YUNGIB NG MISTERYO

279 3 4
                                    

" Yungib ng misteryo"

Makulimlim ang kalangitan at malamig ang ihip ng hangin. Napag-pasyahan nina Reggie, Steven at kaibigang babae na si Yneza na ipag-patuloy ang pag-akyat sa bundok upang hanapin ang misteryosong Yungib. Marami na rin silang narinig tungkol dito, may mga kakaibang tunog daw na nagmumula sa nasabing Yungib. 

Takip-silim na nang dumating sila sa taas ng nasabing bundok. Biglang bumulwak ang malakas na ulan kung kaya nahirapan silang hanapin ang kanilang pakay. Nagpahinga na muna sila ng sandali sa ilalim ng malaking puno at ginawa na rin nila itong pasilungan. 

Mula sa kanilang pag-kakatayo sa ilalim ng malaking puno ay napansin si Steven na may nagliliparang paniki sa gawing kaliwa ng puno. Agad nila itong pinuntahan at tuwang-tuwa sila sa kanilang nakita. Isa itong malaking butas sa ilalim ng lupa at sa tingin nila ay ito na nga ang sinasabing misteryosong Yungib. 

Si Reggie ang nag-bulontaryong unang ba-baba upang tingnan kung anong meron ang Yungib. Gamit ang lubid na naka-kabit sa kanyang beywang ay sinimulan na nyang ibaba ang sarili;maingat at dahan-dahan ang kanyang pag-baba hanggang sa narating na nga nya ang ibaba ng ng Yungib. Tinignan nya ang lahat ng sulok ng lugar gamit ang dala-dala nyang flashlight. Paniki,mga buto ng tao at hayop lamang ang nakikita nya doon , ngunit hindi maikaila ang kaba na kanyang nararamdaman,malakas ang kabog ng kanyang dibdib, naliligo na si Reggie sa sarili nyang pawis. 

Sa hindi kalayuan ay may nakita syang naka yukong lalaki,mahaba ang buhok,maputla at payat ,mukhang hinang-hina na ito at sa tingin nya ay hindi pa ito kumakain matapos itong mahulog sa Yungib. Agad nya itong nilapitan at inalok ng tulong. Halos tumindig ang lahat ng balahibo nya sa katawan ng naka-ngite syang hinarap nito. Matutulis ang mahahaba nitong pangil at pulang-pula ang nanlilisik nitong mata. 

Malakas na sigaw at pag-daing na lamang ang narinig ni Yneza at Steven,kaya hinila nalang nila pataas ang lubid na naka-kabit sa beywang ni reggie. Laking gulat nalang nila ng mai-ahon nila ang isang nakakatakot na lalaki na nakahawak sa lubid na kanina ay gamit-gamit ni Reggie. 

Kinabukasan ay may isang lalake at babaeng natagpuan sa bundok. Pareho silang may kagat sa leeg. Patay na ang lalaking si Steven dahil sa pagka-ubos ng dugo nito. Si Yneza naman ay tulala ngunit buhay at malakas naman daw kahit na mukhang naubusan din ng dugo dahil sa kagat ng iniisip nilang mabangis na hahop... 

Wakas.........

YUNGIB NG MISTERYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon