"PANGAKO"
Ni: ShintorinkashiSa malayong baryo ng Nidugat ay may dalawang batangmagkaibigan na nagngangalang Jeron at May. Bata pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan. Sadyang napamahal na ang dalawang magkaibigan sa lugar na itinuturing nilang munting paraiso, sa lugar na kung saan sila isinilang at sa lugar na kung saan sila lumaki. Sa lugar na ito ay may makikita kang isang mataas na bundok na tinatawag nilang bundok Pangako kung saan masisilayan mo ang pagsikat at paglubog ng araw. Maraming tao ang pumapasyal at bumibisita sa bundok na ito. Sa bundok na kung saan unang nagkakilala sina Jeron at May.
(Sa bundok Pangako)
Jeron: Hi! Kamusta? Ako nga pala si Jeron. Ikaw?
May: (Biglang tumalikod ang dalaga sapagkat nahihiya)
Jeron: Uyy! Andito ako nasa likuran mo.
May: (Hindi parin kumikibo ang dalaga at nanatiling nakatalikod)
Jeron: (Pumunta sa harapan ng dalaga at muling nagpakilala) Ako nga pala uli si Jeron. Huwag kang mag-alala mabait ako.
May: (Nakayuko at hindi parin nagpakilala)
Jeron: Kausapin mo naman ako.Gusto ko lang magpakilala sayo. Pero kung ayaw mo talaga okay lang. Sige aalis na ako. (Iniwan ang ayaw magpakilalang dalaga)
May: Wait lang! Ako nga pala si May. (Hinabol ang binata at nagpakilala)
Jeron: Mabuti naman at nagpakilala kana.
May: Pasensiya ka na. Nahihiya lang kasi ako.
Jeron: Ayos lang. Hindi ka siguro sanay lumabas no?
May: Oo eh. Sa bahay lang kasi ako palagi.
Jeron: Ngayon alam ko na. Kaya pala mahiyain ka eh. Nga pala sinong kasama mong pumunta dito?
May: Kasama ko sila mama at papa ko. Naghahanap kasi sila ng magandang lugar na pagdarausan ng kasal ng ate ko.
Jeron: Ahh. Naku! Tamang-tama maraming nagpapakasal sa bundok na ito kasi bukod sa magandang pangalan ng bundok maganda rin yung view dito lalo na sa pagsapit ng takip-silim sa hapon.
May: Oo nga daw e. Kung papipiliin rin ako kung saan ako ikakasal ang pipiliin ko itong bundok na ito. Kaso matagal pa yun. Hahaha.
Jeron: Magtatapos pa tayo ng pag-aaral at magahahanap pa tayo ng magandang trabaho bago tayo dumating sa panahong iyon.
May: Tama ka dyan Jeron. Sige paano ba yan. Kailangan ko ng bumalik kay mama at papa paniguradong hinahanap nanaman ako.
Jeron: Ah sige. Pwede ko bang makuha number mo?
May: Sige ibibigay ko pero huwag mong ibibigay kung kani-kanino ah? Bawal kasi akong makipagtext at tawag kung kani-kanino. Sige akin na yung phone mo at itatype ko. Itext mo nalang ako mamayang gabi. (Kinuha ang cellphone ng binata at binigay ang number)
BINABASA MO ANG
PANGAKO
Short StoryAng Pangako ay patungkol sa dalawang magkaibigan na nagngangalang Jeron at May. Silang dalawa ay may lihim na pagtingin sa isa't-isa ngunit dahil sa isang pangakong hindi natupad ay magbabago ang lahat.