Just Another Gaga

38 2 1
                                    

This story is not about Lady Gaga. Gaga was used to describe a kind of personality in the Philippines which the story will show eventually.

(Pardon me, this is my first time)

"What if his parents won't like me?"

"What if my parents won't allow me to be with him?"

"What if his parents knew that this was just a big lie?"

Bakit ba ang daming “what ifs” sa mundo? Nakakapagtaka naman.

After kong magpatuyo ng buhok, tinignan ko kagad ang cellphone ko.

Wala pa ding text si Uno. Aba? Ano kaya ang iniisip ng lalaking yon? At anong oras na naman niya ako susunduin? Ganyan na lang lagi siya lately. Nakakapagtaka.

"What if..."

Haay, heto na naman ako sa aking mga makabagbagdamdaming what ifs.

Kung magkakaroon lang ng What If award eh, sa tingin ko sa kin na mapupunta ang trono.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

Gosh, sobrang ganda ko naman ah? Hindi naman maghahanap siguro si Uno diba?

I shook my head and sinampal sampal ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

Nako, Celeste Ramon, tigil tigilan mo ang pag iisip!

Naupo ako sa sofa, binuksan ang phone ko at nagbilang ako ng isa hanggang sampu.

Isa...Dalawa...Tatlo...Sampu.

Bullshit, wala pa ding text ang hinayupak kong boyfriend.

------------------------------------------------------------------------------------------

Saturday morning, salamat naman at wala kong trabaho, nagsawa na ako sa pagmumukha ng mga kliyente naming pabalikbalik upang mag inquire sa mga pesyo ng bahay na tinitindaa namin. Akala mo naman eh araw araw kaing nagiiba ng presyo.

Para akong timang na umupo sa aking kama, at sa unang beses tinry kng magsulat sa aking Starbucks planner. Diba? It sound sosyal.

My god! Wala pala akong Starbucks planner this year! So ayun, dinampot ko ng mabilis ang aking mga Sticky Notes.

"Today, I will choose to be beautiful"

Yan ang sinulat ko, tapos dinagdagan ko ng "VERY".

"Today, I choose to be VERY beautiful"

Yan ang ginawa kong mantra sa araw na to.

Kasabay ng pagbusina ng mga sasakyan sa labas ang pagkabusy ko sa pagsusulat. Aba? Sinapian ba ako ni Shakespeare? At parang diary na ang ginagawa ko. Kung alam ko lang sa bond paper na ako nagsulat.

Knock knock knock.

Pagbukas ko ng pinto.

"Oh my god, it's almost Valentines, Oh my god! ang bungad ng bungangera kong bestfriend na si Andy.

"Wow? Anong drama mo ngayon te? Super energetic dahil valentines bukas? Eh wala ka namang boyfriend" ang pagtataka ko.

"Well, yan ang alam mo." pagmamalaki ng loka.

Umupu sya at nagpunas ng pawis. Para bang galing sa Sahara Desert ang lola nyo, hindi ko alam kung saang lupalop na naman nagsusuot at ano ang drama nya.

"Ang daming tao sa gym girl!" sabi niya.

"Nag gym ka? Himala?" ang tanong ko.

"Yes! Ng pumayat naman ako ng konti, malay mo may chance pa bago ang date ko bukas!" pagmamayabang nya.

Inabutan ko siya ng salamin upang matauhan siya.

Si Andy yung tipong kahit kumain ng isang kalderong kanin ay hindi tumataba. Magmula nung High School kami ay ganun pa din ang kanyang timbang.

"Well, I will finally meet George. The man of my dreams!" aniya.

"Ah? yan yung kartero na nagdeliver sa opisina naten tama?" I said freely.

"Hello? Hindi yun! Basta, bukas kuna idedetalye sa yo after ng date namin!" sabay tulak sa akin at nagtungo siya sa CR.

"Oh basta, bakla ka, baka mabudul budul ka jan sa sinumang George na yan!" habilin ko.

Dalawang araw ng hindi nagpaparamdam ang boyfriend ko.

Minsan, hindi mo man gustong mag isip ng masama eh, mapapaisip ka talaga diba? Ano na kayang nangyari sa kanya? Anong away na naman ba ang mangayayari sa aming relasyon? Almost 2 years na kami ni Uno Madrigal.

Ang sosyal talaga ng pangalan niya.

Well, kung inaakala niyo na gwapong gwapo ang boyfriend ko, eh aba'y syempre naman! Siya yung tipo ng lalaki na simpleng kagwapuhan pero ang lakas ng dating. Matangkad siya sa akin ng kaunti, pero maputi ako sa kanya. Siya yung lalaki na walang keme kung umitim o pumuti. Hindi sya regular sa gym pero talo pa niya si Derek Ramsey, sa confidence nya. Maraming nagsasabi, bagay na bagay daw kami. Pwede naming talunin ang love team ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Dati yon, pero syempre hindi naman ako bulag, hindi rin ako manhid. Ramdam ko ang pagbabago mula noong isang gabi.

The night I never wished to come.

 ---------------------------------------------------------------------------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Another GagaWhere stories live. Discover now