AN: First time ko lang po ito kaya paki intindi na lang po.
Troy POV's
Pabili?
Tindera: Ano?
May Marlboro lights po kayo?
Tindera: Wala!
Marlboro Red???
Tindera: Wala din!!!
Ano ba yan nagtinda pa kayo!
Syempre sa isip ko lang yun sinabi, hahahaAnjan ba kuya mo?
Tindera: Wala eh, Baket?!
Ahh, wala sige paki sabi na lang dumaan ako?
Tindera: Ano ba pangalan mo?
ahh, Troy ....
Tindera: ahh sige.
Sabay alis namin sa tindahan, haha. Dun na lang kame bumili sa kabila ng sigarilyo, bilib nanaman sakin tung kasama ko, haha. Maasar nga.
Tol? Ganon ang diskarte sa babae, haha. Siya pa nag tanong ng pangalan ko.haha.
Mark:haha, loko ka pala eh, sabi mo kaya paki sabi sa kuya niya na dumaan ka, eh hindi ka naman niya kilala, haha.
Ganun ang diskarte ko. Haha. Tara na nga.
Pinaandar na niya yung motor, naka angkas lang ako sa kanya eh, galing kase kaming practice sa dance group, habang nagmamaneho tung kasama ko, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Troy Zara 16 years old, Simpleng tao, Gwapo sabi nila, haha, Chinito, Makulit, Matangkad, Medyo Matangos ang Ilong, at Gwapo. HAHA. Bale nandito nako samin kaya uuwi nako, magpapa alam lang ako sa tropa ko.
Sige tol salamat Ingat.
Mark: Sige tol.
At Siya nga pala si Mark Sanchez Tropa ko Naka tira siya dun sa kabilang barangay, hatid sundo niya ko pag may practice mabait naman, kaklase ko rin siya eh, kaya madalas kong Kasama kahit saan minsan nga sa kanila ako natutulog eh, Sa kanila na rin ako kumakain pag walang pagkain samin haha. Joke,
Lola: Troy kumain kana nga at baka maubusan ka pa!
Sige na lola mauna na kayo makita ko lang kayong busog, Busog na rin ako. Haha.
Lola: puro ka kalokohan eh, kumain kana.
eto na po kakain na.
Eto ako ngayon lamon ng lamon, este kain ng kain ang sarap ng ulam sinigang. Haha. Luto pa ng lolo ko yan haha.
Pagka tapos kumain hugas ng plato, dahil masipag ako, ayun lumabas nako, baka pag hugasin pako ng plato, may yoyosi muna ako eh ilang years nakong nagyoyosi pero di parin ako nagkakasakit nag simula akong mag yosi 13 palang ako nun eh. Sa mga tropa ko, Kung itatanong niyo kung anong maganda ang naidulot sakin ng sigarilyo Yun ay nagkaron ako ng iba pang barkada kase nung grade 7 palang ako, lagi akong binubully kase wala akung barkada
Pero nung nag grade 8 ako,
Ako na yung nambubully. Haha.Back to Reality Eto ako ngayon naka tambay. Masayahin akong tao yung tipong laging naka ngiti, Sweet, malambing, at mapang asar. Ilang minuto pa ang naka lipas may nagtext sakin.
From: 0955*******
Nasan ka?Nasamin lang po?
Sama ka samin pupunta kaming patay.
Ahh, sige po daanan niyo na lang po ako.
Yung manager ko pala sa dance group si Sir Kyle, ako kase madalas niyang isama pag may lakad kase alam niya wala naman akong masyadung ginagawa.
Dumating na nga si Sir Kyle pagdating namin sa may burol Nakita ko yung kaklase ko last year bali Tropa ko na din.
Tol? Musta?
Ranz: Oh tol? Ayus lang ikaw ba?
Ayus lang din, Pero Pre Sinabi ba sayo ng kapatid mo na dumaan ako dun kanina sa inyo?
Ranz: Oo tol.
Ahh, Pano ba yan? Kuya na kita? Haha.
Ranz: bakit?
Haha. Number ng kapatid mo tol?
Ranz: ahh yun lang pala eh, eto oh 0997*******. Pero alam ko may bf yan eh.
Haha. Okay lang yun tol, kilala mo naman ako. Haha
Ranz: oh sige tol uuwe na kame.
Ahh, sige sige ingat kayo, KUYA. HAHAHA.
Ranz: haha. Sige
Umuwi na nga sila Ranz kapatid siya nung binibilihan ko ng sigarilyo kanina.
0997*******
Save to contact
.Mae AmoraMamaya ko na lang to itetext. Haha. Matagal ko ng nakikita yung kapatid ni Ranz na yun eh, hindi ko lang pinapansin kase mukang bata, pero sabi nila grade 10 na daw yun eh grade 10 palang din naman ako. Kaya okay na okay.
Pauwi na kame galing burol, nadaanan ko na naman yung kapatid ni ranz nagbabantay ng tindahan. Haha. Pagdating ko samen Nahiga kagad ako sa Kama ko sabay text sa kanya, nagreply naman kagad hanggang ayun nagka text na kame umabot kame ng 1:00am at dahil dun hindi ko namalayan unti unti nakong nahuhulog sa kanya.
Ayon sa Survey. Mas Mabilis Mafall ang lalake kesa sa Babae,
Boys in 2 second nafafall na sila, And the Girl 1day 2days or 1week.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge
RandomAng kwentong ito ay hango sa totoong buhay, Yung tipong kapag iniwan ka ng taong minahal mo ay gusto mong bumawi sa kanya, at ipamuka sa kanya kung sino oh ano ang iniwan niya, Enjoy Reading First time ko lang magsusulat ng story kaya kung may mali...