Dumating ang huling araw ng aming Summer School, ito na rin ang araw kung saan malalaman kung kami'y makakasama sa swimming trip namin sa resort. "Game?" tanong ni Austin sa amin. "Alvrin, cellphone mo." banggit niya habang nagtetext ako. "A-ah... okay." bigkas ko't tinago na ito sa aking bulsa.
"Okay, 1 and a half hour. 80 items. Alam niyo na rin naman, ito ang breakdown ng subjects by number. Good luck." banggit niya ng kinatok niya ang whiteboard:
Science: 20 items
Math: 20 items
English: 15 items
Filipino: 15 items
History: 10 items
At nagsimula na ang test ng ami'y ibinaliktad ang aming mga papel. Ubod ng tahimik ng lumipas ang mga minuto, "... Gusto niyo ng tugtog? Pero yung instrumental lang, nakakabingi rin kasi 'tong ingay." sabi niya. "Sige po." sagot naman namin.
Nagpatugtog siya mula sa kanyang phone, mahinang classical music, nakaka-relax at hindi siya nakakadistract. Pasalamat sa pagrereview kagabi ay nakasagot na rin naman ako kahit papaano sa mga tanong na ibinigay ni sir.
"40 minutes." bigkas niya ng hindi ko namalayan na ganun kabilis tumakbo ang oras kapag gumagawa ng pagsusulit. Ilang saglit pa ay pumasok ang principal, bago pa kami tumayo ay pinaupo na kami kaagad, "It's okay. Just continue."
Napalingon ako sa kanya ng nag-usap sila ni Austin. Bago sila sumulyap saakin ay binawi ko kaagad ang tingin ko mula sa kanila at nagpatuloy sa pagsagot. Ilang saglit lamang ay umalis na ang principal at natutok na muli ang mga mata ni sir sa amin, ang kanyang mga estudyante.
Mga oras pa rin ang lumipas at-
"10 minutes..." At tapos na akong magsagot, kailangan ko na lamang reviewhin ang aking mga sinagutan. Marami pang mga oras kaya tutok na tutok ako sa aking papel. Hindi ko alam kung ano yung nagiging dahilan ko kung bakit ganito ako ka-focused ngayon.
"Okay, finalize your answers." ang mga linyang ito ay napaka-common sa lahat ng mga guro, pero sadyang hindi nakakasawang pakinggan, hindi ko lang talaga alam kung bakit talaga ito ang dahilan, pero hindi ko na sinikap na isipan pa ito ng malaliman.
Ipinasa na namin ang aming mga papel kay sir at sabi niya, "Oh sige. Break muna, 30 minutes. When you get back, sure may results na." sagot niya. "Okay!" sagot namin at nagsialisan na sila. Ako ang nahulit at sinabi, "... Um-... may pabibili ka ba?" tanong ko.
"... Hm?" Napalingon siya sa akin ng nakataas ang kanyang mga kilay ng pagtatanong na ekspresiyon. "Ahh, ikaw bahala." sabi niya ng may ngiti. "... Okay." sagot ko't umalis na ng room. Lahat kami'y pumunta sa isang convenience store at nagsibilihan na ng aming mga pagkain.
Nag-aya sila na sa classroom na lamang daw kami kumain, pumayag naman kaming lahat para may makadaldalan kaming isang nakatatanda. Nang makarating kami sa classroom, biglang kabog kami sa pinto sabay sigaw ng, "Sir! May dala po kaming pagkain!" at inilatag namin ang mga ito sa isang arm-chair.
"A-ay... grabe, hindi niyo naman kailangan gawin 'yan." bigkas niya. "Eh ito na, sir oh." sabi namin at tsaka tinabi niya ang mga papel, "Sige, habang kumakain i-aannounce ko yung results. Nakapabilog kaming nakaupo sa mga upuan nakatingin kay sir na nakapuwesto sa teacher's table.
"Okay bad news or good news?" tanong niya. "Bad news." sagot namin lahat sabay-sabay kahit lahat kami ay kumakain ng aming tanghalian sa classroom.
Ngumiti siya, "Again, follow directions. I said write your answer not encircle it... Stef at Francis." banggit niya't bumuntong hininga. Napayuko ang dalawa at tumawa ng kaonti, "Hay nako... pero- swerte kayo mabait ako't kinonsider ko lahat ng 'yan. Kung hindi bagsak kayo." sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng dalawa at napangiti sa isa't isa, "Yes!" sigaw nilang parehas.
"Okay, good news... maghanda na kayo dahil next week mag-s-swimming tayo plus overnight sa resort!" ang pagbati ni sir nito ay isang senyales na lahat kami ay pasado at makakasama sa resort! Laking tuwa ang nadulot at napunta sa aking damdamin. Kahit hindi ko na alam yung score ko okay lang basta ang mahalaga pasado ako.
"One more thing, the person who got the highest score is... Alvrin." sabi niya sabay pakita ng papel ko. "Perfect." ang salita na ito ay nagpalaki sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikitang score sa aking papel.
Napangiti na lamang ako't sinabi, "Salamat po, sir!" at bigla silang natahimik. "Teka-... okay ka lang, Alvrin?" tanong ni Jayra. "Oo nga? Nag... thank you ka tapos... sabi mo sir..." paliwanag ni Grenaldo naman.
Nanlaki ang mga mata ko't napatulala, nauutal at hindi alam ang aking sasabihin. Blanko ang utak ko sa mga ideya na kung papaano ako makakaiwas sa ganitong sitwasyon. Ngumisi si sir at sinabi, "Sabihin nalang nating tinuruan ko siya ng husto tungkol sa respeto." paliwanag niya't kumindat.
Tumango sila't sinabi, "Sir, pwede na ba umuwi?"tanong ni Karin. "Yes, you may go." at lahat sila ay nagsialisan na, ako lamang ang naiwan kasama si sir. "Mas mabuti pa na umuwi ka na rin, ako na maglilinis dito. Send ko nalang sa group chat yung details." paliwanag ni sir.
"A-ah... ano, tutulong na ako." sabi ko't nagsimulang mag-ayos ng mga upuan habang itinitipon ni sir ang mga basura para sa isang tapunan na lamang ito. Habang nasa labas si sir para magtapon, ay nakita ko ang walong ticket na naka-ipit sa isang folder na nasa teacher's table.
Ito yung ticket namin para sa resort...
Napangiti na lamang ako't hindi ko na mapigilan ang excitement sa pag-s-swimming sa susunod na linggo. Salamat naman at mararamdaman ko na rin ang totoong pakiramdam ng tag-init.
Nang bumalik si sir ay tapos na akong mag-ayos ng mga upuan. "Tara?" tanong niya't sabay na kaming umalis ng classroom. Nakasalubong namin ang principal sa hallway sa ground floor. "Oh, tapos na pala kayo. Mag-ingat kayo pa-uwi ah." bigkas niya. "Opo." sagot namin parehas.
"At wag niyong kakalimutang mag-enjoy sa resort." paalala niya't sumang-ayon kami sa pamamagitan ng pagtango.
Nang umalis ang principal ay napunta kami sa waiting area, "Uuwi ka na no?" tanong ni sir. "Oo. Pero... sa tingin ko bibisitahin ko muna si Linke sa ospital." sabi ko. "Ah, gusto mo hatid na kita?" pag-aaya niya.
"Ay- hindi na, okay lang." sagot ko naman. "Sure ka? Pamasahe rin." paliwanag niya. Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Sige na nga..." para namang may choice ako. Pagdating sa kotse ay nagdrive na siya papunta sa ospital pero naisipan niyang bumili ng kahon ng donuts para kay Linke, ibigay ko raw.
Nagpasalamat ako sa kanya ng ibinaba niya ako sa harapan ng ospital. "Ingat ka. Kita nalang tayo sa susunod na linggo." Nang kanyang ibinigkas ito ay nagtungo na ako sa loob ng ospital para bisitahin ang aking nakababatang kapatid na si Linke.
BINABASA MO ANG
Teacher's Unexpected Move: Summer School [COMPLETE]
Fiksi RemajaKilala si Alvrin (Al) sa kanilang paaralan dahil sa kanyang napakatapang at rumerebeldeng kaugalian. Napapabayaan niya ang kanyang pag-aaral dahil dito, kaya naman siya ay binigyan ng pangangailangang kumuha ng summer school kasama ang pinaka-iniini...