Kabanata 1

3 0 0
                                    

Kabanata 1

"Lola....!"tumatakbo kong sigaw papasok sa maliit na kubo namin.

"Ano ka bah ESSILA! Ano bang nangyayari sayo at sumisigaw ka, ha?"bungad ni Lola Flora sa kanya mula sa kusina.

Kahit matanda na si Lola Flora ay makisig parin ito pero medyo malabo na ang paningin.

"Oo nga apo, Okay ka lang ba?"nasa likod din pala si Lolo Fardo ni Lola.

"Oo naman po!"masaya kong sagot sa kanila.

Si Lolo Fardo ay mahina na ang pandinig pero malakas pa rin siya. Kasa kasama niya akong mangisda sa laot. Si lola minsan lang sumasama kasi nahihilo siya pag umaalon.

"Eh bakit ka sumisigaw sigaw!"nakapamewang na tanong ni Lola.Tinaas ko yong hawak kong bonit kong saan ko nilagay ang mga isdang nahuli.

"Ang dami kong huli!"masaya ako na kahit konti nakakatulong ako kina Lolo at Lola. Simpleng buhay lang ang meron kami. Ako si Lola Flora at si Lolo Fardo. Masaya kami kahit kaming tatlo lang. Pinaparamdam nila sa akin ang isang pagmamahal na kontento ako.

Limang taong gulang ako nang matagpuan ako nila  lolo at lola sa dalampisagan sa harap nang kubo nila. May sugat sa ulo at mga galos sa buong katawan. Akala nila patay na ako pero dumating si Father Recto sa Bayan ng  Buswan para sa isang Mesa sa malapit na simbahan ay agad na nakahingi nang tulong sina Lolo at Lola. Dinala nila ako sa maliit na pagamutan sa kanilang bayan. Walang kagamitan ang pagamutan na yon. At isang nurse at doctor lang ang meron.

Gusto nang doctor na dalhin ako sa manila para masuri kong may namumuong dugo sa ulo ko dahil sa pagkabagok nito sa matigas na bagay. Pero wala silang pera para don. Napagdesisyunan nila Lola at Lolo na kupkupin ako hanggang sa gumaling. Sa awa ng diyos wala akong maramdamang sakit hanggang sa naging Binte anyos ako.

Nakapagtapos ako ng high School sa tulong ni Father Recto. Naging scholar ako at siya ang nagbibigay allowance para sa project ko minsan. Malaki ang utang na loob ko kay Father kaya minsan tumutulong ako sa kanya pag may mesa siya.

"Huli ba yan o nanghingi ka naman sa mga mangingisda na kapit bahay natin?"ani Lola.

"Lola naman! Wala ba kayong tiwala sakin?"nakabusangot kong tingin kay Lola.

"Hay nako Essila! Sya lutoin mo na yan at nang makapaghapunan tayo!"sabi ng Lola niya."Ling! Tingnan mo ang sinaing at baka luto na!"pagbabaling nang Lola niya kay Lolo.

"Saan ang daing?"sagot ni Lolo sabay labas ng bahay. Sinuyod ni Lolo ang paligid para hanapin ang daing na sinabi ng Lola niya. Natawa ako bigla na nakamasid sa kanilang dalawa.

Sinundan ni Lola si Lolo sa labas na nakamasid parin ako.

"Sabi ko sinaing hindi daing!"sigaw ni Lola malapit sa tainga ni Lolo. Hindi ko napigilang tumawa. Palagi silang ganyan pero Mahal na Mahal nila ang isat isa kahit matatanda na sila.

"Lakasan mo kasi at nang marining ko!"pumasok uli si Lolo sa loob. Pinaupo ko siya sa silya sa sala.

"Lolo ako na lang po ang titingin sa sinaing magpahinga na lang po kayo."sabi ko sa kanya.

"Ha?"hindi naman narinig ng Lolo niya ang sinabi niya.

"Wala ho, dito lang kayo."iniwan niya si lolo sa sala at pumunta siya ng kusina para magsimulang magluto. Luto na rin ang sinaing ng Lola niya.

Pagkatapos ng hapunan nila ay nagpasya syang lumubas nang bahay bitbit ang botilyang ginagamit niya para sa nahuhuling alitaptap.

Ikukulong niya sa botilya ang mga alitaptap na nahuli sa loob nang isang araw at pagsapit ng gabi ay papakawalan niya ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ESSILA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon