MOE EPIC FAIL

34 0 0
                                    

ang kapal ng make-up niya. batiin natin siya ng "happy foundation day!"ang haba ng eyelashes niya salamat sa maskara. ang rosy ng cheeks niya salamat sa blush on. salamat din sa lip stick at eye shadow na kumpleto ng get-up niya.

mai c razon is her name. as you read "mai c ra". oo nga mukha siyang may sira. isipin mo may class assembly lang para sa mga interest club tapos naka-lolita dress siya. watta! yay. ayan agaw atensyon siya. president kasi siya ng "Anime and Jpop Lovers Club" sa school nila.

"maganda ka sana, kaso may sira ka," comment ng best friend niyang si belle.

"ha? ako may sira? inggit ka lang, nerd!," depensa niya.

"ohhh," sabi nung mga ibang taong nandun sa assembly, sabay tingin sa kanya. actually, disturbing pa ang malaki niyang ribbon sa buhok.

well, the school knows her as the "nosiest girl ever". maingay siya. konting makakita ng daga, sisigaw ng "eeewww". noisy rin kasi laging agaw pansin.

nagspark ang eyes niya as in parang nagkaroon ng short circuit sa katawan niya. well, may something sa environment na nagpapatalon sa heart niya. may lalaki, na mukhang dark angel na nandoon. feeling niya nakita na niya si Dark Mousy (yung character sa DN Angel). ang ganda ng ngiti niya ah. "gusto ko siya," bulong niya kay belle.

"sino?"

"yung lalaking naka-black shirt," titig na titig si mai dun sa lalaki. "magiging kami!"

"ohh...siya ba? ganda mo teh! alam mo bang siga yan?" comment ni belle.

"i don't care, basta super havey siya sa mga mata ko at sa pusong makulay," sparkling eyes pa rin. ang ganda niya lalo. para nga talaga siyang may sira. feeling naririnig niya ang kantang "My Silky Heart" by Yui Horie. nasa anime world ata siya. "yiiihhh...anong name niya?"

"knight," ayun ang name niya.

"he will be my knight. yay!!! i like him!"

"di ba sabi mo sa anime guy ka lang nagkakagusto?"

"pati rin sa lalaking mukhang anime...hay...it is a wonderful life. nyaw~"

"bahala ka. wish ko maging masaya ka."

"ang ganda ko today and everyday," sigaw niya. kakahiya talaga siyang kasama.

"oo na. kaw na maganda."

nagstart na yung assembly. at yung mr. knight niya ang unang nagsalita. siya pala ang presidente ng karate club ng school niya. eh type pa naman ni mai ang mga lalaking mahilig at marunong sa martial art.

"magandang hapon po sa inyo. nandito po ako sa harapan niyo upang sabihin ang agenda ng karate club.....

..........at nais po naming ipalaam na tumatanggap kami ng mga bagong miyembro, babae at lalaki. muli ako po ang representative ng karate club, Knight de Luna."

may iniisip si mai," hmmm...carry ko namang maging presidente ng anime and jpop lovers club at same time maging member ng karate club."

"ok ka lang? sasali ka sa karate club?!  eh lampa ka kaya!" pamababara ni belle.

"ok lang ako, ok. kapag gusto naman may paraan di ba? isa pa. alam mo na ang agenda ko kung bakit ko toh gagawin. koi ni ochita no! let me be with you~" magsisimula na siyang kumanta ng opening song ng chobits. "isa na akong persecom na mag-aaral ng karate."

hay...nakakatawa siya. ang babaw niya kasi. pero ultra-kawaii pa rin siya. love at first sight nga.

siya naman ngayon ang nagsalita. "hi guys!!! ah kilala niyo na ako. ako si mai c. razon ang presidente ng anime and jpop lovers club na ang pinaka-cute na estudyante dito. di ba? ah ano...ang agenda namin ay palaganapin ang dalawang bagay: otaku at wota. being an otaku means you love and learn from watching anime. and being a wota means you love jpop songs. it is more fun being a wota and otaku. anyway more anime freebies to come and more jpop cds to come. and i like to commend mr. karate guy. pwede ba akong sumali sa inyo? please. onegai shimasu. thank you. honto ni arigatou!"

nakasimangot si knight. nagtanong siya sa katabi niya, "sino siya?"

"mai c razon. ang cutest and pinaka-moe na babae dito sa school."

"siya pala. well, tingnan natin kung kaya niyang \sa karate club."

pag-upo ni mai, after nung speech niya, "ayos lang ba yung speech ko?"

"..."

so what will happen next to this girl and to this karate guy?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MOE EPIC FAILWhere stories live. Discover now