3

14 0 0
                                    

What do you mean by luck?

Swerte? Yung tipong bumangga ka sa isang taong may hawak na kape, at di ko alam kung medyo masama ba yung ugali nya o sobrang sama na talaga kase ipinaligo nya sa'kin yung americano nya.

Luck? Tangina?

"H-Hoy! Teka—"

Hindi ko nagawang tumayo kase medyo nanlamig ako sa iced americano na binuhos nya. Hindi nya ako pinansin at nilagpasan ako. "San ka pupunta?! HEY GO BACK!" May tumulong sa'kin patayo pero sa sobrang inis ko, hindi ko na sya napasalamatan. Nakakainis 'tong punyetang higante na 'to!

"Kinakausap kita! Tama bang mambuhos ka ng kape sa taong nabunggo mo at hindi ka manlang nag-sorry?! Answer me!"

Hindi ko na rin pinansin yung mga tao dito sa corridor, yung gamit ko na nasa maleta na nabasa din ng kape. At yung kagandahan kong winarak ng hampaslupa na 'to. Nakatuon lang yung atensyon ko sa walangyang higante na nakatalikod sa'kin habang hawak yung cup nyang wala ng laman kase sakin na lahat napunta. Hindi ako naiinis, promise. Sayang pagpapa-flawless ko.

"Baka sabihin mo na backfighter ako, humarap ka dito! Jusko po!" iniangat ko ng konti yung sleeves ko at inawat ako ng mga taong di ko naman kilala. Sino ba sila? Pero wala akong time magpakilala isa-isa. Naloloka talaga ako. "Baekhyun!" namataan kong tumatakbo si Sehun papalapit samin. Oo, babalik ka. Pagkatapos mo akong iwan kanina kase may nakita lang na maganda si Jongin. Ngayon babalik ka? Pangit ba 'ko? Pangit ba katawan ko? Kapalit palit ba 'ko? Am I not enough? Then why?!

"Baekhyun, calm down—"

"Calm down? CALM DOWN BA KAMO?!" itinuro ko yung sarili ko at pinilit ngumiti. Leche. "Babanggain ka habang may dala kang maleta at bubuhusan ka pa ng iced americano tapos sasabihan mo ng calm down? Sehun, ayos ka lang?" sasabog na talaga ako sa galit e. Sobra. Pink na pink na 'ko. Para mistisa.

"Hindi ka talaga haharap dito?!" sigaw ko at tumakbo papunta sa harap nya. Bes, mabait akong tao, pero marunong akong lumaban kung naaapi na. At feeling ko aping api na 'ko. Hindi ko pinansin yung mga taong umawat sa'kin at winasiwas sila na parang ipis. "Are you coward?!" sigaw ko ng makarating ako sa harap nya. At mas lalo akong nainis ng makita ko yung mukha nyang parang sya sa'yo, walang feelings. Pero naka-pokerface talaga sya.

"Baekhyun, stop—" pinilit akong pigilin ni Sehun pero heh, wala akong naririnig.

"I will report you to the president! You need to be punished! Kung anong ikininis ng mukha mo yun yung ikina-gaspang ng ugali mo. Papasa ko 'to sa pesbuk e, paepal. Mamatay kana, mamatay kana." at dramatic akong umalis sa harap nya. Napansin ko namang nakatingin lang sa'kin lahat. Bawal gumawa ng parody?

"Sehun, san 'yon?" nakanganga si Sehun ng lumingon ako sa kanya. Masyado ba syang na-amaze sa'kin. Wow. "Are you sure—"

"Mukha ba 'kong duwag? Ipaglalaban ko ang karapatan ko. Para sa kalayaan ng bansang Pilipinas." sabi ko pagkakuha ko ng mga gamit ko sa sahig at hinila si Sehun. Pagkahila ko sa kanya bumitaw na sya at sya na yung naunang maglakad kaya sinundan ko sya. Irreport ko talaga yung epal na 'yon. Papaliguan ko din sya ng Americano, kaso gusto ko hot.

Umakyat kami sa 4th floor ng isang building dito. Habang nasa elevator, nagcconstruct na 'ko ng hinaing ko. Kelangan ko talaga magsampa ng kaso charot.

"I don't think it's a good idea because he's—"

"Wititit. Sehun, shh. You don't know me, you don't know me. So shut up, boy. So shut up, boy. So shut up, shut up." sinabayan ko ng dance step yung kinanta kong Good Girl, Bad Girl ng Miss A habang palabas ako ng elevator kaya wala ng nasabi si Sehun. I'm telling you talaga, masyado syang na-aamaze sa'kin.

Pinauna ko na ulit sya at pumasok sya sa isang kwarto na may silver na pinto. Feeling ko ako si Elsa kapag pumasok ako. Kulang na lang snow flakes.

Pumasok na rin ako at nagandahan rin sa loob. Medyo ang aliwalas nya tignan kase ang lalaki ng bintana na nagpapakita ng view ng lugar. More on gray and white yung design ng loob. Parang pag may alikabok, spotted mo agad. Feeling ko nga hindi ako pwede dito at baka madumihan ko yung sahig e. Meron din syang malaking glass statue ng pegasus sa gilid na nagpadagdag ng dating sa room na 'to. At sa sobrang amaze ko baka makalimutan ko na yung hinaing ko. No, no.

"Baek, pwede ka pa namang umatras—"

"Sehun, ano ba? Tingin mo ba natutuwa pa ako? Get out, get out!" tinuro ko palabas yung pinto. "Joke. Labyu." ahe. Baekhyun lande ariba ariba!

Umupo si Sehun sa upuan na nakatapat sa working table kaya umupo rin ako— syempre sa katapat na upuan. Di naman pwedeng sa lap nya, teka, wala namang akong sinabi diba?

Naghintay lang kami saglit at pumikit ako. Nag-iisip na talaga ako ng hinaing dito, pumikit ako ng mariin at narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Narinig ko rin yung foot steps papalapit samin. Eto na, kaya ko 'to. Sasabihin ko lang naman na may isang walangya ang nagbuhos sa'kin ng kape ng wala manlang dahilan diba? Maiintindihan nya naman ako diba?

"Good morning po, kase ganto 'yon—" pero natigilan ako at napatingin sa pinatong nya na cup sa mesa. Empty cup, teka parang pamilyar?

Unti unti akong tumingala sa kanya at napamura ng bonggang bongga. Nakangisi sya. NAKANGISI SYA SA'KIN.

"Kaya kita pinipigilan, Baekhyun. He's the president, oo, yung taong idedemanda mo."

Rivals in Disguise (Chanbaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon