Sa isang malayong lugar, may isang babeng nagngangalang Anna. Si Anna ay laki sa hirap kaya maag itong nagtatrabaho para sa kanyang mga magulang. Siya ay hindi nakapagtapos sa kanyang pag-aaral dahil kapos sa hirap ang kanyang mga magulang. Tanging si Anna na lamang ang tumutulong sa kanyang mga magulang dahil ang kanyang ibang mga kapatid ay may kanya-kanya ng pamilya. Si Anna ay nagtatrabaho bilang isang saleslady sa isang napakalaking mall. Araw-araw itong kumakayod para lang sa kanyang magulang. Nagtagal ng halos dalawang taon ang kanyang pagtatrabho. Lumipas pa ang mga araw, may isang lalaking nagtanong sa kanya..
JUNE: Miss..pwede magtanong?
ANNA: Ano po yon sir?
JUNE: Saan dito yong bilihan ng mga alahas?
ANNA: Ah..sir doon po sa gawing kanan.
JUNE: Sige miss. Salamat.
Nang makita ni Anna ang napakakisig at napakagwapong lalaki na iyon, hindi na niya ito makalimutan. Dumaan ang isang linggo at muli nanaman isang nagkita. Nakita ni Anna na umiiyak si June..
ANNA: Sir, okay ka lang ba?
JUNE: Ah. Oo, okay lang ako.
ANNA: Halatang hindi ka okay sir. May problema ka ba?
JUNE: Yong girlfriend ko kasi eh, nakita ko sa mall may kasamang iba.
ANNA: Hindi sa nangingialam ako sir ah pero mangingialam na din ako. Baka naman po kapatid o kaibigan niya yung kasama niya?
JUNE: Hindi ko kilala yong kasama niya kaya sigurado ako na hindi niya kapatid o kaibigan yon.
ANNA: Subukan mong tanungin siya sir.
JUNE: Sige miss. Salamat.
Tinanong nga ni June ang kanyang girlfriend kung sino yong kasama niya sa mall noong nakaraang araw. Lumipas ang ilang araw, nagkita ulit sila. Sa pangatlong beses nilang pagkikita, hindi pa pala nila alam ang pangalan ng isa't-isa. Hanggang sa magtanungan na silang dalawa..
ANNA: Sir, ano nga palang pangalan mo?
JUNE: Ako nga pala si June. Ikaw?
ANNA: Ako naman si Anna.
JUNE: Ganda naman ng pangalan mo :)
ANNA: Ah June. Kailangan ko na palang umalis. Paalam na.
JUNE: Sige.
At natapos nanaman ang isang araw nilang magkasama at sa wakas nalaman din nila ang pangalan ng isa't-isa. Sa isang banda, hindi alam ni Anna na kinuha pala ni June amg number nito sa isa niyang kaibigan. Simula noon, lagi na silang nagkakatext at nagkakatawagan. Walang minutong nasasayang kapag magkausap sila. Hanggang sa dumating yong araw na nagyaya si June na lumabas at kumain. Hindi alam ni Anna ang isasagot niya..
JUNE: Anna? Pwede bang humingi ng favor?
ANNA: Ano yon June??
JUNE: Pwede ba kitang yayaing lumabas??
A
NNA: Lumabas? Bakit?
YOU ARE READING
ANG PAGTINGIN
Short StoryAng kwentong ito ay pinamagatang ANG PAGTINGIN. Sa istoryang ito matutunghayan ang pag-iibigan nina ANNA at JUNE na kung saan sa una ay hind pa nila gusto ang isa't-isa. Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan, mas lalo ding lumalalim ang pagtit...