D'Vlad 22.2 (Continuation)

1.2K 54 7
                                    

Kharis' POV

Habang naglalakad kami ni Amaia palabas may nakita akong pamilyar na lalaki... Hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko siya nakita pero pakiramdam ko nakita ko na siya.

Habang naglalakad kami nakatuon lang ang mata ko sa kanya. At sinusundan ang deriksyon niya habang sige parin sa paglakad.

"Kharis sinong tinitignan mo?" Tanong ni Amaia sakin kaya binaling ko ang tingin sa kanya.

Napailing lang ako at saka sinabing "wala"

Kung nandito ang pamilyar na lalaking yun ibigsabihin isa siyang bampira.

At malamang dadalo siya ng pagpupulong. Malakas talaga ang kutob ko na nagkita na kami dati. Saang distrito kaya siya nabibilang?

Malalaman ko yun sa araw ng pagpupulong.

Pagkalabas namin ni Amaia... Nagpatalon talon na naman siya dahil sa sobrang tuwa. Ang cute niya talaga! 😊😊😊 you know taking care of Amaia makes me feel like I have a little sister. Noong tao pa ako wala akong kapatid and I longed to have one.  But when I became a vampire hindi lang ako nagkaroon ng kapatid nagkaroon din ako ng mga tunay na kaibigan at panibagong pamilya. Even though I miss my biological parents. And  I don't know if they're still alive. Pinuntahan ko sila matapos kong masailalim sa ritual ng pagsasalin ng dugo para maging bampira pero? Wala na sila dun... Pagbalik ko dun umalis na sila and I never bothered looking for them...  Dahil  akala nila patay na ako mas mabuti nang yun nalang ang paniwalaan nila at huwag nalang akong magpakita. It's tragic but... I know this is my destiny and I should walk the path of it.

"Kharis? Bakit parang lutang ka ngayon? Kanina ka pa tulala ha?" Tanong ni Amaia.

"Ha?  Nothing... I just remembered something from the past." Paliwanag ko.

"Ah...? You know whenever I'm here... Lagi kong naalala ang lahat. Maybe because dito ako naging bampira at dito nagsimula ang lahat." Sabi niya sabay umupo sa damuhan...

Malawak ang labas ng kastilyo at malapad ang damuhan. Pweding pwedi mag picnic dito. 

Napaupo na rin ako sa tabi niya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano. Napakadilim na ng paligid.

"You know what bothers me the most?" Biglang sambit ni Amaia.

Napatingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng 'Ano look'

"It's about the council meeting. Ang tungkol sa sunod sunod na pagpatay sa mga pinuno at ang posibildad  na atakihin tayo ng mga kalaban sa darating na pagpupulong."

Ang totoo naisip ko rin yan.

"Don't worry.... I know we can survive this."

"I know...  But...  I have all my what if" sagot niya.

"What if? May mamatay satin?" Dagdag pa niya
Parang hindi si Amaia ang kausap ko. Usually kasi pagdating sa labanan masyado siyang palaban at bilib na bilib siya sa kanyang kakayahan... Ngayon parang kinakabahan siya.

"Don't think about things like that... Walang mamamatay satin." Sabi ko pagkatapos nun umalingawngaw ang nakakabinging katahimikan at umihip ang malamig na hangin.

Bigla akong napaisip sa sinabing iyun ni Amaia.

What if nga may mamatay samin?




Tristram's POV

Nakahilata ako ngayon sa kama ko. Nakakapagod ang byahe ang totoo kasi niyan may motion sickness ako, kung pwedi nga lang na magteleport kami mula pilipinas papunta rito eh...kaya lang limitado lang ang kakayahan naming yun.

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon