Parang panaginip pa din ang lahat.
Napaka-perfect ng araw na ito.
At lahat ng iyon ay dahil kay Daniel.
Ang boyfriend kong bassist na pinapangarap ng ilang babae.
Sobrang saya ko pag kasama ko siya.
Kaya nga parang ayaw ko ng pumasok ng gate ko nung hinatid niya ako.
He waved his hand and gave me his killer smile.
Pumasok na ako.
Hinahanap ko yung susi ko.
Nagulat nalang ako nang may humawak sa braso ko.
"Kath.."
Pagtingin ko..
Ito yung lalaki kanina.
Ano kayang kailangan niya saakin?
"Sino ka ba talaga? Bitawan mo ako." medyo mahinahon pa ang tono ko.
"Kath.. Hindi mo na ba talaga ako naalala? Ako si Khalil. Kath,alalahanin mo ako please!" naiiyak niyang sabi.
Khalil? Wala akong natatandaan.
Pero bakit kailangan niyang umiyak dahil lang sa hindi ko siya natatandaan.
"Sorry pero hindi talaga kita kilala." inalis ko na yung kamay niya sa braso ko.
Papasok na sana ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin.
"Kathryn.. Alalahanin mo ako please." sobrang higpit ng yakap niya.
Bigla nalang may tumulak kay Khalil.
Si Daniel.
Pinag-susuntok niya si Khalil.
"Bakit mo niyayakap ang girlfriend ko??!"
Patuloy pa din siya sa pag-suntok kay Khalil.
Pero,pinigilan ko din siya dahil baka matuluyan na.
"Daniel,tama na.."
Tumigil siya..
BINABASA MO ANG
I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]
FanfictionPaano kung akala mong okay na ang lahat kaso hindi pa pala? Laging may kulang. Laging may problema. Magkaroon pa kaya ng Happy Ending ang storya natin?