When Time Interfere

14 6 0
                                    

"Hindi ko alam na matagal ko na pala siyang nakilala. Matagal nang nagtagpo ang aming mga mata. Matagal ko na palang narinig ang kaniyang tinig. Matagal ko na palang napagmasdan ang kanyang mga ngiti sa labi." – Francesca

(Ngayon)

"Kayo po ba si Gionne?" ani ng isang babaeng lumapit kay Gionne na abala sa pag aayos ng makina ng kanilang sasakyan.

Nilingon niya ang babae at ng makita niya ito ay di biro ang naramdaman niya. May mapupungay na mata at mahahabang pilikmata. May katatamtamang taas at di kaputiang balat. May maliit siyang ilong at mala rosas na labi. 

Nabato si Gionne sa kinatatayuan niya at di niya alam ang isasagot.

"Sir, wala pong magagawa ang pagtitig niyo sa akin. Kayo po ba si Gionne?" pag uulit ng babae na tila ba natatawa sa naging reaksyon ni Gionne ng makita siya.

Bumalik sa sarili si Gionne at pinunasan ang grasa sa kamay. 

"Oo. Bakit? Anong kailangan mo?" sagot niya.

"Binggo! Alam mo ba, sabi ng lola ko na taga rito din sa barangay niyo, kung ayaw ko daw mawala at gusto ko ng super saya na adventure, sayo daw ako lalapit. Sakto nahanap kita!" sabi ng babae na tuwang tuwa.

"Sino ba yang lola mo? Mali ata siya ng pangalan na nabanggit. E, halos ata ng mga ginaguide ko dito e mura ang pabaon imbes na "thank you". Kasi, minsan di ko sila sinisipot pag oras na ng pag guiguide ko sa kanila." Bato naman ni Gionne.

"Ano ba? My lola knows best. Kaya kahit anong sabihin mo, sayo ako magpapatour guide." sabi ng babae sabay alis.

"Teka lang, Miss. Aalis ka ng wala akong kaalam alam kung sino ka at saan mo gustong pumunta." Ani ni Gionne.

"Sino bang nagsabing aalis ako?" sabi ng babae sabay hawak sa kamay ni Gionne. "Susunod ka kay Francheska Guzman at pag-uusapan natin ang bayaran." Ani ng babae.

"Babayaran? Magkano nga ba?" tanong ni Gionne.

"HAHAHAHAHAHA. Pwepwede na ba ang... puso ko?" kinindatan siya ni Francheska at tumakbo na lamang ito habang tumatawa. Si gionne naman ay nabato sa kaniyang kinatatayuan at pinagmasdan ang paglayo ni Francheska kasabay ng paglubog ng araw.

(Noon)

Labing anim na taon na ang lumipas ng huling nakaapak si Francesca sa kanilang probinsya. Ibang iba na talaga ang kanyang itsura. Pumiti ang kaniyang balat na dulot ng matagal niyang pamamalagi sa Maynila. Pumayat ngunit gumanda ang hugis ng kanyang katawan. Mahaba at napakagand ng kanyang buhok. Ngunit ang mata at ang kaniyang ngiti ay 'di parin nagbago. Si Francesca ay anak ng gobernador sa kanilang probinsya. Nag-iisang anak siya ni Gobernador Ramon Guzman at ni Flordeliza Guzman na isang propesyonal na doktor sa Maynila. LImang taon si Francesca ng umalis siya sa knilang probinsya kung kaya't labis na lamang ang kagalakan ng mga tao sa kanilang probinsya ng siya ay umuwi. 

"Ang aking prinsensa." Banggit ni Manang Isidra sa kanyang inalagaang bata noon na ngayon napakaganda ng dalaga.

 "Nana, bakit hindi ka man lang sumulat sakin? Naghihintay ako ng balita sa iyo." sagot naman ni Francesca sa kanyang tagapag alaga noon. 

Yakap na lamang ang sinalubong nito sa matanda at napagpasyahan ng pumasok.

Pagkatapos ng isang masayang gabihan ay pumasok na siya sa kanyang kwarto na matagal niyang hindi nakapiling. Bago ang lahat ng kagamitan. Maski ang kurtina at ang kanyang kumot ay bago at nasunod pa sa poborito niyang kulay. Nahagip ng kanyang mata ang lumang telepono sa gilid ng kanyang kama. Tanda niya pa ito ng siya ay bata pa. biglangbumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Time InterfereWhere stories live. Discover now