35. Planned MAGIC

27 2 0
                                    

<\ The8's POV />

"JAS!!"

"Badtrip!" bulong ko at agad na tumakbo ng napakabilis

Ilang araw ko ng tinakbuhan at iniiwasan ang Flex na yun. Talagang hindi nya na nga tinitigilan si Jas at nagpapakatotoo na sya sa nararamdaman nya. Tsk.

Ganito rin ba ang mga nangyayari nung hindi pa ulit kami nagpapalit ni Jas ng katawan? Lagi nya rin bang iniiwasan yung ugok na Flex na yun o pinapansin nya?

Naiinis ako sa mga nasa isip ko. Bukod sa napapagod na ako, naiinis ako ng sobra sa lalaking yun.

"Bakit ka nandyan?" may isang babae na nakakita sa akin agad rin akong umayos ng tindig at hinarap sya

"Wa-wala lang..." sabi ko, nagtatago kase ako sa may... Library pala itong napasok ko

"Jas Lim, tama ba?" wow, kilala nya ako- este si Jas?!

"O-oo..." sagot ko habang tumatango

The girl look at me from head to toe.

"I heard a lot about you"

"Oh really?"

"Hindi ka naman yung tipong dapat habulin..." at tinaas nya ang isa nyang kilay

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba ako kilala?" sino ba toh?

"Hindi eh, pasensya"

"Wala man lang balita na nakakarating sayo?" problema ba nito?

"Wala rin, pasensya ulit" she rolled her eyes

"I'm Flex's ex-girlfriend"

"Sayang ka naman tsk tsk" nasabi ko

"Dahil sayo yun!" at aamba na syang pagbuhatan ako ng kamay pero napigilan ko sya, malakas ako.

"Wala akong kasalanan doon, sadyang may roon lang ako na wala ka, kaya ka nya iniwan" sabi ko na hawak pa rin ang kamay nya

"Bitawan mo nga ako-" binigla ko sya, ang sama ko "...di pa ako tapos sa iyo" sabi nya at agad na umalis

Napaupo ako dun sa may isang mesa at napayuko.

Ano bang ginawa ko? Ang bigat sa pakiramdam.

Kinampihan ko ba yung Flex na yun o ano? Parang pinamukha kong may gusto si Jas dun ah! Mali!! Hindi yun ang ibig kong sabihin!

Ayoko lang naman na minamaliit sya ng babaeng yun.

Kung wala lang ako sa katawang ito, pamumukha ko sa babaeng yun na sya yung tipong hinahabol naman talaga.

Teka anong sinabi ko?

No, mali kayo sa pagkakaintindi nun. Ang ibig ko lang naman sabihin ay, may mga bagay naman talaga na magugustuhan kay Jas diba?

"Bawal matulog dito!" napa angat ko ang ulo ko sa gulat, yung librarian ata ito rito.

"Pa-pasensya na po..." yumuko ako bilang pag-galang at agad na ring lumabas roon

Tapos na nun ang klase ko, pauwi na talaga dapat ako. Paepal lang kase yung Flex na yun.

"Okay lang Jas noh, ano ka ba. Basta iwasan mo lang talaga yung Flex na yun wala yun sa akin" sabi ni Jash, pinuntahan ko sya sa tindahan nila. Alam ko na eh.

"Meron pa akong nalaman dahil dun" nabigla si Jash

"Anong nalaman mo?"

"Nakilala ko yung ex ni Flex"

"WEEEEHHH???!!!"

"Ang ingay naman, tss"

"Si-si Chell? Nag-usap kayo?"

"Kilala mo?"

"O-oo, pero mahabang kwento. Nag-usap nga kayo?"

"Sandali lang"

"Anong sabi nya?"

"Ako daw yung tipo na di naman dapat hinahabol"

"Hahahahaha ang drama nya! Ang dami nyang alam!"

"Bakit?" natatawa ako sa tawa nitong kaibigan ni Jas, pinipigilan ko lang

"Mahal na mahal nya talaga si Flex!"

"Talaga?"

"Kaso ikaw mahal 'kuno' ng ugok na yun! Alam mo Jas, may naiisip akong paraan para tigilan ka na ni Flex!"

"Hah? A-ano?"

"Makipag tulungan ka kay Chell!"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"You know what Jas... Dakila akong chismosa sa school, di lang halata kase ang ganda ko..."

Nanatili akong tahimik

"Joke lang! Di ako chismosa ah! Naririnig ko lang ng kusa kase di naman natin mapigilang makarinig ang tainga natin diba?!"

"Oo na Jash ang ingay mo nanaman..."

"Minahal rin naman ni Flex si Chell eh, as in totoong minahal nya talaga" tahimik pa rin ako "Nalaman ko na kaya ka pala nagustuhan ni Flex kase, nakita ni Flex si Chell sayo... Nung araw na nag-cool off raw sila, nung unang nakita at nakilala ka raw ni Flex"

"Ta-tapos..."

"Nalaman ko na, may good side naman pala si Flex. At kaya naisip ko na makipagtulungan ka kay Chell kase may feelings pa rin sya kay Chell, cause first love never dies, Jas"

Nagkibit balikat naman ako

"Mas mapapadali yun, tutulong rin ako. Kase alam mo ba, kilala ako ni Chell eh. Close na kaya kami, kase alam mo ba... Carat rin sya~"

Nanlaki naman mga mata ko sa narinig ko "Paano mo nalaman?"

"Nakita ko sya noon na may suot na Seventeen shirt eh, ako pa ba? At si Woozi nga pala bias nya hihihihi"

"Paano ba natin gagawin yung gusto mo?"

"Akong bahala sayo Jas... "

------------------------------------------------

Hindi masyadong nag-narate si Minghao :< Ang tamad nya.

At ang fufu ng pangalan na naisip ko, Chell. Dapat talaga Chelle yun baka iba pagbasa nyo eh, kaya Chell na lang.

Geh bye na aawwiiii~

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon