"Manager Kim!"
Nakita ko siya na abala sa pagbibilang ng mga alak na kaka-deliver lang. Hindi niya ako pinansin kaya naman ako na ang lumapit.
"Ano ba yon, Hyorin? Ang aga mo naman ata. Mamaya pang 9pm ang shift mo." sabi niya nang di tumitingin sa akin.
"Lee-Oh! Nasan yung isang case ng soju rito? Bat parang kulang kulang na naman to?" sigaw niya sa bartender.
"Talaga tong mga to! Malulugi ako sa inyo eh!" napahawak siya sa ulo niya at minasahe iyon.
"Oh, bat andito ka pa? May kailangan ka ba?" taas kilay niyang tanong sa akin nang sa wakas ay magkatinginan na kami.
Kapag ganto ang mood niya, nakakatakot siyang lapitan. Pero inipon ko ang lakas ng loob ko para lang kausapin siya tungkol sa producer na binigyan niya daw ng number ko.
"Manager Kim," pagsisimula ko.
"Ay nako, Hyorin. Wala pa akong pera. Next time ka na mangutang at marami pa akong ginagawa ha."
Agad siyang tumalikod at naglakad papunta sa counter niya. Sumunod naman ako sa kanya.
"Manager, di ako mangungutang."
"Eh ano?" kinuha niya ang pera sa counter at nagsimulang magbilang.
"May itatanong lang ako."
"Ano nga?" may bahid na ng pagkairita ang tono ng boses niya, pero di ako nagpatinag. Sanay na kasi ako sa kanya.
"Kagabi ba, may binigyan ka ng number ko?"
"Lagi ko namang pinamimigay number mo." sabi niya na parang wala lang.
"Manager?!"
"Ano? Para bumalik yung mga customers. Strategy yon."
Napahawak ako sa noo ko. Ngayon alam ko na kung bat paminsan minsan may kung sino sinong nagtetext sa akin. Si Manager pala ang dahilan kaya nakakatatlong palit na ako ng number.
Isinantabi ko muna ang issue na yon, dahil may mas malaki akong issue na kailangan malaman.
"Pero kagabi, may binigyan ka ba?"
Natigil siya sandali sa pagbibilang ng pera at mukhang nag-isip. "Kagabi? Oo, mukhang meron. Lalaki."
"Anong itsura?"
Napatingin siya sa itaas, pinikit pa ang mata para mag-isip pero agad umiling.
"Ay ewan! Di ko tanda. Dami daming tao kagabi eh." napatingin siya sa pera niya, at agad iyong binagsak. "Ayan tuloy! Nakalimutan ko na yung binibilang ko."
"Ah, ganun ba?" may tonong pagka-disappoint ang boses ko. "Sige po, salamat."
Nagbabalak na akong umalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Bakit? Tinawagan ka?"
Napatingin ako kay Manager, at agad tumango.
"Anong sabi?"
"Producer daw po siya, ng BigHit."
Nagporma ng letter O ang bibig niya at napataas ang kilay, "Totoo naman kaya yon? Mamaya scam?"
"Kaya nga po nagtatanong ako sa inyo eh. Kaso mukhang kahit kayo, di niyo alam."
"Sinubukan mo bang tawagan ulit?"
"Opo," napatingin ako sa phone ko. "Kaso mukhang busy lagi eh."
"Nako, di yan totoo!" sambit niya. "Mag-ayos ka na, at tulungan mo ko dito."
BINABASA MO ANG
Never Never Fall (BTS FANFIC)
FanfictionFan fiction of Bangtan Sonyeondan's Min Yoongi (SUGA)