Lintek! Badtrip talaga. Four days nalang Valentine's Day na kaso eto nagkalabuan kami ni crush. Nakakainis lang. Nagulat ako kasi malaman laman ko may boyfriend na pala siya!? Nakakabigla lang. Akala ko ako na e. Aamin na sana ako kaso 'yun, may boyfriend pala.
Ako nga pala si Diether, may crush ako. Kaso 'yung crush ko na si Althea, may boyfriend. Kainis! Sayang 'yung pagod ko sa pag-comfort sakanya dahil sa ex niya tapos malalaman ko lang na may boyfriend na pala siya last week pa? Akala ko sakin na siya eh. Kaso alam niyo ba may nafi-feel ako eh. Kasi oo, dati, nakakausap ko siya palagi pero ngayon minsanan na lang. Hindi naman siya ganyan eh. Nung isang araw nag-status lang ako sa facebook na saya ka video chat nung kaibigan kong babae bigla ba namang nagsungit sa chat namin! Selos ka siya?
Hmm. Operation: Pagselosin si Crush kaya ang gawin ko? Try natin kung tumalab.
DAY 1:
"Saya talaga kasama nitong si Bea Jane kanina eh! Next tinme ulit!!=)))))"
Like.Comment
13 people like this.
Uy! May bagong notification. Hmm. *click* Naks ni-like ni Althea 'yung status ko. I-chat ko kaya?
"Hi Althea!"
"Hello." Ang cold naman sumagot nito! Anyare dito?
"Cold ah, problem? Meron?" hindi naman siguro masamang itanong diba? Malay mo may problema lang 'yung tao.
"Break na kami eh. Sige bye."
Magta-type pa sana ako ng tanong na "Bakit kayo nag-break agad?" Kaso ayun nag-offline. Hayys. Akala ko naman nagselos na kasi kasama ko si Bea kanina. Asar. Oo nga pala may boyfriend siya, ano bang paki niya sa kasama ko. Teka, wala na pala siyang boyfriend. So...ex?
DAY 2:
Bagong araw, bagong kaganapan tungkol kay crush. Ano na kayang nangyari sakanya? Puntahan ko kaya? Malay mo umiiyak na 'yun, kailangan ng magco-comfort. Ganun naman ako eh, 'taga-comfort' lang niya. Saklap diba.
Pagkarating ko sa harap ng bahay nila nakita ko siya nakaupo sa may upuan nila sa labas. Umiiyak siya. Malapitan nga.
"Althea, psst." sabay upo sa tabi niya. Hindi siya tumingin sakin pero nagsalita siya.
"O-oh?" tanong niya na halata mong nahihirapan kasi humihikbi pa.
"'Wag ka na umiyak. Sinaktan ka ba niya? Marami pang iba diyan! Malay mo may naghihintay lang sayong mas better pa kesa sa ex mo. Diba. Tahan na." sabi ko sakanya sabay tingin sa malayo. Siyempre hindi ako dapat pahalata na 'Ako' mismo 'yung tinutukoy ko sa sinabi ko.
"Psh. M-meron ngang mas better diyan kaso may iba naman ata. Inis lang. Hoy hindi ko iniiyakan ex ko. Asa s-siya." tumingala siya at tumingin sakin. Namamaga pa ;'yung dalawa niyang mata. Ano kamo? Hindi niya iniiyakan ex niya, edi sino pala?
"Nye? Namatayan ka ba? Bakit ka umiiyak?" sagot ko sa sinabi niya tapos tumingin din ako sakanya pero umiwas lang siya ng tingin at nagsalita.
"Puso ko namatay! Nako talaga! E-ewan ko sayo! Nakakaasar k-ka kausap!" nagdabog siya paalis at pumasok sa loob ng bahay nila. Binagsak pa nga niya 'yung pinto nila eh. Loko 'yun! Lakas ng topak. Makaalis na nga din. Hindi ko siya gets. Pasalamat siya maha--crush ko siya kaya mahaba pasensya ko. Haha.
"Parehas lang tayo namatayan! Ng puso! Condolence!" sabay alis ko na at baka mas lalo pa siyang maasar sa sinabi ko. Hahahaha!
Pagkauwi ko sa bahay namin binuksan ko kaagad ang facebook ko kasi wala naman akong ibang gagawin kundi ang mag-internet lang. Ang bungad agad sa newsfeed ko ay 'yung bagong status ni Althea.
"Sabi ko sakanya namatayan ako ng puso. Tapos ang sagot niya pa 'condolence'. Aba ayos. Pang-asar. Wala na, nalibing na 'yung puso ko."
Like.Comment
15 people like this
Comments:
'Pilosopo hahahahaah!'
'Sino nagsabi?'
'Hudizzzzz'
Nakng! Ako 'to ah? Hahahahaha. Ang big deal naman nung sinabi ko sakanya. Psh. Makapag-status nga rin.
"Nalibing na 'yung puso mo? Teka habol ko 'yung sakin. Para' till death do us part."
Pagka-post ko nun nagulat ako kasi ni-like agad ni Althea, hindi naman halatang updated siya sa mga status ko, noh?
"Pang-asar ka talaga e noh? >_<" bungad niya sakin sa chat.
"Problema mo? Haha."
"Ikaw!! Eh kainis!! I hate youuuuuu!!"
"Luh! Haha. Wala kaong ginagawa sayong kahit ano ah. Teka chinat ako ni Bea." Pero hindi talaga ako chinat, tignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ge." Aba! Ayos ah? Mukhang alam ko na ang nangyayari dito ah. Hahaha! Gumagana na ba ang pagpapaselos?
DAY 3:
Alam niyo ba good mood ako agad. Pagkagising na pagkagising ko ganda ng text na bumungad sakin eh. Tinext kasi ako nung ex ni Althea. Grabe, akala ko mang-aaway or ano eh. Pero alam niyo 'yung laman ng text?
"Hoy pare, dumamoves ka na kay Thea. Hindi naging kami nun, pinagseselos ka lang nun dati akala niya kasi magseselos ka e. Pero pare alam kong gusto mo siya kaya please lang umamin ka na sakanya. Nagda-drama sakin eh, nakaka-bwisit. Ingay-ingay pa kapag tumatawag sakin. -_- Kaya please lang ha? Ge, good morning pre."
Oh diba? Kung dtai ko pa alam ito edi sana hindi ko na inaasar si Althea at wala nang operation selos pang nagaganap! Ma-text nga.
"Psst, birthday ng kapatid ko mamaya punta ka ha? Sunduin kita diyan sa inyo. 2pm."
*Fast forward*
Nandito na ako sa tapat ng bahay nila at hinihintay siyang lumabas. Ang tagal talaga kumilos nito! Aysus.
Ilang minuto pa ang nakalipas at nakita ko siyang lumabas sa pinto nila at kumaripas ng takbo papunta sakin at nagsalita, "Sorry, na-late kasi ako ng gising eh." Pero siyempre hindi naman ako nagalit, ang ganda kasi niya eh. Gandang view oh.
Napatitig ako sakanya buti nalang hindi niya nahalata kaya iniiwas ko nalang ang mata ko at dumiretso ng tingin sa daan papunta samin. Pagkarating samin nagulat ako sa bungad sakin ng kapatid ko.
"Kayo na ba?" Siyempre nanlaki agad yung mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa katabi kong si Althea, gulat din siya. Sasagot na sana siay pero inunahan ko ng sagot. Alam kong nakakagulat 'yung sagot ko pero kailangan dumamoves naman ako, diba?
"Basta mahal ko siya, wag na kayo magtanong ng kahit ano pa."
DAY 4:
"'Yung crush ko! Ay mahal ko pala, umamin na din sa wakas! Mahal niya din ako. Happy Valentine's Day!"
~~~~~
(A/N: Para po ito sa bestfriend ko at girlfie niyaaaaaaaaaa. :) Happy Valentine's Day everyone! Sorry kung puchu-puchu. Bangag ako .'yung sa DAY 3 po pala, totoo pong sinabi ng bestfriend ko 'yun. Hulaan niyo nalang kung ano dun.)