"ANG BATO AT ANG MAMON"
Isang umaga, habang ako ay patawid ng kalsada ay may biglang sumulpot na kotse sa aking harapan.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil hinimatay daw ako sa takot.
Nang magkaroon ako ng ulirat ay nasa isang ospital na ako.
Nang bigla akong babangon ay isang tinig ang nagwika sa akin,"wag ka muna tumayo baka hindi mo pa kaya, wag ka magalala gasgas lang naman ang natamo mo kanina sa pagsalubong mo sa kotse ko".
Nang marinig ko ang kanyang mala-anghel na boses bigla akong natulala, hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa kinauupuan ko.
Tinulungan niya akong humiga, hindi ko maalis ang pagtitig sa kanya dahil para siyang isang anghel na bumaba sa langit.
"May dumi ba ako sa mukha?", tanung niya sa akin.
Napailing na lamang ako at bigla ko iniiwas ang aking paningin sa kanya, waring naginit ang aking dalawang pisngi ng mga oras na yun.
"Ako nga pala Alexandra, tawagin mo nalang ako Alex yun ang kalimitan tinatawag nila sa akin, ikaw anong pangalan mo?", ang sabi niya saken.
Para akong nabingi ng mga oras na yun, may dalawang minuto ata akong hindi agad nakasagot kundi pa niya ako tinanung nang,
"ayos ka lang may masakit ba sa iyo bakit hindi ka mkasagot?" ,
"Ahh ako nga pala si Xander, Alexader talaga pangalan ko pero Xander nalang", hindi agad ako nakasagot dahil halos magkapareho pangalan namin eh.
Naputol bigla ang usapan namin ng pumasok na ang doktor na tumitingin daw sa akin,
"maaari ka ng lumabas mamayang hapon mababaw lamang naman ang mga sugat mo", ang sabi niya sa akin.
Lumabas na agad din ang doctor at si Alex naman ay may kausap sa telepono.
Si Alex siguro ang nakabangga sa akin yun ang rumihistro agad sa aking utak ng mga panahong yun ngunit mali ang aking akala.
Dahil si Alex ay nars sa ospital kung saan ako naroroon ngayon at ang kanyang kausap sa telepono ay ang mismong nakasagasa sa akin.
Nalaman ko ito dahil sa kanilang paguusap sa telepono at sa nameplate ni Alex na hawak niya ng mga oras na yun.
Nang matapos silang magusap ni Alex ay naglakas loob akong tanungin siya, "ikaw ba ang nakabangga sa akin?".
Napangiti siya sa tanung ko, "hindi, papunta palang dito ang kapatid ko, siya yung nakasagasa sa iyo,
ako na mismo ang humihingi ng pasensya sa nagawa niya sa iyo,
magulo kasi ngayon utak niya basta mahabang kwento,ang sagot niya sa akin.
Napatango nalang ako sa sagot niya.
Makalipas ang kalahating oras ay dumating na nga ang kanyang kapatid.
Itinuro ako ni Alex sa kanya, "ahh ikaw pala ang lalaking nasagasaan ko kanina, ohh heto tanggapin mo itong sobre ito para manahimik ka,
siguro naman hindi mo na ako kakasuhan dahil sa ganda at bait ng kapatid ko abswelto na ako sa atraso ko sa iyo",
pagasing na sabi niya sa akin.
Namula muli ang aking mga pisngi ngunit kung kanina ay dahil kinilig ako ngayon ay dahil sa inis sa babaing nasa harapan ko,
sa loob -loob ko na lamang kundi siya babae at kapatid ni Alex makikita niya ang sakit ng katawan na hinahanap niya.
Tumayo ako bigla, taas noo kong ibinalik sa kanya ang sobre na iniabot niya sa akin,
BINABASA MO ANG
Ang BATO at Ang MAMON
Short Storyabout s isang girl n nging bato ang puso at one guy na madaling ma fall inlove