Jazrille's POV
Alam kong ako ang may gusto nito. Hindi ko man lang hiningi ang side nya bago ko gawin ito. Ngayon eto ako, umiiyak sa kwarto ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na makita ko si Ivan. Masyado akong nasaktan sa kasalanang ginawa ko naman.
Pagkadating namin sa bahay, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. Ayokong makipag usap sa kahit kanino sa ngayon. Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko pero ito ang gusto ko. Hindi ko din nakausap si Rae pagkatapos kong umiyak sa kanya. Hindi nya tuloy kung anong gagawin nya sakin kanina.
Hindi pa alam nila Jet ito. Pero panigurado, magagalit kay Ivan yun at ayoko namang mangyari yun. Wala namang kasalanan si Ivan dito dahil ako yung umayaw.
Hanggang sa makatulog na ako sa pagiisip.
Kinabukasan..
Papasok na naman ako ng school. Wednesday ngayon to be exact. Muntikan ko nang makalimutan na may pageant nga pala kaming lalaban sa Friday. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil si Ivan ang partner ko. Ugh! Stress!
Hindi na bago saakin yung tinginan nila kapag pumapasok ako sa Arcadia. Pero iba ngayon dahil masasama at bulungan ang nakikita at naririnig ko.
Ano bang aasahan ko eh si Ivan ang nakasali sa usapang ito.
"Break na daw sila ni Ivan."
"Oo nga teh! At ang kapal ng mukha nya ha! Sya pa ang nakipagbreak sa kanila ni Ivan"
"Sabi contract lang daw kaya naging sila."
"Malandi sya! Ginamit pa nya si Ivan ha!"Naiiyak ako sa mga naririnig ko. Mga tao nga naman, hindi muna inaalam ang buong pangyayari bago humusga. Nakakainis pero mas pinili kong hindi sila pansinin dahil masakit parin sakin yung katangahang ginawa ko.
Pagkapasok ko ng room. Bakit ganyan ang itsura ng mga tao dito? Nagulat sila nang makita nila ako. Pagtingin ko sa upuan ko, shet! Kalapit ko nga pala si Ivan dito!
Why are you doing this to me! Umupo na ako sa upuan ko pero hindi ko parin maiwasan na hindi marinig yung mga pinagsasasabi nila saakin. Ano bang problema nila?! Ang sakit parin ng ulo ko dahil sa kakaiyak ko. Haaay!
Dumating na yung prof namin at nagdiscuss naman sya. Nasa tabi ko si Ivan ngayon dahil kalapit ko naman talaga sya tuwing comarts. Hindi sya umiimik at mukha syang may hangover. Gusto ko syang kausapin pero wala akong karapatan.
Ang sakit talaga ng ulo ko at feeling mo may sakit ako. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi mawala yung sakit ng ulo ko kaya naman,
"Ms. Can I excuse myself?"
"Why Ms. Ramos?"
"Its urgent. I need to go to the comfort room"
"I see. You may go Ms. Ramos"
Patayo na sana ako ng bigla akong matumba kaya naman napahawak ako sa bangko ko.
"Are you okay Ms. Ramos?"
"Yes Ms."
Tuluyan na akong umalis dun. Hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko. Nahihilo na talaga ako. Kinuha ko yun phone ko para tawagan si Jet pero everything went black.
Ivan's POV
Hindi ko mapigilan na hindi magalala para kay Jaz. Patapos na ang klase namin pero hindi parin sya bumabalik. Napansin ko din na namumutla sya kanina pero hindi ko sya magawang punahin dahil
Wala na kami.
Nung pagtayo nya kanina, muntikan na syang matumba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga panahong yun.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Ficção AdolescenteIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014