Oo na!! Aamin na!!
Kung noon pa sana ay inamin ko na,
Nung mga araw na lagi kang kasama,
Mga pagkakataon na maaari pa
Itong pagtatanging aking nadarama
Ngunit ngayo’y malayo ka na,
Di matanaw, di Makita,
Nangunguliala nang mag-isa
Nangangarap makasama ka
Maibalik ang panahong nasayang lang
At magbaka-sakaling iyong malaman
Ngunit sana ako’y wag mong pagtawanan,
Sapagkat itosa aki’y kasawian
Oo na, inaamin ko na...
MAHAL NA MAHAL KITA, DATI PA!!