classmate01: tol wala tayong mapapala sa kanila kung gusto mo bumuo nalang tayo ng sarili nating grupo?
Ako: Sige ikaw ang bahala tol sama lang ako sayo.
classmate01: sige tol bukas sama ka sakin pag katapos ng klase natin diretso tayo dun sa mga tropa ko gagawa tayo ng sarili nating grupo ayos ba yun?
Ako: Sige ayos yan naisip mo, sige tol bukas nalang.. geh uwi nako,
(napaisip ako kung tutuloy ko pa ba, gagawin ko pa ba to? para lang makaganti ako sa mga nambugbog sakin, dapat ba na gumanti?)
Kinaumagahan pumasok na ko sa school nilapitan ako ng classmate ko.
classmate01: tol ano tuloy ka pa ba?
Ako: sige tuloy pa ko diyan, anu ba yung naiisip mo na Name ng group?
classmate01: Virus tol, maganda diba hahahaha...
Ako: ok lang tol..
classmate01: ayos yan hahaha basta sama ka sakin mamaya uwian..
"4pm uwian na"
classmate01: tara tol sasama satin si Romeo saka si Palaka sasali din daw satin..
Ako: aba ok yan para madami tayo,.
classmate01: oo ako bahala sa inyo, tara na medyo malayo lalakadin natin..
Ako: sige tara na..
"after a 15 minutes of walking"
classmate01: dito na tayo saka nga pala mga barkada ko saka eto nga pala founder natin si Jimmy,.
Jimmy: sila ba sinasabi mo Ricky?
Ricky: sila nga boss, hehehe matitikas mga yan saka maasahan ako pa ba hahanap ng weak hahahaha..
Jimmy: tara na sa hideout ng mabinyagan na mga yan..
(Binyagan di ba bubuo palang ng Group? mukang masama kutob ko,.)