"Giannatics, mahal ko kayo!"
"Giannatics, mahal ko kayo!"
"Giannatics, mahal ko kayo!"
"Patricia, ilang ulit mo na yang pinapanood ha."
Andito kami ngayon sa room ni Pat. At heto, kilig na kilig siya habang pinapanood yung guesting ni Kiel Giann Lopez sa isang morning talk show.
"Bes! Ang gwapo niya talaga! Sabi niya mahal daw niya ako."
Ayun naman si Pat, nagpapaka-ambisyosa na naman. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa Giann na yun. Di naman kagwapuhan para sakin eh. Payatot pa. Psh.
"Bes, mahal daw niya KAYO. Hindi lang IKAW. Tsaka hindi ka naman niya kilala eh."
Eto ulit ako. Kinokontra si Pat. Mas mabuti na yung minumuat ko siya sa katotohanan kaysa sabayan siyang umasa at sa huli masasaktan din naman diba?
"Bes naman eh. Alam mo naman na si Giann ang lalakeng nakalaan para sakin. Magtatagpo rin ang landas namin. Tulad dun sa mga napapanood sa TV."
"Hayy naku bes, gutom lang yan. Tara, kain na tayo."
Bumaba na kami sa room ni Pat at nagtungo kami sa kitchen. Malawak rin naman ang bahay nila. In all fairness, mayaman sila compared samin na nasa middle lang.
Nadatnan naman namin si Tita Mina sa kitchen at naghahanda ng mga sandwiches.
"Mommy, para kanino po yang mga sandwiches na yan?"
Tanong ni Pat sa kanyang Mommy.
"Para sainyo ni Francel anak. Alam ko kasing gutom na kayo kaya eto."
"Ang galing niyo talaga Mommy."
Ang sweet sweet naman ng mag-ina. Pero mas unique naman kami ni Mama. Kahit deaf and mute siya, may kung ano samin na nagcoconnect at nagkakaintindihan.
Kumain na kami ng sandwich. Naka-on naman yung TV.
"Giann, ngayon na nagkahiwalay na kayo ng landas ni Tiffany, sino ang gusto mong kaloveteam?"
Tanong nung host kay Giann.
"Kahit sino na po basta mabait at comfortable ako sakanya."
Sagot naman nito.
"Bes! Totoo pala talaga na wala na ang GiFfany loveteam. Aba, sayang naman."
Kita mo itong si Pat. Kung makapagfrown akala mo siya yung nawalan ng kaloveteam. Pero teka.
"Bes, marunong ka namang umarte diba?"
Tanong ko kay Pat na may something sa aking smile.
"Hindi naman masyado best. Bakit?"
"Mag-audition ka sa Magic Entertainment! Malay mo, ikaw ang ipalit kay Tiffany."
Bigla namang nagform ang isang BIG smile sa mukha ni Pat.
"Ang talino mo talaga bes! Tara mag-audition tayo!"
Tuwang-tuwang sabi ni Pat sakin.
"Ha? Ikaw nalang. Alam mo namang wala akong katalent-talent eh."
May konting talent naman ako pero ayoko talaga sa mga ganyan.
"Please bes. Para sakin. Please."
Bakit ba ang hirap kong tanggihan ang alok niya? Nakuu, parang kapatid ko na to eh. Alangan naman na hindi ko pa pagbigyan. Baka magtampo pa sakin.
"Sige na nga. Magpapaalam muna ako kay Lola tsaka kay Mama."
Bigla naman akong yinakap ng mahigpit ni Pat. Tuwang-tuwa talaga siya.
"Mommy, mag-au-audition po kami ni Francel sa Magic Entertainment. Diba may workshop sila tomorrow?"
"May pasok kayo anak. Tsaka 2nd year college na kayo, baka pwedeng pagkagraduate niyo nalang."
"Mommy, please. Pag after two years pa, baka wala na, may ipair na sila kay Giann, wala na din lang silbi. And since AB Mass Communication naman ang course namin ni Francel, may connect naman to sa chosen field namin Mommy eh."
"Hayyy, Sige na nga."
At nagtalon talon ulit sa sobrang tuwa si Pat. Kapag nagpuppy eyes talaga siya eh walang makakatanggi.
Umuwi na ako at tutulong pa ako sa mga gawaing bahay. Masipag talaga ako no.
Goodluck nalang sakin sa audition bukas.