Chapter 33
Nanginginig ang mga kamay ko sa nababasa ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising sa panaginip na 'to. Pero hindi dahil totoo ang nababasa ko ngayon.
"Ano 'yan?" tanong ni Kaye at akmang kukunin sa akin ang phone ko nang pigilan ko siya.
"Wala." tipid kong sagot at tumingin sa unahan habang tinitigan ko nalang ang white board habang malalim pa din ang iniisio ko.
Ang saya naman kasi ang taong mahal ko meron na pala siyang girlfriend. CONGRATSS!!
"Gurl, may kwento ako sayo." kinikilig na sabi ni Kaye at niyugyog ang braso ko.
"Nagkaroon na kami ng date ni Yvan. Oh my ghad!" kinikilig niyang sabi habang kagat niya ang ibabang labi niya para mapigilan ang pagtili.
"Ah!" walang gana kong sabi kaya tumigil siya sa pagkakilig at makahulugang tumingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Ano ba talaga ang nangyayari sayo?" nag-aalala niyang tanong at pilit na hinuli ang tingin ko.
"Wala." tipid kong sagot sa tanong niya at pagkatapos ay umub-ob ako sa lamesa.
Parang binibiyak ang puso ko ng mabasa ko 'yo . Gusto kong tanungin siya kung totoo ang nabasa ko pero natatakot ako sa maaari niyang isagot.
"Si Luke ba?" nagtataka nitong tanong sa akin.
Umiling lamang ako at mas lalo kong sinub-sob ang mukha ko sa lamesa. Kagat ko din ang ibabang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Malamang si Xander na naman!" sabi nito habang nanatili akong tahimik na nakaub-ob sa lamesa ng upuan ko.
Hindi ako kumibo ng marinig ko siyang bumuntong hininga. Sino pa nga ba? Malamang si Xander lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit parati akong umiiyak at nasasaktan.
"Pigilan mo ako gurl, babangasan ko ang lalaking papasok ngayon sa pinto." nagtitimpi niyang sabi at narinig kong nagsarado ang pinto.
Nandito na ang lalaking sinasaktan lamang ang puso ko.
"WHAAT? SINAGOT MO NA SI LUKE?" biglang sigaw ni Kaye kaya mabilis akong napatunghay at pinanlakihan siya ng mata.
Napansin ko din na madami ng taong nandito at nakatingin sa pwesto namin. Nakakahiya talaga ang babaeng 'to. Bigla nalang sisigaw ng walang katotohan.
"CONGRATTSS GURLL!!" muli niyang sigaw na may kasama pang palakpak. Samantalang kunot lang noo ko na nakatingin sa kanya kasi hindi ko alam kung ano ba ang trip niya.
"Ano ba ang sinasabi mo?" bulong ko sa kanya ng inguso niya ang pwesto ni Xander kaya napatingin din ako sa pwesto niya.
Nakaub-ob lang siya at nasisiguro ko na malalim na ang tulog niya.
"Wa epek?" nakangusong sabi ni Kaye hababg umiiling.
"Nasaan ba ang dalawang kumag na 'yon? Gusto kong makapanuod ng live na sapakan." excited niyang sabi habang hinahanap si Caleb at Luke na wala parin hanggang ngayon.
Para talaga silang Tom & Jerry kasi hindi na magkasundo ang dalawa.
"Sa kanto, madami do'n" tinatamad kong sabi dahil dinadamay niya pa ako sa kalokahan niya.
Pero ang totoo gusto kong lapitan si Xander at tanungin kung ano ba talaga sila ni Madison. Kung may relasyon ba talaga sila.
"WAAAAAAHHH! AVERY!! HUWAG!! BATA KA PA!!" sigaw niya at nagsitinginan ulit sila sa amin at maging ang mga estudyante dumadaan sa room namin napapatingin din sa lakas ba naman ng boses ng babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Ficção Adolescente(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...