Starring 54

10.3K 161 10
                                    



STARRING 54

I NEED YOU



Hilong-hilo ako nang ihiga ako ni Franz sa room namin dito sa hotel. Pakiramdam ko nga may lindol at gumagalaw ang kama. Para akong idinuduyan. Kaya walang pakialam na ipinikit ko na lang ang mata ko. I'm sleepy.



Medyo naalimpungatan ako nang may malamig na dumadampi sa mukha ko. "Hmmm.." Tanging ungol ang nabitawan ko. Hindi na ako nagmulat ng mata para tingnan iyon. Basta ang alam ko medyo gumiginhawa ang pakiramdam ko dahil sa lamig noon.



Pero automatic na dumilat ang aking mga mata ng maramdaman kong tinatanggal ni Franz ang shirt ko. Natigilan siya at napatitig sa aking mga mata ng daklutin ko ang kamay niyang nakahawak na sa laylayan ng suot ko. Labas na nga ang pusod ko.



"What do you think are you doing?" Seryosong tanong ko sa kanya.



Napalunok siya at mukhang kabado. Agad binitawan ang laylayan ng shirt ko at nag-iwas ng tingin. Pero alisto akong hinuli ulit ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.


"Anong gagawin mo sana sa akin, Franz?" Medyo may diin ng sabi ko. I know that I love him, pero hindi tamang samantalahin niya ang kalasingan ko.



"A-ano pa ba ang t-tingin mong gagawin ko?" Nabubulol na tanong niya pabalik. Hindi makatingin sa aking mga mata.


Kumunot ang noo ko. Naiinis ako. Hindi ko akalain na ganito si Franz. Isang mapagsamantalang tao. "ANO NGA?" Pasigaw ng tanong ko.


Nakita kong halos mapatalon siya sa gulat. "P-papaltan ko lang ang damit mo. May suka kasi." Naiilang pa ding sagot niya.


Iginala ko agad ang paningin ko sa suot kong shirt. Napangiwi ako at napakagat labi. He's right! Kadiri ang shirt ko. May suka ko sa dibdib!


"I'm sorry. Hindi mo kasi sinabi agad. Sorry for shouting at you." Hingi ko ng paumanhin sa mababang tono. Binitawan ko na ang kamay niya. Napa-face palm ako. How stupid of me?! Nagjump agad ako into conclusion ng hindi siya tinatanong. Maygad! Disaster talaga ako!


Hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakatingin sa ibang direction. Ito pa ba ang igaganti ko sa kabutihan ni Franz sa akin? Inasikaso na nga ako ng tao eh.


Umupo ako at niyakap siya. Medyo naramdaman kong nanigas siya dahil hindi inaasahan ang ginawa ko. "Sorry na." Hingi ko muli ng tawad.


Halos makuryente ang buong katawan ko nang maramdaman kong yakapin niya ako pabalik at halikan ako sa buhok. "Ok lang. Huwag ka ng iinom ulit ng ganoon kadami ah." Malambing na sabi niya.


Awe! Kinikilig ako sa lambing ng boses, yakap at halik niya sa akin. Parang gusto kong himatayin. Buong dinner akong bad vibes, mabuti na lang at sobrang saya ko na ngayon.



"Sorry ulit at salamat sa pagasikaso." Sabi ko pa habang nakasubsob sa dibdib niya. Ang sarap sandalan ng matigas niyang dibdib. Nakakalagot ng garter ng panty talaga!



Nabigla ako ng marahas niya akong ilayo sa kanya. "Ang baho mo! Dumikit tuloy sa shirt ko!" Inis na pintas niya sa akin.


"Yabang nito!" Sinapak ko ang braso niya. Ang yabang naman kasi eh. Ayos na sana ang pagmo-moment namin, sinira pa. Hays!


Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko habang nakatitig sa mata ko. "Kahit naman mabaho ka, maganda ka pa din." Nakangising sabi niya.


Dug..



Dug..



Buffering..



Tama ba ang dinig ko? Pinuri niya ako? Maganda daw ako? Wow! It's a miracle!


Tinapik ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Masakit ah." Reklamo ko pero hindi ko mapigilang mapangiti. Kinikilig ako lalo sa papuri niya. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha.


"Bakit ka nga ba kasi naglasing?" Tanong niya habang yumuyuko at kinukuha ang towel na nasa planggana at piniga. Inilagay na niya sa isang tabi.


Should I tell the truth? Sige na nga. Bahala na.


"Ang totoo, naiinis kasi ako kapag magkasama kayo ni Fatima. Lalo na noong binigyan mo siya ng pansin." Amin ko habang nilalaro ang mga daliri ko. I couldn't look straight into his eyes. This is so embarrassing!



Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Gusto mo na naman ako, Steph?" Tanong niya habang nakangisi.


Wrong decision. Hindi ko dapat sinabi iyon. Nahalata tuloy ako. Dapat pala nagpalusot na lang ako ng ibang dahilan. Minsan talaga, mahirap din ang maging masyadong honest eh.


Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin. Ayokong sumang-ayon, pero ayaw ko ding tumanggi. Nahihiya ako. Tiyak na magdidiwang lang ang loko kapag sinabi ko ang totoo. Kaya nanahimik na lang ako.


"Hey! You don't have to be jealous, Steph." Seryosong sabi niya at hinuli ang aking tingin.


Nagtagumpay siyang mahuli ang titig ko. Para tuloy hinihigop na naman ang kaluluwa ko. "I-i'm not jealous, asshol3!" Nagmura ako para isipin niyang seryoso ako.


Natawa na naman ang loko. Yabang talaga! "Eh bakit ka pala naiinis kapag magkasama kami?" Sabi niya habang nakataas ang kilay sa akin. Iyong mukha niya ay parang nangaasar.


"Ha?" Naku! Paano ba ako makakalusot nito? "Ka..kasi... Bagay kayo? Samantalang ako, hindi ko na a-alam kung sinong babagay sakin?" Nabubulol pang sabi ko. Hala! Ito na naman ang dila ko. Nabubulol na naman!



Nakangiti siyang malapad at inilapit ang mukha sa akin. Kumakalabog tuloy lalo ang dibdib ko. Ang mga paruparo ayan na naman at parang gusto nang ilipad ang buo kong katawan.



Napakurap-kurap ako sa kaba. Ang lapit niya!



"Ano ngayon kung bagay kami? Saka sigurado ka bang hindi mo pa nakikita ang bagay sa iyo o ayaw mo lang talagang i-aknowledge?" Tanong niya sa medyo paos na boses.


Gad! Pati sa boses niya kinikilig ako! Nahihirapan na akong huminga! Ang gwapo niya kahit ganito kalapit. Amoy na amoy ko ang fresh breath niya, samantalang ako? Naku! Amoy suka ang hininga ko, tiyak!


Napaatras ako ng upo. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Nakakahiya ang hininga ko! Pero maagap na pinigilan niya ang pagtakip ko sa bibig ko. Lumapit siya lalo sa akin. And...



Namilog ang mata ko at nanigas ang batok ko.




He is kissing me!



Nakakalasing ang halik ni Franz pero kailangan kong awatin. Ang baho ng hininga ko, my goodness!



"Baket?" Nagtatakang tanong pa niya. Wala ba siyang pang-amoy at natitiis niya ang baho ng bibig ko.


Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kanya. Tumayo ako at nilapitan agad ang pintuan ng banyo. "Ang baho ko!" Singhal ko.


Hindi ko na inantay ang sagot niya. Agad akong pumasok sa loob at isinara ang pinto. Narinig ko pa ang paghalakhak niya sa likod ko.


Napahawak ako sa dibdib ko habang nakasandal sa saradong pintuan ng cr. Nakakailang naman kasi talaga! Hinimashimas ko ang dibdib ko at huminga ng malalim. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.


Deep breathing ang ginawa ko. Pero sadyang ayaw makisama ng puso ko, kumakalabog talaga. Ang lungs ko, parang ayaw mag-expand ng ayos. Nahihirapan pa rin akong huminga sa nerbyos.


Kailangan kong mahimasmasan sa kabaliwan ko kaya naghubad agad ako at tumapat sa ilalim ng shower. Kailangang mawala ang init na nararamdaman ko. Init na parang galing ata sa alak. Hindi ako sure.


'Baka naman dahil kay Franz?' Bulong ng black angel ko sa akin, kaya ipinilig ko ang ulo ko para mahimasmasan sa aking kabaliwan.



Natapos akong maligo at magtoothbrush. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Medyo matagal na rin ako dito sa loob kaya lumabas akong naka-bathrobe. Wala na akong naririnig na kaluskos man lang kaya tiyak na lumabas na si Franz ng room namin. Wala pa naman akong suot sa ilalim ng robe na ito dahil sa pagmamadali ko.


"Tagal maligo ah?"


"Ay kabayo!" Nagulat at napatalon pa ako. Ang akala ko ay wala na ito. Naandito pa pala?


Ngumisi siya sa akin habang nakasandal sa pintuan ng dresser. Nakaharang pa talaga sa lalagyan ng damit ko. Napansin kong nakaligo na siya at nakaterno nang pajama. Kahit balot na balot ay ng macho pa din talaga. Nakakaattract talaga si Loko!


"Padaan nga!" Pagsusungit ko para maibaling ang sarili ko sa ibang topic.. Tinabig ko pa siya ng malakas. Agad kong binuksan ang pintuan ng cabinet para kumuha ng pajama at underwears.


"Sungit mo! Meroon ka ba?" Pang-aasar niya na natatawa pa.


Naningkit ang mata ko sa kanya. "Lumabas ka na nga at magbibihis ako!" Singhal ko sa kanya. Ibinalibag ko pa pasara ang pintuan ng cabinet.



"Ow! Sobrang sungit. Ayoko ngang lumabas!" Humiga pa talaga sa ibabaw ng kama habang nasa ilalim ng ulo ang mga kamay. Nakatitig lang siya sa akin.



"Papanoorin mo akong magbihis?" Naniningkit ang mga mata ko sa inis.


Sumipol-sipol pa ang loko na wala talagang balak lumabas ng kwarto. "Fine! Sa loob ako ng banyo!" Kaya ang ginawa ko, pumasok na lang ako sa cr ulit at doon nagbihis.


Paglabas ko ay mahimbing na Franz na agad ang naabutan ko. Nakatihaya pa din siya na parang prinsipe tulad kanina. Nilampasan ko lang siya at hinarap ang tokador. Nagsuklay ako ng buhok. Inaantok na ako.



Gusto ko na sanang matulog pero basa pa ang buhok ko. Ginamitan ko na lang ng maliit na blower na baon ko sa maleta ko. Nang matuyo na ay napatingin ako sa kama. Paano ako hihiga nito? Magtatabi na naman kami? Ang lakas na naman tuloy ng lagabog ng dibdib ko.


Humahataw ang puso ko dahil sa magkahalong kaba at excitement na makakatabi ko si Franz sa pagtulog. Sa condo kasi sa Pinas ay tig-isa kami ng rooms. Paano kung mapunta na naman sa makeout ang lahat? Paano kung mas malalim pa doon ang marating namin?


Huminga ako ng malalim. Antok na antok na ako. Mukha namang mahimbing na si Franz. Hindi ko na kailangan kabahan sa honeymoon na sinasabi niya. Bahala na.


Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Maingat din akong humiga. Ayokong magising ko siya. Baka kung ano pa ang gawin niya kapag nagising.


Kinalabit ko ang lampshade sa tabi ko at binuhay. Pinindot ko ang main light gamit ang remote. Medyo madilim na kaya makakatulog na ako.


Nagtalukbong ako ng kumot at tinalikuran si Franz sa paghiga. Ayokong makita o maamoy man lang ang mabango niyang shampoo sa buhok. Hindi ko kasi maintindihan ang kakaibang kuryenteng nararamdaman ko kapag naamoy ko ang kanyang bango.



Iniiwasan kong gumalaw ng kahit kaunti para hindi masira ang malalim niya tulog. Para ligtas ako, hindi sa kanya, kundi sa akin mismong sarili. Baka kasi ipagkanulo na naman ako ng sarili kong katawan kung sakaling haplusin niya ako at halikan. I know, medyo expecting na hindi ang dating ko. Pero ang totoo, I am anticipating! Ahaha!


Matagal akong nakatulog kasi hindi naman ako sanay ng nakatalukbong ng kumot sa mukha. Naalimpungatan na lang ako at napadilat ang mga mata nang maramdaman kong parang may humahalik sa labi ko. Awe! Si Franz nagnanakaw ng halik.


Napahinto siya nang medyo dumilat siya para tingnan ako. Nakita niya kasing titig na titig ako sa kanya.


"I'm sorry kung hindi ko napigilan." Lumayo na siya ng higa sa akin.


Parang nasa cloud nine pa din ang feeling ko. Pakiramdam ko kasi nagugustuhan na niya ako. Imagine, nagnanakaw na siya sa akin ng kiss habang tulog ako? Achievement ito, mga kumare! Pero ano nga ba ako para sa kanya kasi?


"B-bakit ba kiss ka ng kiss sa akin. Hindi mo dapat ako halikan ng halikan. Wala naman tayong..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko.



Pinaibabawan na agad ako ni Franz at pinatahimik ang mga labi ko ng labi niyang sumasakop sa akin. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa braso ko ang isa at ang isa sa batok ko. Mas inilalapit pa niya ang ulo ko sa kanya. Wala tuloy sa sariling naiyakap ko ang mga braso ko sa batok niya.


Dumako ang halik niya sa mata ko, tip ng ilong ko, leeg, at sa tenga. "Steph, I need you...." Sabi niya sa paos na boses. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aming mga dibdib na magkalapat.


'Honeymoon na ba?'



_________________________________________


A/N:


BS? Iisipin ko pa. Teen fiction kasi ito eh. Meaning, teens ang mostly readers nito. Kaya aaw ko namang magsaksak ng kaberdehan sa mga utak ng ating mga kabataang pag-asa ng bayan.. hahaha!


VOTE & COMMENT guys!

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon