Being Her Best Friend

66 1 0
                                    

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Umiiyak sya. Umiiyak ang bestfriend ko.

Ang masaklap pa rito, ako ang dahilan. Kaya kung nasasaktan sya ngayon, doble sa akin yun.

“Bakit ka ganyan Nigel? Ano ba ginawa kong mali? All this time ganyan pala ang tingin mo sa akin! Naawa ka lang sa akin dahil bobo ako at wala akong mga kaibigan?”

Ang harsh ng sinabi ko sa kanya. But I didn’t mean it. I just need to say that.

“I’m sorry.”

“Bakit mo ko pinaniwalang mahal mo ko? Ngayong nahulog ako sayo, hindi mo ko sasapuhin! Tama ka nga! Ang tanga tanga ko!”

Hindi ka tanga Sarah. Kung meron tanga rito, ako yun. Tanga ako na pakawalan kita. Naduwag akong ipaglaban ka.

“Tama na Sarah!”

 “Anong tama na? Hindi pa ako tapos! Bakit natatakot ka na malaman ng iba yang bulok mong ugali? Ang sama mo Nigel! Pinagkatiwalaan kita! Anong karapatan mong paglaruan ang puso ko? Of all people, Ikaw pa? Ikaw pa na itinuring kong best friend?”

“I’m sorry.” Patawarin mo ko, hindi ko gustong saktan ka, pero kailangan.

“Sorry? Sorry lang sasabihin mo sa akin? Sa tingin mo ba sa sinabi mong yan mababawasan itong sakit na dinulot mo sa akin ha!?”

“Sorry Sarah.”

“I hate you! Damn you!” She slapped me. I deserved it.

Ang sakit. Sobra. Hindi yung sampal, kundi yung pag-alis nya. Dahil alam kong hindi na sya babalik.

 I can’t help it, but cry.

*FLASHBACK*

First day of school. Ang lahat ay excited, but not me! Don’t get me wrong. Hindi ako bobo, I graduated as class salutatorian nung elementary. Oha! Tamad lang ako. Lalo pa ngayon, high school na ako. New school. New people.

Magdidiscuss na sana ang teacher namin ng may biglang dumating. Lahat sila natingin sa pinto, pero ako, hindi ako nag-aksaya ng oras para tingnan kung sino ang dumating. Unang araw, late! Tsss

Nagulat na lang ako ng pinatabi sa akin ni Ma’am yung bagong dating.

“Hi. I’m Sarah. Sarah Guzman! You are?” As I saw her. Wow! Ang ganda nya! Pero turn off: Babaeng latecomer.

“Hello. Nigel Guzman.” Natawa sya. Problema nito?

“Why are you laughing?”

“E kasi magkapareho pala tayo ng surname. Meant to be!”

“O? Nice!”

Yun ang una naming pag-uusap. Mula noon, naging close na kami. Given na seatmates kami sa lahat ng subjects. Mula noon, hindi na ako tinatamad pumasok sa school. Nagkaroon na ako ng dahilan para bumangon sa malambot kong kama.

“Can you be my bestfriend?”

“Sure! E ako lang naman yata kaibigan mo rito e.”

“Ang kapal mo naman Nigel! Pero partly true.” And we both laugh.

Dumaan ang mga araw, pati na rin ang buwan. Mas lalo kaming naging close sa isa’t isa. Kilala na namin ang isa’t isa. Alam kong mahina sya sa academics, e ako lagi nagtuturo dyan at dumating pa sa punto na pinapakopya ko na sya. Pero talented sya, she can sing and dance. Maganda. Mabait. Masayahin.

Kasama nya ako sa mga panahong masaya sya. Karamay nya ako sa mga panahong malungkot sya. Nangako kami na wala dapat sikreto sa isa’t isa. Ang sikreto ni Nigel, alam dapat ni Sarah. Ang sikreto ni Sarah, alam dapat ni Nigel.

Being Her Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon