Ciborium: paalis ka na?
Ako: Oo. Bye na
Ciborium: bye! Mamaya nalang ulitPinatay ko na ang wifi ng cellphone ko at nag sapatos na. Hinatid ako ng kuya ko papuntang school.
Pagkababa ko ng kotse ay nadatnan ko ang crush ko na kakadating lang din.
Sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri at tingin palang ay alam mong mabango na. May dala siyang mini house at nakasakbit ang bag niya sa isa niyang balikat.
Uminit kaagad ang muka ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sigurado akong pulang pula na ako
Shiitttt Kakadating lang din ng crush kong si Kuya Clark! WAAH! Meant to be talaga kami! Walang duda! Pati pag pasok sa school sabay!
Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya at makasabay siya sa pag pasok sa gate. Kahit mabangga ko lang siya ayos na!
Naabutan ko naman siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabangga ko nga siya dahil sa dalawang lalaki sa likod ko na nagtutulakan
Napalakas ang pagkabangga ko dahilan para mahulog yung dala niyang maliit na bahay na gawa sa popsicle sticks. Isang kamay lang ang gamit niya para doon kaya nahulog ito
Kumalabog ang puso ko nang may nakalas dito. Agad kong pinulot iyon saka sinubukang maibalik sa dati pero ayaw na dumikit
Nang tiningala ko siya ay nakakagat labi siya at nagkakamot ng ulo
Oh shit! Lagot ako! Magagalit to sakin! Masisira na image ko sakanya!
"S-sorry po! S-sorry! Hindi ko po sinasadya!" Mautal utal kong sabi
Paepal ung nasa likod ko!
Nilingon ko yung nakabangga sakin pero wala na sila doon. Kaurat
Kulang nalang lawayan ko itong popsicle sticks para lang dumikit. Pano pag babagsak siya dahil dito? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Masisira ang buhay niya dahil sakin!
Nagulat ako nang naka squat na siya sa harap ko at nilagay lahat ng natanggal sa gilid ng illustration bourd. Kinuha niya yung bahay saka tumayo
Tumayo na din ako. Nakayuko sa harap niya
"Sorry talaga kuya" utas ko
"Ayos lang. Maaayos pa ito" aniya pagkatapos ay naglakad na paalis
Dumapo ang palad ko sa aking noo
Epic! Ikaw na Freya! Ikaw na talaga!
Nakabusangot akong dumating sa classroom at walang gana na hinubad ang bag at nilagay sa upuan
Tamad din akong naglakad patungo sa court para sa flag ceremony. May mga nagtatanong kung bakit matamlay ako. Di ko pinapansin. Daig ko pa ang nanakawan
May ikukwento nanaman ako kay ciborium! Sana online siya mamaya.
Si Ciborium ay kaibigan ko sa facebook. Dummy account yun kaya hindi ko alam kung ano itsura niya. Basta ang alam ko lang ay lalaki siya kasing edad ko at parehas lang kami ng lugar
Kachat ko na siya since grade 7 pa lang ako. Sweet siya minsan. Yung convo namin ay mapagkakamalan mong convo ng mag kasintahan
But we're just friends. Di ko naman alam itsura niya kaya pano ako mafa-fall?
"Freya may nagpapabigay" ani kaklase ko habang may inaabot na papel
Tinanggap ko yun at binasa agad
Magkita tayo bukas :)
-CiboriumNag big 'O' ang bibig ko at napatakip dito. Hindi ko akalain na magkikita na kami!
