salamat mama

89 18 0
                                    

Hiiii sa nagbabasa ng aking kwento,magpapakilala sana ako,ako nga pala si Yna labinanim na taong gulang, may pangarap, ambisyon sa buhay at may Isang Ina na mapagmahal..

Sa pagiging K-12 sa Isang mataas na pamantasan sa Isang public school ako ay grade 11 rito at kumukuha ng kursong HUMMS dahil ambisyon Kong maging isang teacher balang araw.

Dahil narin nagaaral ako sa pampublikong paaralan at maraming studyante marami akong nakilala pero ang naging pinakaclose ay sina Andrew na bakla mahilig gumala,mahilig tumambay kung Saan saan, si Yassi na mahilig mag bar,si Annie na scaper at mahilig makipagboyfriend sa kung sino sino,sila yong una Kong nakilala sa Senior High school..

Maraming araw na magkakasama kami,minsan niyaya nila akong gumimik sa bar,dahil doon parang gusto Kong sumama at maranasang mag bar,naisip Ko Hindi naman sigurong masama Kong sasama ako.

Sa aking paguwi ay pinuntahan ko si mama para magpaalam na sasama ako sa kanila.

Nang makita Ko si mama pinuntahan ko siya at niyakap "mama nandito na ako" nakangite Kong sinabi ko sa kanya

Umuobong sumagot si mama "mabuti naman,ang aga mo ha" paubo-ubong sabi niya

"Mama,naglaba na naman kayo ng damit ng kapitbahay?" Nagaalala Kong tanong sa kanya

"Anak sayang naman ang 200 sa isang araw"

"Mama kahit na,masama ang pakiramdam niyo eh" nasigawan ko tuloy si mama sa inis,ang kulet kasi niya,naglaba pa siya di naman kaya ng katawan niya

"Anak naman malapit lang naman ako,bakit mo ko sinisigawan" nalungkot kaming dalawa sa sinabi niya

"Sorry ma,pagod lang ako,mama pwede po bang pumunta ako kanila Yassi mamayang gabi,kasi gagawa kami ng project"sana maniwala siya

" anak Hindi ako papayag,gabi na,delikado diyan sa daan ha,ay naku Yna kahit anong gagawin mo Hindi ako papayag"

Sa sobrang inis ko nagdabog ako sa harqp niya tiningnan ko siya ng sandali malungkot ang mukha niya,naisip ko nakakainis na lang lagi niyang ginagawa ito,malaki na ako.

Naalala ko noon kapag gabi at practice namin ng sayaw,siyam na gabi niya ako sinasamahan,pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko,sa sobrang inis,iniiyak ko na lamang to..

Binuksan ko ang aking cellphone at may 10 missed call from yassi.

"Ano ba ina,kanina pa kami naghihintay sasama ka ba?" ASAP

Yna--

Nagreply ako "sorry masama ang pakiramdam ko" ang totoo niyan ay ayokong sabihing Hindi ako pinayagan ni mama,siguradong pagtatawanan nila ako,baby girl daw eh

Kumain ako kasama si mama sa hapagkainin,nagdadabog akong nagligpit ng pinggan na pinagkainan ko.

"Yna,galit ka ba anak dahil Hindi kita pinayagan?" Tanong ni mama,pero Hindi ako sumagot,mga ilang minutong katahimikan ay nakita Kong umiiyak si mama.

Hindi ko Alam pero nasasaktan akong makita siyang umiiyak,parang gusto ko tuloy mag sorry sa kanya,pero parang pinangungunahan ako ng pride,pero masama to,pero dapat huminge ako ng tawad sa kanya"

"Mama,sorry" himihikbi akong niyakap si mama,niyakap ako ni mama"sorry anak,kung hinihigpitan kita at kung minsan sinasamahan kita kahit ayaw mo,mahal ka ni mama,ayaw niyang may mangyaring masama sa baby girl niya"umiiyak na wika niya,at pinapatahan siya .

----------------------

Kinamaugahan ay nakita ko sila Yassi,Andrew at Annie,nilapitan ko sila pero iniiwasan nila ako..nagtaka ako kung bakit nila ako iniiwasan may masama ba akong ginawa sa kanila?o dahil sa Hindi ko pagsama sa kanila,buong araw akong nalulungkot dahil wala akong kasama,Biglang may lumapit sa akin na Isang Babae

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"salamat,mama"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon