Notice: The characters mentioned in this story are purely fictional. Any resemblance to anyone dead or alive is purely coincidental and unintentional.
From Natasha Melendres
"You say it's getting old, and I should make a move."
- GGH // TC.
Good morning. Text? :)
To Natasha Melendres
GM ba 'to? XD
From Natasha Melendres
GM po. :)
To Natasha Melendres
Okay. Good morning na lang din. :))
Fuck. Here we go again. Sinasabihan niya ulit ako ng 'po'. Sinabihan ko na siyang 'wag na niya akong i-po eh. Ayoko kasing makita niya ako as an older brother figure na nothing more, nothing less. I refuse to be friendzoned.
Bumusina na 'yung service ko at dali-dali akong tumakbo papalabas ng bahay. Wala na 'kong time kumain ng breakfast; mamaya na lang kapag may vacant period ako.
"'Tol, may isusuot ka na ba para sa Valentine's Dance?" tanong agad sa 'kin ni Chris. Kaklase ko si Chris nung freshman year. Sayang nga eh, magkaklase sana ulit kami this year kaso nga lang nagkamali pala ako ng pinasukan na Homeroom nung first day. Stupid, I know.
"Oo, bakit?" sagot ko sa kanya.
"Wala lang." Tumawa siya. "Masama magtanong?"
Napasimangot ako.
--------------------
Dumating kami sa school ng 7:10 AM at lahat kaming magkaka-service tumakbo papunta sa mga classroom namin. Dahil na naman doon sa isa naming ka-service na freshman, na-late ulit kami. Nakakainis na nga eh, papagalitan na naman ako ni Ma'am Juliet. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, nagtawanan lahat ng mga kaklase ko.
Does it have something to do with the fact that my hair is a disheleved mess and I look absolutely flushed? Positive.
"Dude, absent si Ma'am. Well, at least nakapag-morning exercise ka na." agad na sabi sa akin ni Aleck nang tumigil siya sa pagtawa.
"Ay, fuck." Lumabas na lang kaming dalawa kasama sina Matt at Xavier at tumambay sa usual tambayan ng barkada namin malapit sa gym. Kaming apat lang nandoon kasi lahat ng iba naming kabarkada ay taga-ibang section so may klase pa sila.
May napansin akong dalawang freshman na usually kasama ni Tash tuwing vacant niya. 'Yung isa, 'yung ka-service ko na palaging nagpapa-late sa amin sa umaga -- si Emily, at 'yung isa naman, 'yung may boyfriend na fourth year na taga-ibang school. Ano nga ulit pangalan niya? Georgina? Georgie? Genevieve?
Nakaupo 'yung dalawa sa damuhan malapit sa tambayan namin. Tumayo si Emily at pumasok sa loob ng canteen. Habang bumibili siya, may tatlo pang freshman girls na umupo rin sa damuhan at nagsimulang makipag-usap dun sa may boyfriend na senior. Silang lima ang usually kong nakikitang kasama ni Tash dito sa school. 'Yung una kong nabanggit na dalawa, 'yung isa pang matangkad na may salamin, 'yung kapatid ng kabarkada ko, at saka 'yung maliit na may salamin at braces.
Si Tash na lang talaga 'yung kulang sa barkada nila.
Nasaan siya?
Nasagot agad 'yung tanong ko nang makita ko siyang tumatakbo galing sa may canteen papuntang gym. Umupo na rin s'ya sa puwesto ng barkada niya nang 'di ako napapansin sa inuupuan ko. Medyo basa pa 'yung buhok niya pero maganda pa rin. Siguro na-late na naman s'ya ng gising. Pinigilan ko 'yung tawa ko. Madalas na yatang nale-late 'to ah.
BINABASA MO ANG
Take A Chance Before It's Done
Romance"Go and get her, don't just let her turn you away." Admitting your feelings to a girl is hard. Admitting your feelings to one of your closest friends is even harder. (One-shot based on the song Go Get Her by This Century.)