hello!!
just want to pose one of my feature write ups again ^_^
ito ay para sa MGA inlove, NA inlove at MA-iinlove..
_______________________________
bawat pintig ng puso..
bawat pag hinga..
bawat tibok ng damdamin...
at sa bawat pag pikit ng mata...
bakit ba laging nasa isip ko'y..
mukha mo sinta??...
________________
bakit ba tumitibok ang puso? ..
para lumigaya?..
maging masaya..
o para masaktan lamang..
sa ating murang edad..
hindi maikakaila na tayo'y magkakaroon ng atraksyon sa ating kapwa magkabilang kasarian..
hindi maitatago na sa ating batang puso..
ay namumukadkad ang damdaming hindi pamilyar..
isang batang pagmamahal na nabubuo mula sa ating puso na hindi madaling iwaksi..at ignorahin..
dahil sa aminin mo man o hindi..
hahanga.. at magmamahal karin...
sa murang puso at isipan..
tayo'y matututo ring mag-alaga at magpahalaga sa taong espisyal para sa atin..
bakit ba laging bumibilis ang tibok ng puso sa tuwing makikita siya?..
di ba't kay aga pa para pagdaanan ito?...
kaylangan nating tanggapin na tayoy lumalaki t magkakaisip rin...
na tayo'y magmamahal at mamahalin rin..
hindi naman ito bawal..
lalong hindi rin sagabal..
ang mahalaga'y marunong tayong panghawakan ang ating emosyon..
walang masama na hayaang umusbong ang mga espesyal na pagtitinginan..
basta't laging itatak sa isipan ..
na sa lahat ng gawain at desisyon ay may katapat na limitasyon..
hayaan lang itog palaguin..
dahil ito ay isang malaking parte ng ating paglaki at pamumuhay dito sa mundo..
..........................................................END.......................................................
hope you like it guys..
<3 Grazia <3