Why love is unfair? May mga taong nagmamahal ng totoo pero niloloko at sinasaktan lang. Kong sino pa ang nangloloko sila pa ang minamahal ng totoo.
Why love is so blind? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo ang isang tao mamahalin ka din niya? Why can't she just love me back ? I love her and god knows how much i do.
Umayos ako ng tayo sa labas ng classroom nila nang makita kong labasan na nila. Napangiti ako ng makita ang napakagandang mukha ng babaeng mahal ko. She was smiling while talking to her friend, Paola. Ang ganda niya talaga kapag nakangiti mas lalo ko siyang minamahal.
Nakita ako ni Paola at may kong ano siyang sinabi kay Misty kaya napatingin din ito sakin. Ngumiti ako at lumapit sakanila.
"Hi Misty. Para sayo" I handed her a bouquet of white roses like what i usually do. Everyone in the campus knows I'm in love with this beautiful girl.
"Kyaa! Ang sweet naman ni Kiel! Kailan pa kaya siya sasagutin ni Misty?"
"Ang pogi niya no? Ang swerte swerte ni Misty!"
Napangiti ako ng marinig ang mga bulongan ng mga estudyante na dumadaan samin.
"Ah salamat Kiel pero dapat hindi kana nag abala" sabi niya.
"Ay bespren alis na ako! Nag aantay na boyps ko sa gate mauna na ako ha! Bye din Kiel!" Ngumiti ako kay paola at umalis na siya.
Ngayon kami nalang ni Misty ang magkasama sa hallway.
"Ihahatid na kita sa inyo Misty. Okay lang ba?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.
"Hindi na. Kaya ko naman na umuwi e tsaka malapit lang ang bahay namin. Thanks nalang!" Sabi niya at naunang maglakad. Hinabol ko siya gaya ng palagi kong ginagawa. Ang maghabol.
"No I insist. Ihahatid na kita para masigurado kong safe ka pag-uwi. Sige na Misty. Please?"
Ganito ba talaga kapag in love ka sa isang tao. Kahit anong pagrereject sayo ng taong mahal mo sige ka parin. Kahit nasasaktan ka okay lang. Bakit kapag ako ang mag-aya sakanya ang dami niyang dahilan para tanggihan ako? Samantalang kapag ang ibang babae yayayain ko sumasama agad. Why she always rejected me?
"May pupuntahan kasi ako Kiel eh. Sorry ha? Maybe next time?" Ngumiti siya sakin at halos lumabas naman ang puso ko sa dibdib sa sobrang saya. Ngiti mo lang sapat na.
Napangiti ako. "Okay! Basta next time ha Misty ihahatid na kita. Ingat ka palagi" i love you.
Gusto kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Pero natatakot ako. He always rejected my offers iyon pa kaya kong sabihin kong mahal ko siya.
Not only girls can feel this dahil pati lalaki nakakaramdam din ng ganitong feeling. Ang hindi pagmahal pabalik ng taong mahal na mahal mo.
Masakit. Yung pagbabalewala niya sayo. Yung halatang pag-iiwas niya. Minsan natatanong ko. Ano ba ang mali sa akin. Ano ba ang wala ako bakit hindi man lang niya ako magustuhan?
Sa katunayan madaming babae ang gustong maging girlfriend ko. Ang daming babae na lumalapit sakin pero ni isa sakanila ay wala akong pinanansin dahil siya lang ang gusto ko. Si misty lang. Pero bakit ganun? Hindi man lang niya ako magawang magustuhan.
Another day came. Nasa cafeteria ako kumakain kasama ang mga barkada ko. Nakatingin ako sa pwesto kong saan nakaupo si Misty kasama ang mga kaklase niya.
BINABASA MO ANG
Begging For Love (ONE SHOT)
Short StoryP-please misty g-give it a chance...please I'm begging you to love me. J-just love me back Misty... p-please "---Kiel Santiago.