*Krizzy Pov*
Nasa Library ako ngayon. Para magbasa ng mga gusto ko na mga books syempre naman pero hindi ako nerd ha. I just love to read books lang talaga. Minsan napagkakamali nila ako sa nerd dahil sa pagkahilig ko sa libro.
By the way I'm Krizzy Pascual a teenage Girl who really love to read books lalo na ang mga Love Stories. At oo sa Library kung nasaan ako ngayon ay may mga Love Stories na Books.
Nabobore na ba kayo? Dahil puro narrate ako? Well please be patient. Mahirap magsalita ng mag-isa ka lang, baka pagkamalan akong krung-krung.
I'm on the last page na pala ng binasaba ko at patayo na sana para ibalik ang libro sa shelf at maghanap ng panibagong mababasa when someone caught my attention. A guy wearing a Black tee ang black pants. Yung buhok nya gulo gulo na bumagay naman sa kanya. Ang mas kapansin-pansin sa kanya ay ang chinito nyang mata na akala mo nagtutwinkle twinkle pag tinititigan mo ng matagal.
Hindi ko namalayan na nakatanga na pala ako at parang tangang nakatayo sa isang gilid. Nahulasan lang ako ng madako ang tingin nito sa akin .
Agad akong umiwas ng tingin at dali daling pumunta sa lugar na pagbabalikan ko ng libro. Napahawak ako sa dibdib ko at dahan dahang pinunasan ang pawis ko sa noo. Grabe! Nang dahil sa lalaking iyon pinagpawisan na agad ako? Ganito na ba napapala ko sa pagbabasa ng mga Love Stories? Dapat ata bawasan ko? Ano kaya kung Mystery naman basahin ko?
"Hmmm tama, tama" tatango tango pa ako habang nagsasalitang mag isa. Kaya lumipat ako sa section ng Mystery na mga books at doon naghanap ng babasahin.
Sa dame ng pagpipilian ay halos malito ako kung ano ang babasahin. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ng limang libro na nakapukaw sa atensyon ko.. Biglaan na to! Isasaoli ko na lang ang hindi ko mabasa.
Naglalakad na ako pabalik sa table na inupuan ko kanina ng bigla akong ma out of balance. Katangahan strikes again.
Pumikit na lang ako at hinanda ang sarili sa matigas na semento na babagsakan ko ng may pares ng matitipunong braso ang sumambot sa akin.
Dahan dahan akong dumilat at agad kong nasilayan ang chinitong mga mata na nakatitig sa akin..
Shemss! Napakagwapong nilalang!
Natawa sya bigla at "thank you" sabi nya. Hindi pa masyadong nagpaprocess sa utak ko kung bakit sya nag te-thank you dahil sa ngiti nyang pamatay, dahil kung tutuusin ay ako dapat yung magsasabi noon sa kanya. Hanggang sa napag isip isip ko na.
KINGINAMERS! NAIBULALAS KO ATA YUNG DAPAT NA SASABIHIN KO LANG SA ISIP KO!
Agad agad akong umayos at humiwalay sa kanya at nakayukong nagpasalamat sa kanya . Piste nakakahiya ang sinabi ko. Baka isipin nya na napakakire ko namang babae.
Dahil sa hiya ko ay nagpunta ako sa Librarian at inuuwi ko na lang ang libro na dala dala ko.
Bago ako umalis ay napalingon pa ako sa lalaking sumalo sa akin na nakaupo na ngayon sa table na malapit sa pinuwestohan ko kanina. Napalingon ito sa akin at saglit akong sinulyapan kaya taranta akong naglakad paalis sa lugar na iyon.
Sa bahay.
"Ano ba naman Ate. Puro ka na lang basa ng bass dyan kaya ka hindi nagkakajowa eh" sabi ng kapatid ko na nagtetext pa habang nakahiga sa higaan ko.
"Bakit kasi nangingielam ka? Buhay mo buhay mo?!" Sagot ko dito habang titig na titig ako sa librong binabasa ko.
"Concern lang ako sayo. Baka tumandang dalaga ka kasi tsk" palatak pa ng kapatid ko na si Criz habang ngingiti ngiti sa katext nya.
"Hoy lalake! 18 palang ako kaya bakit pagkamatandang dalaga na agad ang sinasabi mo dyan ha! At isa pa bakit ka ba nandito sa kwarto ko? Umalis ka nga dito at naiistorbo mo ang pagbabasa ko!" Pagpapalayas ko dito! Nakakainis kayang magbasa ng may daldal ng daldal sayo! Hindi ko maitindihan ang binabasa ko!
"Ayoko doon sa kwarto ko. Makikichismis si Kuya sa katext ko. Mas okay na ako dito atleast hindi mo ako pinapakielaman. Samantala si Kuya inaagaw phone ko tapos sya ang magtetext dito sa katext ko or worst baka itextmate nya pa tong crush ko. Ayoko nga tsk!" Reklamo nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ayan! Dyan ka magaling sa crush na yan! Hoy aral muna bago lande!" Pangaral ko dito na tinawanan nya lang.
"Mali ka naman ate" habang nahagikgik pa din ito.
"Oh eh ano ba dapat?"
"Dota muna at LOL bago aral hahaha" hagalpak nito ng tawa sabay balikwas sa kama at takbo paalis. Alam na alam nya kasi na babatukan ko sya sa sinabi nya.
--
Yesss! Tapos na klase kaya makakapunta na ulit ako sa paboritong lugar ko. Ang Library.
Dalang dala na ako sa binabasa ko na halos tumulo na ang luha ko ng biglang dumilim katunayang may nakatayo da harap ng table na kinauupuan ko. Sisinghot singhot pa akong tumingin at halos tumigil ang patak ng luha ko ng mapagsino kung sino ang taong nakatayo sa harap ko.
Si Chinito boyy!!
"Sorry kung lumapit ako sayo, Pero naiyak ka kasi, Okay ka lang ba?" Tanong nito sabay abot ng puting panyo sa harap ko.
Hala hala! Anung gagawin ko? Pati ba naman pag-iyak ko napansin nya pa?
"A-ano o-oo okay lang a-ako" bakit pa hindi ako makapagsalita ng deretso huhu.
Nginitian nya lang ako sabay kuha ng kamay ko at inilagay doon ang panyo nya sabay umalis na ito. Tulala akong napatitig sa pinto na nilabasan nya at napatitig sa panyong iniabot nya sa akin.
Shock. Yan ang best describe sa akin ngayon. Nagpabalik balik na naman ang tingin ko sa pinto at sa panyo na hawak ko. Agad ko itong ginamit pamunas ng luha ko ng mahimasmasan ako. At hindi o napigilan amuyin ito at shemay! Yayamanin ang amoy.
Napangiti na lang ako habang nakatitig sa panyo. Wag ka mag-alala. Ibabalik kita sa nagmamay-ari sa iyo pagkatapos kitang labhan sa pabango
BINABASA MO ANG
Destiny
Historia CortaA story about a Girl and A boy and their Push and Pull stance. Ano nga ba ang mangyayari kung urong sulong sila sa feelings nila? May pag-asa bang magkaaminan sila? Or manatili na lang silang Paligaw ligaw tingin sa isa't isa? Will Destiny help th...