Kasalanan Mo!
One Shot Story
written by: kira_ogura
~~~
"Kasalanan mo!"
Napapikit ako nang muling maalala ang sinabi niya.
Oo na, oo na! Kasalanan ko na!
Pero kung hindi naman kasi siya isa't kalahating tanga e di sana hindi yun nangyari! Hindi ko sana yun ginawa!
.
.
.
It all started yesterday.
Well, sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos ay palagi kaming hindi nagkakasundo.
Jace is my bestfriend, mula pa noon, kahit pa araw-araw ay halos magpatayan na kaming dalawa. Siguro ganun talaga kapag masyado na kayong sanay sa isa't isa. Mas hindi normal kung dadaan ang isang araw na hindi kayo nagkakawalanghiyaang dalawa.
Kunwari kapag hinampas niya ako, susuntukin ko siya. Kapag itinulak naman niya ko, sisipain ko siya ng bonggang-bongga. Lokong yun kasi, laging pasimuno. Hindi naman ako pumapayag na hindi ako makakaganti. Pikon na kung pikon. Lintik lang ang walang ganti.
Naguluhan ako nang pagpasok ko sa room ng first class namin ay nakatitig sakin ang lahat. Mga nakangiti sila at paulit-ulit pa ang pagbati sakin.
"Crush mo pala siya, Xara. Akala ko, puro ka lang anime e!"
"Ang totoo niyan, sa tingin ko kayo ni Jace ang bagay. Pero pwede rin naman kayo ni Eaton."
Pagkaupo ko ay iyan na agad ang ibinungad sakin nina Imir at Nina, mga madadaldal kong katabi. Kung hindi pa dahil sa kanila ay hindi ako magkakaroon ng ideya sa nangyayari.
Biglang nag-init ang ulo ko.
"May sinabi ba sa inyo si Jace?" naiiritang tanong ko.
"Oo. Siya nga itong nanghihingi ng tulong samin na mapaglapit kayong dalawa ni Eaton. Syempre according to him, he's your bestfriend and all. Ang tanging hangad niya ay ang maging masaya ka." she answered like it's some matter of fact.
Agad kong sinugod si Jace. Nadaanan ko pa si Eaton na hindi makatingin sa akin ng diretso. Lalong uminit ang ulo ko. Ano na naman bang kabaliwan ito?! Lagot talaga sa akin ang Jashang iyon!
Malapad na ngiti ang isinalubong sa akin ni Jace. Binato ko siya ng bag na hawak ko.
"Aray!" reklamo niya habang hawak-hawak ang mukha niya. Mabuti nga sa kanya!
"Aray mong mukha mo! Baklitang Jasha ka! Ano na namang ginawa mo?" Kulang na lang ay sakalin ko siya. Nakakaiyamot talaga.
"Ano ba yang laman ng bag mo? Calculator ba yung matigas na tumama sa ilong ko? Ang sakit ha."
Inagaw ko na sa kanya yung bag bago pa niya mahalikwat.
"Ano tong narinig ko? Ipinagkalat mo daw na may gusto ako kay Eaton?"
"Hindi naman. Nanghingi lang ako ng tulong sa kanila." aniya saka mapang-asar na ngumisi.
"Yun na din yun! Gago!"
Gusto kong maiyak sa kalokohan niya. Wala naman akong sinabing may gusto ako kay Eaton e. Natuwa lang ako isang beses na nakita ko ang drawing niya. Ang galing niya kasi. Hindi ko kasi yun kaya. Ni minsan hindi nagmukhang pang-anime ang mga drawing ko.
Nakakahiya tuloy kay Eaton! Mukhang naiilang siya ngayon sakin. Ang gago naman kasi nitong si Jace. Sisirain na nga lang ang araw ko, mandadamay pa ng ibang tao!
BINABASA MO ANG
Kasalanan Mo! (One Shot)
Teen Fiction"Oo na, oo na! Kasalanan ko na! Pero sino kayang puno't dulo ha? Hindi ba't ikaw?"