One Shot

16 9 0
                                    

    Si Jenny Santiago ay magandang babae, mahaba ang kaniyang buhok, matangos ang kaniyang ilong at makinis ang kaniyang balat halos nasa kaniya na ang lahat ng katangian na gusto ng isang lalake. Si Jenny ay nag iisang anak ng pamilya Santiago.
    
      Isang araw si Jenny ay inutusan ng kaniyang ina na mag punta sa Palengke upang mamili ng kanilang kakainin sa hapunan, dahil may sakit ang kaniyang ama kaya't siya na lamang ang pinabili ng kaniyang ina sa palengke. Nang si Jenny ay nakarating na sa palengke ay napansin nito na mayroong umaaligid sakaniya na lalaki at sa hindi inaasahang pag kakataon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan wala siyang dalang payong kaya't hinintay na lamang niyang tumila ang ulan.
    
      Alas siyete na ng gabi ng humupa ang ulan, sinimulan na niyang mag lakad. Habang siya ay nag lalakad ay mayroon siyang naririnig na mga yapak mula sa kaniyang likuran, ngunit hindi niya ito pinansin at binilisan ang kaniyang pag lalakad,bakas sa kaniyang muka ang kaba at takot. Mas bumilis ang pintig ng kaniyang puso ng nakaabot siya sa madilim na parte ng daan patungo sa kanilang tahanan. Nanginginig siya sa takot ng nilapitan siya ng dalawang lalaki, pilit siyang hinuhubaran ang isa ay nakahawak sa kaniyang mga lamay at ang isa naman ay hinahalikan siya. Nag sisisi sigaw si Jenny ngunit walang nakakarinig sakaniya dahil sila ay nasa gitna ng bukid. Pinag samantalahan ng dalawa si Jenny, biglang may lalaking sumuntok sa dalawa natumba ang dalawa at nawalan ng malay. Agad na binuhat ng lalaki ang umiiyak na si Jenny. Tinanong ng lalaki kung saan nakatira si Jenny at sinabi nito na sa may pangatlong bahay pag ka tawid ng tulay.
   
      Nakarating na sila at pinunasan agad ni Jenny ang kaniyang mga mata. Agad namang umalis ang lalaki ng wala man lang paalam. Pinag buksan siya ng pintuan ng kaniyang ina at tinanong siya kung bakit natagalan siya ng pag uwi. Sinabi nito na wala siyang dalang payong kaya't pinahinto niya muna ang ulan . Hindi sinabi ni Jenny ang nang yare sakaniya dahil nag aalala siya na baka may atakihin sa puso ang kaniyang ina.
   
      Umiiyak gabi-gabi si Jenny dahil naaalala niya ang mga pang yayari . Bigla siyang natigilan at napa isip.

  "Sino kaya ang lalaking iyon? ano ang kaniyang pangalan? hindi ko man lamang siya napasalamatan." -Jenny
    
     Maraming katanungan ang umiikot sa kaniyang isipan .

     Lumipas ang isang taon nakapag tapos na ng hayskul si Jenny at ngayon ay mag aaral na siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Arellano. May nakilala si Jenny sa kaniyang bagong paaralan. Siya ay medyo mataba, singkit, maputi , at hindi gaanong katangkaran ang pangalan niya ay Brenda. Naging matalik silang mag kaibigan. Sinabi ni Jenny ang mga nang yare sa kaniya nuon at awang awa si Brenda sa kaniyang mga narinig mula kay Jenny.

    Nag pursigi si Jenny sa kaniyang pag-aaral. Kumuha si Jenny ng kursong 'education' dahil gusto niyang matulungan ang mga batang walang kayang pag aralin ng kanilang magulang dahil sa kahirapan ng buhay at upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

     Ngayon si Jenny ay na sa ika-apat na taon na sa kaniyang pag-aaral. Nakarinig siya ng mga hiyawan sa labas ng kanilang silid-aralan. Lumabas siya at may nakita siyang lalaki na pamilyar sa kaniyang mata.

      Kinabukasan habang nag tuturo ang kanilang guro ay pumasok ang isang lalaki.Matangkad, maputi , matangos ang ilong at matikas ang pangangatawan. Pinakilala ng kanilang ito ng kanilang guro.

  "Siya si Jay De Lavigne, galing siya sa Unibersidad ng Vigan. O siya maupo ka na roon sa tabi ni Ms. Santiago." - Guro.

    Nagulat si Jenny ng narinig niya na tinawag ng kanilang guro ang kaniyang pangalan. Pag kaupo ni Jay ay agad na nag pakilala si Jenny.

"Hi :) Jenny Santiago." -jenny  

"Hi , I'm Jay nice to meet you."-Jay

    Naging mag kaibigan ang dalawa at nakapag palagayan ng loob, ngunit hindi sinasabi ni Jenny kay Jay ang ng yare sa kaniya nuon dahil iniisip niya na baka siya ay pandirihan nito.

    Lumipas pa ang ilang buwan ay umamin si Jay na may pag hanga siya kay Jenny. Nabigla si Jenny sa kaniyang narinig dahil tinanong ni Jay kung maaari ba siyang man ligaw sa kaniya bago niya sagutin ang katanungan ni Jay ay sinabi niya muna ang lihim na nang yare sa kaniya nuon. Nagulat si Jay dahil matagal na niyang hinahanap ang babae na kaniyang tinulungan nuon at ngayon ay na sa kaniyang harapan na.

  "Kahit ano pa ang nakaraan mo buong buo parin kitang tatanggapin Jenny , naalala mo iyong lalaki na nag buhat sa iyo ? ako iyon :)."

    Labis ang saya sa mga mata ni Jenny ng marinig niya iyon mula kay Jay. Niyakap ni Jenny si Jay na hudyat na maaari na niyang ligawan ang dalaga. Araw-araw na mag kasama ang dalawa sa kanilang iskwelahan , masaya silang nag ku kuwentuhan at nag babahagi ng kanilang natutunan sa kanilang pinag-aralan. Hindi nag tagal ay nag katuluyan din ang dalawa.

     Lumipas pa ang ilang linggo ay araw na ng kanilang pag tatapos sa kolehiyo . Masayang masaya ang lahat dahil sila ay makakapag tapos na ng pag-aaral at mag kakaroon na ng kani kaniyang trabaho, ngunit mayroon mang kaunting kalungkutan dahil sila ay mag kakahiwa hiwalay na dito naman nila uumpisahang tuparin ang kanilang mga pangarap.

                  The End...

   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon