XIII

4.2K 63 0
                                    

Maria Ligaya's POV

Nasa locker room ako ngayon at tinitignan ang mukha ko. Grabe, ba't namumula agad? Ang hapdi! Tangek ka, Jane.

Sa gilid pa naman ng bibig ko, may band-aid ba ako dito? Teka titinignan ko muna baka meron .

Binuksan ko ang bag ko at wala nga akong band-aid.

Napatulala ako saglit at tumitig sa kesame. Ano ba yung ina-akto ko kanina? Parang tanga na ako nun. Si Aaron na nga ang lumalapit sa akin, ako pa ang lumalayo. Baka takot lang siguro ako na magagalit siya sa akin pag nalaman niyang sa akin siya ikakasal.

"Ligaya?"

Napa-iktad ako ng di-oras dahil sa may biglang sumulpot sa tapat ng locker ko.

"Ay jusko baklang kokak!"

"You're funny."

Tae, si Briones lang pala.

"Anong ginagawa mo dito Briones!?"

"I said, dont call me Briones. Diba sabi ko, you can call me JC?"

"Hahaha, Oo nga pala."

"So, kamusta ang sugat mo?"

"Ah, eto mahapdi. Nakalimutan kong magdala ng band-aid."

"May Betadine ako rito."

"Pahiram."

Binuksan niya ka-agad ang locker niya at kinuha ang Betadine, Bandage at Bandage Tape.

"Umupo ka."

"T-teka! Ako nalang mismo ang gagamot sa sugat ko."

Na-rarattle na ako dahil sobrang lapit na niya sa akin.

"Wag na! I insist."

"Sigurado ka?"

"Yep, yep, yep." sagot niya sabay ngiti.

Pumwesto na agad siya at ginamot ang sugat ko.

"Aray! Dahan-dahan naman jan! Tangek, hoy Briones! Pag ito lumala, patay ka sakin!" sigaw ko, kasi idiniin niya kasi. Sobrang sakit.

"Edi, hahalikan ko." napatulala ako sa sinabi niya. Seryoso ba ito? Gawin ko kaya itong punching bag?

"Ulol ka ba Briones?"

"JC."

"Oh sge, JC!" sigaw ko.

"Dahan-dahan lang eh, wag mong idiin! Masakit." napaka harsh talaga, sakit na eh.

"Mas madali itong humilom pag ididiin."

"Sasampalin kita!"

"Sige, hahalikan din kita."

"Shemay ka ha!"

"Oh, ito tapos na!" ani niya tsaka tumayo.

"Wag band-aid ang ilagay mo ha? Mas better kung bandage ang ilalagay mo jan."

"Opo! S-salamat din ah."

"Bakit nga pala pinasunod ka ni Boss?" pasimula niyang tanong. Omo! Anong isasagot ko?

Think Ligaya!

Think!

Think!

Error ~~~

Try again!

Tinkkk!

"A-ah kasi, may ipinapagawa siya sa akin?" ngiti kong sagot.

"Ano naman yun, maybe i can help?"

"A-ah wag na, napaka easy naman yung pinapagawa niya eh. Tsaka, wag ka nang mag tanong."

"Ang suplada nito."

"Sayo lang!"

"Siguro, love mo ako nuh?" ang feeling ng lalakin ito! Jusko po, kunin niyo na po ito. Si Aaron lang po ang love ko, pramis!

"Tungek ka! Balik trabaho na tayo Briones! Wag puro pag-ibig!"

Lumabas na kami sa Locker Room at isinuot na ang aming mga Chef's Suit at Hairnet.

Nasa kitchen area na kami at sinimulan na naming magluto.

Lumapit si Jane sakin at humingi ng tawad. Sabi ko okay lang naman dahil hindi niya naman iyon sinasadya.

Elizabeth Yan's POV (Aaron's Mother)

Andito na ako ngayon sa bahay, nakalabas na ako sa hospital.

"Love? Are you serious about this?" panimula ng aking asawa.

"Yes, Love. Finally at matutupad ko narin ang hinihiling ng ama ko."

"Pero patay na sila."

"But still, nangako ako."

"I dont think this will work out. Aaron marrying a commoner?" pahayag ng asawa ko. No, she is not.

"She ain't commoner love. Ang Lolo ni Ms.June, si Marquelito June. Kilala mo pa ba?"

"Yung nagtulong sa akin, siya yung ipinasakay niya ako sa kotse niya noon para lang makauwi ako sa bahay ko."

"Oo siya. At sa pagkaka-alam ko hindi pa siya patay." sagot ko atsaka ngumiti.

"Pero matagal na panahon na iyong nangyari."

"Kahit na, tadhana ang gumagawa ng paraan. It's time para sila naman ang ating tutulungan."

"Taiwanese din ba si Marquelito June?" madiin nitong tanong at nagtataka.

"Hindi, pure na pilipino sila."

"Pero bakit nandun siya noon sa Taiwan?"

"Dahil sa pagkaka-alam ko, may malaking companya siya dun at kinuha iyon ng simpleng empleyado niya. At kailangan ko pang alamin kong sino yun."

"Napaka-bait na tao ni Marquelito June. Hindi ko akalain na isa pala siyang presidente ng isang companya."

"Oo."

"Pero, bakit mahirap ang kanyang anak at apo?"

"Ewan ko, hindi ko alam. Si Leonardo, ang ama ni Ms.June. Kilala ko siya at kilala niya rin ako."

"Really? Tss, small world huh?" yes love, small world. Nasobrahan sa liit, gusto ko silang tulungan.

"So asan na ang companya na pinamahalaan ni Marquelito June?" tanong ulit ng asawa ko.

"Estrosa Technologies."

"Maliit na companya lamang ito at pangit din ang pag representasyon nila sa atin."

"JET ang tunay na pangalan ng companya noong sa pamamahala pa ni MarquelitoJune."

"Bakit ito naagaw?" bakit nga ba? Hindi ko alam ang dahilan.

"Ewan, susubukan kong hanapin ang kanilang hustisya."

"June Evans Technologies? Bukas pupunta akong taiwan love. Sasama ka sa akin." ani ng asawa ko.

"Wag na love, dito lang ako. Ako ang mag-aasikaso sa kasal nila."

Tumango ito at tumayo. Teka, saan toh pupunta?

"Love? CR muna ako."

Tumango ako at humiga sa higaan ko.

Maria Ligaya June? Isa kang princesa, pero bakit naghihirap ka?

Sisiguraduhin kong ibabalik kita sa mahiwaga mong mansyon.

At totoo naman na mawawala sa akin ang pinakamamahal na hotel ko dahil ipinusta ito ng mahal kong asawa. Pero hindi ito connect sa pagpapakasal nila, ginawa ko lang iyon. May paraan naman para maibawi ko ang hotel ko. Sadyang naawa lang talaga ako kay Ligaya.

And besides nangako ako sa ama ko na pag may anak na lalaki ako, ako mismo ang magdedecision sa pagpapakasal niya sa tamang babae. At si Ligaya yun, napaka responsable at matino na bata ni Ligaya, kitang kita ko iyun. Hindi ko kailangan ng mayayaman na babae para ipares sa anak ko. Gusto ko maging masaya si Ligaya at ang aking anak. I hope i will not regret this decision i've made.

My Boss, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon