Marahan akong kumatok mula sa tapat ng pintuan ni Zac. Ilang oras narin syang hindi pakalat kalat sa paligid ng mansion dahil sa nangyari.
Yung malambing at napaka landing si Zac ay hindi ata magiging explorer ngayong araw."Ano?"
Mabigat ang kamay ni Zac na binuksan ang pinto at naiwan ang kamay ko na muli pa sanang kakatok sa pagkakatapat sa pintuan.
Nag salubong agad ang kilay nya pag tingin sa akin."Bakit?"
Alam kong wala syang gana na makita ako pero kahit ganun hindi nya ako pinag sarhan ng pintuan.
"Papasok ka ba dito?"
ano?
Bakit naman ako pa ang nagawa nyang tanungin kung papasok ako? Eh kwarto nya naman yun.Kung ako sa'yo Riley. Ngayong nasa labas ka palang tumakbo kana!
Tama nga ba itong gagawin ko na papasok ako sa private property nya dahil lang sa isa akong dakilang chismosa.
"P-pwede ba pumasok?"
Jusko! Ano man po ang mangyari kayo na pong bahala sakin.
Umalis sya sa pag kakaharang sa pinto at binuksan ng mas malaki ang pintuan.
Dahan dahan akong humakbang papasok, namangha ako sa aking nakita.
Mula sa puting kurtina na tumatagos ang liwanag ay nakikita ko ang paligid ng kwarto nya na may sariling table set at king size na kama.
Ang mga gamit at kulay red na may mga gold plated designs pati na sa upuan."Hindi ka nasa garage sale o nasa furniture shop para tumingin. Sa pag kakaalam ko, ako ang kaylangan mo hindi ba?"
Kinakain na ako ng pagka ignorante ko nang marinig ko si Zac sa likod ko. Kinilabutan agad ako dahil sa mismong tenga ko sya nag salit at ramdam ko ang kanyang hininga sa leeg ko.
Napa hawak ako bigla sa sandalan ng upuan dahil sa ginawa nya.Unti unti lumalapit ang mukha nya sakin, at wala akong magawa kundi pumikit at ilayo ang mukha ko sa palapit nyang mukha.
"Ano bang kaylangan mo?"
Napaka lamig at ganda ng boses nya. Hindi ko na ipagkakaila na yun ang nagustuhan ng maraming babae sa kanya.
"Para kang tuod na nakakapit sa upuan. Maupo ka nga."
Bigla akong napadilat sa narinig ko.
Hindi na pala sya nakatayo sa harapan ko, bagkus ay nakaupo na ito sa isa sa mga upuan na nakaharap sa akin.
Dali dali akong naupo sa harap nya.Pinipilit kong ibuka ang aking bibig at umpisahan ang gusto kong sabihin, pero hindi ko matuloy.
"Z-zac kasi..."
Napapangiti nalang ako sa kanya.
Ano ba Riley! Akala ko matapang ka?
"Ano?"
Huminga ako ng malalim at inumpisahang ibuka ang bibig ko, pero bago pa may lumabas na boses sakin ay agad namang nag salita si Zac.
"Kung mag so-sorry ka sa nangyari, wag na."
Nag taka ako sa sinabi nya. At bakit wag na?
"Huh?"
Nag buntong hininga sya at saka humawak sa batok nya at sumandal ng maayos.
"Ipunin mo nalang muna yang mga kasalanan mo, pag tingin mo gusto na kitang patayin sa sobrang inis dun ka lumuhod at mag sorry."
Ang wierd na dahilan naman nun. Chaka pasensya na pero hindi ako luluhod para lang humingi ng kapatawaran noh
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...