Note: Valentines na kasi kaya, Valentines Day Special ito. Super long One Shot or Short Story.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
February 13, 2014
"Aliana, ano bibilhin mo?" tanong ni Abby sa akin habang nag lalakad kami pauwi.
"Huh? Anong bibilhin?"
"Ano ba? Yung para bukas! Nakalimutan agad?" pag kasabi niya non, bigla akong napaisip.
"Ay, Oo nga pala!" naalala ko na, kaso nakasimangot pa rin siya.
"Tse. Excited na excited ako eh, tapos bigla mo lang kakalimutan." tampo agad. Psh.
"Sorry naman daw. Baka naman kasi si Kaloy ka partner ko." si Kaloy yung parang dati kong manliligaw na uhogin.
"Ay, sabagay. Pero teh, malay mo naman si ano, you know~"
"As if naman, tsaka ayoko rin mag assume no, sa dinami rami ba naman ng lalaki sa klase natin."
"Hay nako, ang nega mo talaga."
Ganito kasi yun.
Flashback ( February 12, 2014)
Nasa class kami nung biglang dumating ang feeling bata naming teacher na si Ms. Coco,
"Okay guys, I have an announcement which you should all be excited about, well most of you." ano nanamang kaekekan itong teacher na ito. Daming ka echosan na pinag gagawa.
"Nako ma'am, ispluk na! We're waiting!" sabi nung froglet sa likod.
"Wait, you guys are so atat." sabi ni ma'am, ka conyohan.
"Ano nanaman ba ito?" bulong ni Abby sa akin.
"Bakit mo ako tinatanong, ako ba teacher?" pabalik kong sabi sakanya. Parang sira lang eh.
"Teh, hindi philosophy ang subject natin, jombagin kita eh."
"Abby, hindi rin naman 'to klase ng mga grade 1 kaya wag kang mag tanong ng obvious." sabi ko sabay irap.
"Whatever." umirap naman siya pabalik.
"Whatever mo mukha mo."
"SHUSH! I'm trying to say something!" nabingi kami sa sigaw niya kaya napalingon kami ni Abby sa harap, kung saan naruruon ang pa bagets na guro namin.
"Ma'am, pakituloy na po ulit, nabitin kaming MGA NAKIKINIG."
Oh! My! Gee! Si Kean 'yun, honor student siya and future husband ko. Charot.
"Ngite ngite mo? Kilig ka no?" bulong ni Abbytot.
"Shut up. Inggit ka naman?"
"Eh, bakit naman ako maiingit sayo eh di mo naman makuha puso niya?"
Sinamaan ko si Abby ng tingin. Yung bang,
t( -_-t )
Pero siyempre patago.
"Well, same to you."
( t^_^)t
"QUIET!"
K.
"As I was saying, since it's Valentines Day in 2 days. I've decided to make a very fun activity with you."
BINABASA MO ANG
Exchanging Hearts - Valentines Day Special
RomanceHappy Valentines Day! TGIF sa mga Single! -Xeinna