Magkabilang Mundo
Written by: L
_________________________
Nagulat kami ni Nanay. Nasa labas kase si Alden. That's the least thing I expected. Inaabangan kame. Di ko alam ang gagawin ko. Kung tatalungko ba ko para samahan sya. Kung mag-so-sorry ba ko tapos walk-out. Ugh~ baket ba kase ako nasa ganitong sitwasyon? Bakit ba kase nagkaroon pa ko mga ka-trabaho-ng ang alam lang eh man-trip. Hindi man lang mag-tanong o mag-isip kung pagkatapos ba ng gagawin nila. Ok pa den ako. Talaga naman kaseng below the belt na yung ganitong biro eh. Hindi 'to simpleng biro na murahin mo lang sila ok na. Magaan na sa pakiramdam. Feelings na ng tao ang damay dito. Yung mararamdaman na ng kaibigan ko ang pinag-uusapan dito. May trenta minutos den ata kami sa ganoong posisyon. Si Nanay nasa likod ko. Hinihintay kung anong gagawen ko. Ako, naguguluhan kung ano ba dapat ang i-a-akto sa harap nito. Si Alden, tahimik at seryosong nakatingin samen ni Nanay. Sa huli, ang talikuran ang lahat ng 'to ang napili kong gawen. Bahala na.
Dire-diretso kong pumasok ng bahay namen hanggang maabot ko ang itaas. Ni hindi ko pinansin si Lalaine sa sinasabi nya. Ang gusto ko lang mapag-isa muna para mag-function ng maayos yung utak ko. Wala kaseng laman kundi pa-ulit-ulit na sorry Alden - sila kase e.
Dumiretso ko sa kwarto namen. Dalawa lang naman ang kwarto sa taas. Isa para dun sa tatlong lalaki. Tapos ito para samen namang mga babae. Sinara ko ang pinto. I-la-lock ko sana kaso sira pala. Pinabayaan ko nalang. Nilapag ko yung bag ko saka pa-indian sit na naupo.
Papasok na sana ang hintuturo ko sa butas ng ilong ko nang bumukas ang pinto. Si Nanay pala. Kasunod si Lalaine.
"Ba't ka nag-walk out?" tanong saken ni Nanay. Pumunta sya sa sulok. Kinuha ang mga unang nakapatong sa mababaw na aparador. Tumingin ako sa kanya.
"Di ko lam kung pano ko uumpisahan e. Saka ko nalang siguro sya kakausapin."
"Type ka nun boi." singit ni Lalaine habang sige ang tipa ng daliri sa hawak na cellphone. Sinamaan ko siya ng tingin kahit di naman sya nakatingin saken.
Di ako kumibo. Malay ko ba. Wala naman syang sinasabe saken na type nya ko. Ayaw ko mag-assume.
Ibinaling ko ang paningin ko kay Nanay na noo'y nakatalikod na samen.
"Anong sabe nay?"
"Nagpasalamat lang."
Kahit papano maluwag akong nakahinga. Wala na siya. Pwede nakong bumaba para maglinis ng katawan.
Kinabukasan.....
"Pumunta sa inyo?"
Bungad saken ni Bien. Di ko sya sinagot. Dire-diretso ko sa kitchen. Nilapag ang bag at nagbihis.
"Joey? Galit ka?"
Di ko ulit sya sinagot. Tiningnan ko lang siya tsaka dumiretso sa kaha. Nag-ayos ng mga nakakalat na kung anu-anong papel. May mga staple wires pa. Wala si Julie ngayon. Sa RCBC Branch muna dyu-Duty. Si Albert ang ipinalit sa kanya. Na noo'y busy sa pag-lilinis.
"Joey? Galit ka?" ulit na tanong ni Bien.
Syang dating ni Ma'am Tiny.
"Good morning ma'am." Pilit akong ngumiti para ipakita nga kay Bien na di ok ang ginawa nya.
Akala ko mapapanindigan ko ang di pagpansin kay Bien pero di pala. Dahil kinulit ako ng kinulit kaya napilitan na den akong pansinin sya.
"Type ka nun. Di magpupunta agad yun. Kung hindi." Tahimik kame nun. Nag-aantay ng customer. Nang biglang magsalita si Bien.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo ( On-hold )
Romance"처 의 정 말 사 랑 해. 내가 여기 온 이유라고 당신을 떠날 큰 실수. 이제 새롭게 시작하고 결혼하자." Mga katagang nagpanganga saken. Seryoso ba sya? Napaluha ako. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil hindi ko na-gets sinabe nya. Ang bilis e. Joeyshelle "Joey" Magracia never expected that on...