Bumili ako ng Piattos at umupo
Habang ako'y naghihintay ng bus
Sa bag ay kinuha ko ang dyaryo
Nagbasa ng mga latest news
Nagulat ako sa mga balita
Lalo na sa aking nakita
Ang lalaki sa tabi ko'y binuksan ang Piattos
Kumuha at kumain ng walang padalos- dalos
Kumuha ako at agad na kumain
Kahit na may kasalo sa pagkain
Habang ngumunguya ay nakangiti pa sakin
Sa kapal ng mukha, ang sarap sipain
Ang huling piraso'y ipinalamang niya
Sa akin na parang nang-aasar pa
Di na ko nagsalita, ayoko ng eksena
At umalis si Lalaking nakangiti pa
Dumating na ang hinihintay na bus
Byahe nito ay pa-Batangas
Nagulat ako ng makita ang Piattos
Sa aking tabi na wala pang bawas
"Kung ito ang sakin", sabi ko sa sarili
Ang kinain ko ay siya ang bumili
Huli na nang ito'y mapagtanto ko
Nakasakay na ito sa kabilang dako
***
wag sana 'tong mangyare sa tunay na buhay...
at tunay na nakakahiya.. care to vote and comment :))
--reinnesoleil
BINABASA MO ANG
Ang Magnanakaw ng Piattos
Poetrypaano kapag nangyare to sayo?? Pause.Stop.KILL ME NOW.