Free Hugs (One Shot Story)
Free hugs day ngayon, Hindi naman to talagang sine-celebrate sa school pero nagkalat padin ang mga estudyanteng may hawak ng karatulang may nakasulat na “Free Hugs” at may mga estudyante naming pumapatol dito.
Karamihan sa mga nag papa “Free Hugs” eh yung mga sikat dito sa school, Varsity player, Heartthrob, Casanova, pati nadin yung mga pervert na lalaki dito sa school, at syempre ang mga pumapatol dito eh yung mga walang magawa, fangirls, isama niyo nadin yung mga bakla.
At ngayon nakatingin lang ako sa kanila, habang hawak ang libro ko, at pasimpleng tingin sa ilalim ng makapal kong salamin.
“Fey! Yakapin mo naman ako!” Sigaw ni Joshua, isa sa mga sikat at pinag-kakaguluhan na estudyante dito sa university, isa din siya sa mga estudyante dito sa school na may hawak ng karatulang may nakasulat na ‘Free Hugs’
Tinignan ko naman si Fey, ang ganda niya talaga, simple lang siya, hindi niya na kailangan mag lagay ng kolorete sa mukha para mapansin at maging maganda, yung ganda niya kasi eh kapansin pansin kahit hindi na siya mag papansin, mukha siyang buhay na manika at isa pa matalino din siya, mukha siyang isang karakter mula sa loob ng libro na nabuhay.
Tinitigan ko lang siya, habang paunti-unti siyang naglalakad papunta sa direksyon ni Joshua, walang ekspresyon ang mukha niya, samantalang si Joshua nakangisi lang, ngisi na puro kayabangan, at ako, tahimik na nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Tumigil sa paglalakad si Fey, sabay nang pagtigil niya ay ang pag tingin niya kay Joshua.
Napatigil din ang lahat sa ginagawa nila, siguro gusto din nilang malaman ang gagawin ni Fey, pati ako napatigil din, taimtim na nagdadasal n asana, sana wag ‘niyang yakapin si Joshua.
Nakatitig lang si Fey, wala padin siyang ka’emo-emosyon sa mukha, pero nagulat ang lahat sa ginawa niya, paano kasi
‘nilagpasan niya lang si Joshua’
Pero mas nagulat ang lahat sa sinabi nito bago siya umalis,
“Ayaw kitang yakapin, mukha kang tanga” pagkatapos niyang sabihin yun, ay tuluyan na siyang umalis.
Nagtawan ang mga estudyanteng nakakita, si Joshua naman namumula na sa galit,
At ako nakahinga ako ng maluwag mukhang natupad ang dasal ko.
----------
Nag kalat padin ang mga estudyanteng nagpapa Free hugs, yung mga teacher kasi ginawang free day ngayon, kaya wala na tuloy klase.
Andito ako sa field ng school, sarado kasi ang library, bawal din sa classroom wala naman daw kasing klase, meron din nag papa free hugs dito pero di ko na masyadong pinansin, busy kasi ako sa pagbabasa.
Nasa kalagitnaan nako ng binabasa ko ng biglang dumilim sa paligid, hindi dahil sa uulan , kundi dahil sa may humarang sa paligid ko.
Tinignan ko kung sino ito, at tama nga ang hinala ko, sila Joshua at ang tropa niya, bitbit padin nila yung karatulang may nakalagay na “Free hugs”
Sinenyasan nila akong tumayo, na siyang ginawa ko naman. Pag katayo ko iniabot niya agad ang karatulang may nakalagay na “Free hugs” hindi na niya kailangan sabihin ang kailangan kong gawin dahil alam ko na, pero itinanong ko padin, para sigurado
“Pagod na kasi ako eh, ikaw na gumawa niyan” nakangising ssagot niya sakin
“B-ba-bakit a-ako ?” kinakabahang sabi ko sakanya, ilang beses na kasi akong napag tripan niyan at kahit kaya ko silang kalabanin, hindi ko ginawa, takot ko lang na madumihan pangalan ko sa eskwelahan na ito, at isa pa ayaw ko ng gulo.
BINABASA MO ANG
Free Hugs (One Shot Story)
Teen FictionOne Shot Story Free Series Presents : Free Hugs This is the first story in my Free Series, meron ng second, you can check it out sa works ko, entitled FREE KISS.