pwedeng iwanan!"

Wala ng nagawa si Hoseok kundi ang yakapin ako at pagaangin yung loob ko. Hinagod nya yung likod samantalang, wala namang epekto kasi iyak pa din ako ng iyak.

"Byuda na ako." Iyak ko pa.

"Di pa nga kayo kasal eh. Okay ka lang ba?" Ewan ko kung naaawa ba sakin si Hoseok o inaasar pa nya ako lalo.

"Tangina mo. Ganun din yun!" Umiyak ako lalo. Wala na.. Si Taehyung ko.. Iniwan na nya ako..

"Teka, subukan mo kayang tawagan yung phone ni Taehyung? Malay mo, di nya na-airplane mode yun." Suhestyon ni Hoseok. Tama! Kelangan di naka-airplane mode yung phone nya! Kelangan sagutin nya yung tawag ko!

Agad dinail yung number nya pero..

Unknown number calling...

At sino naman 'to?

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon