Isang araw sa lugar ng Pantalon de Talon may dalawang mag asawang sina Andoy at Biday. Sila ang mag asawang masayahin , mabait, mapagbigay at mapag ipon ng pera..Si Belenda ang kanilang nag iisang anak .Siya ay suplada, maarte, at lahat na ata ng maling pag uugali ay nasa kanya na ngunit may maamong mukha. Bata palang siya ay nakitaan na ng maling pag uugali. Laging nasa opisina ng paaralan kasama ang kanyang ina nasi Biday, Nakikipag away sa mga kapwa estudyante at kung ano ano pa. Sila ay nakatira sa isang maliit na kubo kubo. Isang bahay kubo na gawa sa kahoy, nipa at iba pa. Pero sa mag asawa isa itong mahiwaga. Alagang alaga nila ito na parang isang anak laging inayos,linilinisan at pinapaganda.
Sa pagtratrabaho sa bukid ni Mang Andoy kasama ang kanyang kalabaw ay nakakapag ipon sya kahit papaano upang may ipang tustus lang sa kanilang pamilya. Si Manang Biday naman ay nag titinda lamang ng gulay sa kanilang lugar .Kinukuha niya ito mula sa kanilang pananim. Ginagawa ng mag asawa ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang nag iisang anak upang mapag aral ito at makakuha ng magandang kurso at gumanda ang buhay. Ang mga natitira sa kanilang mga gastos ay kanilang inipon .
Manag Biday: Anak lagi mong aalagaan ang bahay na ito ah. Dahil ito ang nag iisang kayaman namin na maipapamana sayo.
Belenda: Nay naman! Yayaman ako !mag papatayo ako ng malaking bahay. Para sa atin. Ano kaba Bahay kubo lang ito gusto ko ng malaking bahay!
Manang Biday: Anak naman?
Belenda: Oo ano kaba nay!
Napang hina at nalungkot si Manang Biday sa mga sinabi ng kanyang anak . Dahil ang bahay nila ay mula pa sa kanya ama na ipinamana rin sa kanilang mag asawa. Sinabing alagaan at gawin itong maayos at pagyamanin. Kaya naman si Manang Biday ay laging inaayos at linilinisan ito. Dahil mula sa kanyang ama isa itong mahiwaga,. Pinag patuloy ng mag asawa ang ginagawa ng ama ni Manang Biday at lalo itong pinagyaman.Bata pa lang kasi siay ay sinasabi na ng kanyang ama na alagaan ito bago ito mawalan ng hininga kaya naman ay kanyang ginagawa ang lahat ng inutos at huling habilin bago mawala ang kanyang ama. Dahil ito rin lang ang nag iisang pamana sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay Kubo
Short StoryAng Kwentong ito ay ang pinaka unang ginawa ko sa wattpad. Ito po ay isa po naming proyekto sa Pagsulat (subject). Ang kwentong ito ay binuo ko ng may puso, isinulat at ngayo'y maari nyo ng mabasa. Ang mga comments nyo po ay aking tinatanggap sapagk...