"Papa! Mama!" napasigaw ang princesa sa nakita nya, nakita nyang walang buhay ang kanyang magulang sa harapan nya.
"Krisha!" sigaw ng kanyang kuya
"kuya... sila mama at papa...." umiyak nyang sabi
"kailangan mong umalis dito! kailangan mong maka ligtas!" sabi ng kuya nya at hinila sya palabas ng kaharianhabang tumatakbo sila sa malakas na ulan palabas ng gate bigla nalang napatigil ang kanyang kuya at bigla syang niyakap
"ipapadala kita sa ibang mundo kung saan nag hihintay sayo ang apat mong Knights kailangan mo ang proteksyon nila" sabi nya sa kanyang kapatid na umiiyak
"k-kuya... anong nangyayare dito..." tanong ng kapatid nya
umubo ng dugo ang kanyang kuya, napaluhod silang dalawa at nakita nya ang malaking sugat sa likod ng kanyang kuya
"Kuya!" iyak nyang sigaw,
"k-kailangan mo nang umalis ngayon..."
"hinde! kailangan mong sumama sa akin!"
umubo ulit ng dugo ang kanyang kuya
"Krisha gamitin mo ang kapangyarihan mo sa kabutihan... mag ingat ka..." sabi nya
"Dimension... Open...." biglang may lumabas na magic circle sa likod at tinulak nya ang kapatid nya doon..."KUYAAAAA!!!" sigaw ng kapatid nya, may huling sinabi ang kuya nya bago mawala sa paningin nya at nawalan sya ng malay habang nahuhulog sya...
~~~~~~
EIGIS ACADEMY
gabi na ng alerto ang apat na lalake mula sa ibat-ibang lugar sa loob ng academy dahil sa kakaibang presensya na naramdaman nila at nag madaling nag bihis at nag punta sa pinanggalingan ng presensya
"Nandito na sya..." sabi ng lalake na may itim na buhok at pulang mga mata
biglang may lumabas na magic circle sa harapan nila
"That magic circle..." gulat na sabi naman ng lalake na kulay blonde ang buhok at may asul na mata
lumabas sa magic circle ang walang malay na princessa, nasalo sya ng lalakeng kulay gray ang buhok tinignan nya ang mukha ng princessa
lumapit ang tatlo sa kanya
"okay lang ba sya?" tanong ng lalakeng kulay orange ang buhok
"she's sleeping..." sagot nya at binuhat nya ang princessa
"let her rest..."