TORETE

23 0 0
                                    


Naglalakad akung mag isa ng makuha ng atensyon ko ang isang kanta, sinundan ko ito at ikaw ang kumakanta.

Pinagmasdan kita, hindi ko namalayan na tulala na ako pala..tumigil kana sa pag aawit, yun pala na huli mo akung nakikinig.

Ngumiti ka, sinuklian din kita ng ngiti..Tumayo ka at nag paalam, ni hindi pa ako nakatanong kung anu ang iyong pangalan.

Parang tanga akung ngumingiti pa uwi, iniisip ko kung magkikita tayong
Muli.

Isang taon lumipas, hindi na kita na kita, siguro nga hindi tayo itinadhana.

Nag kalat ang balita, may bagong lumipat..Hindi ko na binahala.

Nagulat ako ikaw ang bago kung kaklase, nilibot mu ang iyong tingin pero tumigil sakin.

Pero mas na gulat ako ng Ikay lumapit sakin, ngumiti ka at umupo sa bakanting upuan.

"Nag kita na ba tayo?"

Unang tanong mu palang pinag pawisan na ako.

Ngumiti lng ako at nilibang ang sarili ko, pero alam ko kinikilig na ako.

Ilang araw, buwan ang lumipas Katabi parin kita, ang swerte ko kasi araw-araw na kita makikita.

Isang araw na balitaan ko niligawan mo ang isang sikat na cheerleader, ng malaman ko parang baliw akung nag mukmuk sa isang pader.

Hindi nag tagal sinagot ka nya, Masaya ka tuwing kasama mo siya.. Kahit ako masaya na rin para sayo, hahaha pero sa totoo kasinungalingan ang sinasabi ko.

pinalaya kita kahit hindi tayo, umiiwas ako pero parang wala din epekto sayo.

Linggo ng gabi napagisipan kung gumala, Naka punta ako sa isang fastfood, may magkasintahan nag sisigawan, nagulat ako kayo pala.

Tumayo ang Girlfriend mo, at iniwan ka naka yuko,pinagtitingan ka para bang nag tataka? Kung bakit hindi mo hinabol ang Syota mo,umiwas ako ng napa tingin ka sakin.

Sa unang pagkakataon tinawag mo ang pangal ko, kinakabahan ako habang papalapit sayo.

Sabi mo umupo ako, kaya sinunod ko rin ito

Ngumiti ka kahit may sakit ka nararamdaman, bakas sa iyong mata na iiyak ka sa anung oras man.

Kinowento mo sakin ang dahilan sa inyung paghihiwalay, at nan dito naman ako para ikaw ay may karamay

Pinakinggan kita kahit na mahirap, OKAY lng basta ikaw ang Kausap

Tumayo ka sa kina uupuan mo, at nilapitan mo ako...sa unang pagkakataon niyakap mo ako..yung yakap na para bang hindi mo na bibitawan..sana ganito na lng walang katapusan.

Una ka bumitaw, pinunasan mo ang iyung natulong luha..Hinawakan mu ang mag kabilang balikat ko at sinabi mo
"Salamat gumaan ang loob ko"

Kahit na ako, mas lalong nahuhulog na sayo.

Hinatid mu na ako pa uwi, ng maka pasok na ako para namang akong sawi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TORETEWhere stories live. Discover now