unang story :)) sandali lang to,, sana magustuhan nyo
vote rin po tsaka magcomment ty ^-^
~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~**~~~
Nandito ako ngayon
Sa damuhan,,..
may dalang mga prutas, dalandan, mansanas at iba pa... mga prutas na paborito nya
May dala rin akong mga puting rosas... eto kasi yung paborito nya...
Pupuntahan ko na sana sya kaso biglang umulan
Sumilong muna ako..
sa sinisilungan ko... may kasama akong mag-ina
pinupunasan nung nanay yung sapatos nung anak nya..
naalala ko tuloy si Mama ...
ganyan din sya sakin noon...
maalaga...
mapagmahal...
mapag-aruga...
pero hindi ko iyon napapansin noon...
madalas binabalewala ko lang sya nuon at sinasagot sagot
di kami ganon kaclose kasi lumaki ako noon sa piling ni Lola
nasa ibang bansa sya dati... pero bumalik sya nung 4th year na ko
mahina na kasi si Lola..
di na ko kayang alagaan
galit ako sa kanya kasi lumaki akong walang magulang
wala na ngang tatay...
wala pang nanay...
iniwan na kami ni Tatay nung pinagbubuntis pa lang daw ako...
dahil doon, kinailangang magtrabaho ni Nanay sa ibang bansa..
di ko naiintindihan yon noon
pakiramdam ko kasi, inabandona nya ko...
pakiramdam ko ...
iniwan nya ko
ang tingin ko sa kanya, masamang ina...
ina na walang puso,...
ina na hindi marunong magmahal
totoo,, naging marangya nga ang buhay ko dahil sa pagtatrabaho nyang yon sa ibang bansa ... pero ni minsan hindi ako naging masaya .... hindi ako naging masaya sa mga damit... tsokolate... laruan... at kung ano ano pang mga bagay na gustong gusto ng mga bata...
ni minsan hindi ako naging masaya... ni minsan...
baket ? kasi isa lang naman ang gusto ko,, at iyon ay ang makumpleto ang pamilya ko.
gusto kong magkaroon ng nanay at tatay
yung ... ipagtatanggol ako kapag inaaway ako ng kalaro ko
yung tatay na ipapasan ako kapag pagod na akong maglakad...
yung nanay na kakantahan ako pag gabi kapag hindi ako makatulog...
simple lang naman diba ?
pero bakit ni minsan... ni minsan hindi ko naranasan...
Dahil lagi syang wala..galit ang namuo sa puso ko bata pa lang ako...
galit na... dinala ko hanggang sa paglaki ko ... kaya nung umuwi sya, lagi kong ipinapakita na galit ako at lagi ko ring ipinapamuka sa kanya na masama syang ina. ipinaaramdam kong wala syang halaga sa akin.
Madalas nga akong umuwi ng hating gabi, hindi ako nagpapaalam. Paguwi ko, gising pa rin sya. Hindi sya natutulog hangga't hindi ako umuuwi.
Kapag umaga naman, umuuwi pa sya galing palengke(pinagtatrabahuhan nya, pamanang pwesto ni lola), para lang ipagluto at ipaghain ng mainit na pagkain....
Twing tanghali,, dinadalhan pa nya ako ng pagkain gamit ang bisikleta nya papuntang paaralan ko. Naalala ko pa nung nahuli sya ng dating dahil nasira ang bisikleta nya kaya naglakad na lang sya. Ayaw kong tanggapin pero nagpumilit sya.. kaya ayun.. tinanggap ko.. pero hindi ko kinain, hinayaan ko lang mapanis. Kinagabihan,, nakita ko ang itsura nya.. mangiyak ngiyak sya nung makita nyang napanis lang ang pagkaing pinaghirapan nyang dalhin.
Hindi ko lang sya pinansin. Nasabi ko na lang sa sarili ko na kasalanan din naman nya kung bakit nangyari yon tsaka para sakin kulang pa yon..
Sa dinami dami ng kasalanan at mga pasakit na ginagawa ko sa kanya...
ni minsan hindi sya nagreklamo... kahit alam kong hirap na hirap na sya...
ni minsan... hindi ko rin syang nagalit sakin... at ni minsan... hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay..
Pero sa lahat ng kamalditahan ko kay Nanay..
isang pangyayari ang hinding hindi ko makakalinutan at pinakapinagsisisihan ko sa lahat..
Nangyari yon nung final exam namin.
Graduating na ko nun.
"Lahat ng kaklase ko nag eexam na? Nkakahiya ! Asan na kaya yung bwisit na yon !! nakakaasar !!!" nasabi ko sa sarili ko.
Tnext ko si Nanay "Asn k n b ? d mo b iniicp klgayan ko ? gusto mo tlga akong ipahiya no ?!"
Nagreply sya "Teka lang anak, malapit na ko intayin mo lang ako, nakapagbayad na ko"
Naghintay ako... Pero hindi sya dumating..
Hindi rin nya sinasagot ang mga text at tawag ko...
Di ako nakakuha ng exam. Syempre galit na galit akong umuwi sa bahay.
Nakadagdagpa ng traffic yung inis ko. Grabe, hindi talaga umuusad yung jeep, kaya napagpasyahan kong maglakad na lang...
Sa paglalakad ko.... Bigla akong napatigil...
Bigla ring tumulo ang luha sa pisngi ko..
Nakita ko ang mga dugo sa kalye... Pati ang bisikleta ni Nanay na nasa ilalim na trak.
Hindi ako makagalaw... Pero... Naisip ko rin na baka naman hindi si Nanay yon, di lang naman sya ang may ganong bike
Lumapit ako ng kaunti sa may ambulansya...
Hindi ko na napigilang hindi umiyak nang makita ko ang aking ina... gulagulanit ang damit, puro gasgas ang muka at katawan dahil sa pagkakakaladkad nya sa trak, labas na rin ang buto nya sa kabilang pisngi. Halos hindi ko sya nakilala....
Hindi ko na kayang ibalik pa ang buhay ng aking ina...
Nilapitan ko sya...
Lalo akong naiyak noong..
Nakita ko ang resibo sa kamay nya..
Resibong kailangan ko para makapag-exam...
Ngayon ang ikalimang anibersaryo ng pagkamatay ni Nanay.
Dadalawin ko sya.
Alam kong kahit araw araw ko pa syang dalan ng mga bulaklak at prutas,...
alam kong hindi na noon maibabalik ang buhay ng aking ina...
at alam ko ring hindi na nya makakain ang mga prutas na ito...
hindi na rin nya maaamoy ang mga puting rosas na dala ko....
at kahit anong gawin ko...
alam kong hindi sapat yon para mabayaran ang lahat ng kasalanan ko sa kanya..
Pero kahit ganon...
Nagtapos ako ng pag-aaral, isa na akong guro ngayon... tinupad ko na lang ang isa sa mga pangarap nya...
ang makapagtapos ako...
dahil alam ko... isa ito sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya... sayang nga lang....
di na nya to makikita...
END
BINABASA MO ANG
Resibo (one shot story) [INIAALAY SA MGA INA]
Short StoryTao lang tayo... nagagalit... nagkakaroon ng hinanakit... Kahit minsan, dun pa sa taong sobrang nagmamahal satin... kahit dun sa taong kapakanan lang naman natin ang iniisip... Pahalagahan ang mga taong nagmamahal sayo ng sobra.. kagaya ng iyong ina...