Chapter I- Introducing Jenny

591 10 2
                                    

Hello po! :)

I'm Arianne Hernandez =))

First love story pa lang po itong gagawin ko ;)

Sana magustuhan niyo ..

Happy Reading!

Prolouge:

True Love can wait ..

Love is supposed to be felt ..

Love someone without limitations ..

and love them even if they don't love you in return :(

Siguro nga. Pero kahit na anong paliwanag ang gawin mo para hindi masaktan yung taong minsang mo nang minahal, hindi pa rin nito matatago ang sakit na iminarka mo mismo.

CHAPTER 1-  Introducing Jenny

June 6, 2011

Kriiiiiinggggg ! Kriiiiiinggggg !

"Hoy! Jenny! Gising na!  Kabagalan neto! Kaya ko nga inagahan gumising eh! para di ma late.. tapos ang bagal mo pa. First day pa naman ngayon .. Hinihintay na ko ng mga classmates ko!"

"Eto na! ate Andeng! Bumabangon na oh .. Maghintay ka lang diyan! Ang aga pa kaya! Ang sakit na ng tenga ko eh! Hintayin mo ko.. maliligo lang ako!"  Oo nga pala! First day ko ngayon bilang Freshmen! Yipee! Freshmen na pala ko! Panira ng mood si ate .. ang INGAY! Excited na ko sa mga bagong classmates sa NU!

"Tara na! Alis na tayo! Excited ka eh!" sabi ko.

"Urur! ako pa excited! Halata namang ikaw yun eh! Malas mo, walang gwapo dun! Hahaha"  Grabe naman si ate. Guwapo ba kagad hanap ko! Hmp.

Siyempre, papasok na kami. Kailangan magcommute! Hassle kasi eh. Muling pagsakay sa mahiwagang Jeep! :D

Pagsakay namin ..

"Bayad po!"

Ang aga naman magbayad ni ate! Kasasakay lang! Excited!

Pero wait ..

I'm Jenny Garcia, 16 years old. (Bata pa :]) Pure Filipino. Valedictorian ako nung gradeshool. Diba ang saya! haha. and yung kasigawan ko kanina .. She's my ATE. Andrea Reyes, 18, Pure Filipino rin siyempre.

Tinitigan ko yung katapat ko sa jeep, infairness, ang GWAAAPOOO niya ah! Pretty boy! Siguro, totoo nga yung sinabi kanina ni ate. I'm only searching Cute boys! weee! haha.

"Oy! Nandito na tayo!, Para po!" sigaw ni ate.

Haba pala ng lalakarin! Sakit sa bangggsss! Makaraan ang 5 minutes na paglalakad ..

"Hayy .. narating din! Ang haba nun ah! Halika na nga.." then I smiled.

"Una na ko ah! Ayun na sila oh!" sabay turo niya sa mga classmates niya.

Eto ako .. walang kakilala.

-------

"Freshmen students, nasa tabi ng cafeteria ang bulletin board kung saan niyo makikita ang room niyo and adivser"  sabi nung teacher sa stage.

Ako naman si dakilang epal, nakipag-unahan pa pumunta dun! Ang dami kaya. hehe :">   Hanggang sa makarating ako sa room, as usual, WALANG KAUSAP. Bored na ko. So, nagtry akong kausapin yung seatmates ko.

Dalawang lalaki sila. Napakacute at napakaliit nung nasa left side ko. English Speaking! OhEm! Sa right side, familiar yung mukha niya ... pero, nevermind.

"Hi! Ano nga pala yung name mo?" bati ko kay cute boy.

"I'm EJ." sagot niya.

Di ko inakalang super daldal niya! Puro siya lang nagkuwento. Hanggang sa mapunta kami sa farmville. Kaloka! Mula simula, in ENGLISH! Nosebleed!

Nung first day, dalawang babae pa lang yung friends ko. Si Melody and Charity. Siyempre, friendly ako noh! Hahaha.

After few days, marami na rin akong friends, close friends, super friends at BESTFRIENDS. Pwera sa BOYFRIEND. hahaha. Naging BFF ko sina Kennisa, Jusmine, Shaina at Ezequiel. MAINGAY din kasi sila katulad ko.

May dagdag din pala kaming subject! yung Earth Science (ES). Ang hiraaaaap kaya non!

July 22, 2011

Kinuha si Jane at Anna bilang representatives ng aming klase para sa Ms. NU-HRM. RUSH na sila! Next week na kasi yung Coronation Night! Bongga! Parang di naman 'to university! hahaha.

Kaya, Sir Del Mundo went to our  room. I-eexcuse niya daw yung dalawa kong classmates para sa mechanics and orientation ng contest. Sakto! Wala si mam. Hahahah. May kasamang lalaking estudyante si Sir.

"Oh my! Umay! Ang gwapo niya Justine! Shet! Ang pogi niya noh!" sigaw ko kay Justine.

"Oo nga eh. Ang tangkad pa!" the she smiled.

"Ano kayang name niya? Mukha siyang Korean!" sabi ko.

Alam niyo naman.. Mahilig ako sa mukhang Korean at matangkad! K-POP fan kaya ako! Sana malaman ko yung name niya..

Hanggang pagpunta next class .. hindi ko na siya makalimutan. Ang gwapo kasi eh! Nagtanong ako kay Chaty, 2nd year kasi ate niya.

"Chaty! Anong name nung pumuntang lalaki kanina sa room naten?" tanong ko.

"Sir DeL Mundo! Di mo ba kilala yun?"

"Gaga! yung kasama ni sir"  habang tumatawa.

"Ahh. Ewan. Alam ko may kapatid yun eh! Mas gwapo sa kanya. Yung kapatid niya yung kaklase ni ate. Si PaL .. PaL Asejo."

So, Asejo yung surname niya? Hahanapin ko na lang sa Facebook yung Pal Asejo na yun.

-----------

Pagkauwi ko.. nag log in agad ako sa FB. Hinanap ko kagad yung Pal. at .... BOOM! nahanap ko siya. Nagview ako dun sa info para makita yung siblings niya. Ang dami naman! Sino dito yung kapatid niya? Then nakita ko yung surname na Asejo!

"Mark Asejo? Eto kaya yun?"

Agad kong pinindot yung "view profile" at ..

"Shocks! Siya nga yun! Siya nga si Kuyang Matangkad! Si Mark Asejo! Ba't parang hindi niya kamukha sa picture? Pero POGI pa rin! Add ko na!"

"Ang ingay naman neto! Wala lang magawa? Pwes, marami akong ginagawa .. kaya please lang .. wag kang maingay!" Sigaw saken ni ate

"Ang sungit mo!"

Lagi atang may dalaw si ate eh .. Sungit! HMP.

Kinabukasan ..

"Sisters! Alam ko na name ni Kuyang Matangkad! Mark Asejo. :) Banking and Finance kinukuha niya.

"Try kaya nating kunin yung # niya? Hindi naman siguro siya suplado at madamot diba? Try lang naman eh!"

"Pero Kennisa, okay na sakin yung alam ko yung name niya. May FB naman eh!" sagot ko.

"Yan ka nanaman sa okay eh. Tapos mamaya magwawala ka kasi wala kang number niya! Kung talaga mabait siya, ibibigay niya yun! Wag ka nang kumontra. Basta kukunin namin yung number niya."

Siyempre, wala naman akong magagawa. Pero saken naman talaga okay lang yun. May iba pang paraan para makilala mo siya. Hindi ko rin siya masisisi kung hindi niya ibigay. Kasi yung cellphone number ay para lang sa mga close friends and relatives noh! Hindi na ko naghahangad pa!

Habanag naglalakad sa Hallway..

"Uyy, diba siya yun? Jeeeeennnnyyyy! Diba siya yun?"

"Ha? Sino ba Jusmine? Kanina ka pa eh!" sigaw ko.

Pagharap ko...

"O.M.G! Si M A R K Asejoooooo! Dadadaan siya! Kunyari hindi ko siya nakita.. Kunyari nagbabasa ko."

"Love or Infatuation?" ONHOLDWhere stories live. Discover now